1

2.4K 65 2
                                    

Soundtrack for this One Shot:

One Last Time - Ariana Grande

Moments - One Direction

Another World - The Vamps

Strong - One Direction

Almost Is Never Enough - Ariana Grande

Long Way Home - 5 Seconds of Summer

Where Do We Go From Here - The Temper Trap

-------------------------------------------------

"Tara na, tara na! Magsisimula na yung event!" Excited na hila samin ni Mika. Paano, guest si Ely Buendia sa band night event ng university. Univ week kasi.

Hinila ko naman si Bang na hila si Kim at naglakad na kami papunta sa Henry Sy kung saan gaganapin ang event. Nagkalat ang mga booth sa Henry Sy grounds. Punong puno din ng banderitas yung lugar. Andito kami ngayon sa isang maliit na open area sa gita na grounds na katapat ng stage para nga panoorin yung band night.

Ang galing ng student council ng university namin. Ang bibigatin ng inimbitang bands: Silent Sanctuary, Imago, Parokya ni Edgar, Up Dharma Down, Pupil, at iba pa. Nakasanayan na din kasi ito. Tsaka madalas ding sila yung naiimbita.

Napangiti naman ako nang kantahin ng Up Dharma Down yung pinakasikat nilang kanta, Tadhana. Pero bigla din akong napasimangot. Naalala ko nanaman kasi yung mokong. 2 years ago, nang makilala ko siya at nung band night din ng university namin kami naging close. Paano sila Yeye at Jeron push na push saming dalawa. Porket nalamang nacu-cute-an ako sakaniya, pinush na. Pag nacu-cute-an crush agad? Di pwede cute lang talaga siya?

"Nakakainlove talaga mga kanta ng UDD." sabi ni Bang at hinigpitan ang hawak sa kamay ko. Actually konti nalang talaga makaka-move on na ko totally dun sa mokong. Masaya din naman kasi ako kay Bang. Kahit papaano napapasaya niya ko. Atleast siya nandito para sakin, eh yung mokong na yun? Tss. Na Zayn Malik ba ko Dre mga ganun.

Tumango ako in reply kay Bang at nag-smile sakaniya. Bigla naman niya kong niyakap.

"Haynako! Nasan na ba si Kiefer nilalanggam na ko dito." Reklamo ni Mika. Natawa naman kami ni Bang at inakbayan ko siya.

"Ayan na pala si Mela!" Agad kaming napatingin sa tinuro ni Kim, at naglalakad na nga papunta dito si Mela.

Natapos na yung Up Dharma Down at yung next na kakanta ay sina Ely Buendia, ang Pupil. Ang pinakahihintay ni Yeye. Sakto at dumating na din si Kiefer. Ang dami pa daw kasing nagpapicture sakaniya on the way. Iba na talaga. Sabagay minsan lang may mapadpad na Atenista dito. Buti di siya nakuyog. Well, mababait din naman kaming mga Lasalista hihi.

Kumakanta sina Ely Buendia ng panghuli nilang kanta nang may magtext sa phone ko.

"Shi, alis lang ako saglit. Isosoli ko na kasi tong libro ng classmate ko. Nagtext eh aalis na daw kasi siya." Paalam ko kay Bang.

"Samahan na kita?"

"Wag na. Alam kong gusto mo din yang si Ely." Napangiti naman siya sa sinabi ko. Diyan sila nagkakasundo ni Yeye eh, kay Ely. "Ako nalang, babalik ako agad."

Naglakad na ako papunta sa may Amphitheater. Dun daw kasi siya nag-iintay. Pagdating ko dun ay nakita ko siyang kumaway sakin. Lumapit ako at binati siya.

"Alexi thank you talaga ah! Eto na pala yung book mo." Abot ko sakaniya ng libro.

"No worries! Sige Ara, nagmamadali na kasi talaga ako, Thank you! Hang out nalang tayo next time." Sabi ni Alexi at nagmamadali nang umalis. Blockmate ko kasi siya sa isang subject at kinailangan kong manghiram ng libro dahil tinamad akong bumili. Sorry na, sadyang may napag-gastusan lang talaga ako ng pera.

e.g. Concert ng Maroon V

Pabalik na sana ako nang Henry Sy grounds nang may biglang humila sa braso ko.

Lumingon ako at nagulat sa nakita ko.

"U-uy!" Nalang ang nasabi ko.

One Last TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon