Tatlong mabibilis na sasakyang panghimpapawid ang namataan nila Flare at Aurora. Ilang sandali lang matapos nilang magpakita, isa-isang nasira ang mga karatig na gusali matapos bagsakan ng napakamaring mga bomba.
"Anong nangyayari dito!?" malakas na tanong ni Flare habang nakadapa at pinapanood ang mga gusaling umaapoy at nagtutumbahan. Kitang-kita ng mata niya ang mabilis na pagkawasak ng buong syudad. "Ba't tayo pinapaulanan ng mga bomba!?"
'Di gaya ng binata, matuwid pa ring nakatayo si Aurora at inoobserbahan ang galaw ng mga kalaban. Nang masipat niya ang nakaambang panganib, agad niyang pinalabas ang nagliliyab niyang pana't palaso at sinetro sa bombang tatama sa kanilang dalawa. "Triple Shot!" buong lakas na sigaw niya habang pinapakawalan ang sobrang titinggad na palaso.
Isang malakas na pagsabog ang nilikha nang banggaan ng bomba at Soen-enhanced arrow. Kahit malayo sa lupa, nagkabasag-basag ang mga salamin ng mga istruktura at pansamanlatang tumigil ang buhos ng ulan.
"Flare, 'wag kang lalayo sa'kin!" wika ng dalaga habang nagkakasa ng panibagong atake. Sunod niyang pinunterya ang pawang mga gamu-gamo sa ere, ang mga jet fighters. Walang kahirap-hirap niyang napabagsak ang dalawa, ngunit ang ikatlo ang umubos sa kanyang pansensya. Bukod sa mabilis itong kumilos, magaling din itong magpaandar dahil ginagamit nito ang matataas na building bilang shield. "Tignan ko lang ang galing mo dito!"
Binatak ni Aurora ang goma ng pana at tinutok ito sa madilim na kalangitan. Kung pagmamasdan nang maigi, tinitipon niya ang halos kalahati ng kanyang puwersa papunta sa mga kamay, hanggang sa pinakadulong bahagi ng kanyang daliri. Tatlong segundo rin niyang nag-concentrate at saka pa lamang lumabas ang natatangi niyang bughaw na palaso. Yari ito sa purong espiritwal na enerhiya at nasa anyo ng isang matalas na apoy.
Isang diretsong linya ang iginuhit nito paitaas, at sa pinakamalayong maaabot nito ay biglang sumabog. Kalat-kalat ng mga shrapnel ang kumalat sa alapaap at isa sa mga ito ang nakadali sa kaliwang pakpak ng eroplano. Wala nang mapagpipilian, umuusok na bumulusok ang tinamaang sasakyan pababa sa direksyon nila Flare at Aurora.
"Papunta siya rito!" sigaw ni Flare habang hinihintay ang kanyang katapusan.
Binunot ni Aurora ang maliit niyang punyal sa kanan niyang medyas. Agad siyang nag-Ultra Speed papunta sa direksyon ng isang matayog na hotel at walang pag-aalinlangang hiniwa ito. Ilang sandali lang, kumalas ang pang-itaas na tore at saktong binagsakan ang nagpapatiwakal na eroplano. Iyon nga lang, nadamay pati ang Last Cathedral!
Napaubo si Flare nang makalanghap siya ng alikabok mula sa na-demolish na building. "Ang lupit!!! Kaso, tinuloy mo naman ang pagwasak sa buong syudad!!! Pati si Xavier na nagdadasal, nadamay!!! Teka, 'yung building pala ni Tide, 'yun pala ang pinatumba mo!!! Anong gagawin ko ngayon, ako na lang yata ang natitirang tao ngayon!?"
Hingal na hingal na bumalik si Aurora sa dati niyang puwesto. "Hoy binata! Kung nag-iisa ka na lang, anong tawag mo sa'kin?! Isa pa, may nababasa pa kong gumagalaw sa guho ng simbahan. Mukhang sinuwerte pa ang kasama mo! Gayon din sa ilalim ng building, kaso wala akong nakikitang tao." Humarap siya sa timog at itinuloy ang paggamit sa Scouting Mode. "Ang kinakatakot ko lang, merong paparating na hukbo na armado ng mga baril at granada. Isama pa natin ang mga dala nilang tanke, eroplano, helicopter at 4v4 trucks, masasabi kong sasabak sila sa isang gera!"
"Gera?" inosenteng tanong ni Flare. "Sino naman ang gegerahin nila?"
"Hindi pa ba halata, tayong mga kalahok," tugon ni Aurora. "Mukhang 'yung kalembang kanina ang nagbibigay babala sa mga tigarito ng merong papalapit na delubyo. Sa kaso natin ngayon, isang gera..."
BINABASA MO ANG
Flare Eternia: The Blade of Heaven
FantasyBalik wattpad na ulit! Medyo babaguhin ko ang storyline. Lipat tayo sa 1st person POV. Update update din pag me tym.