2

1.4K 71 8
                                    

Inalis ko yung braso ko sa pagkakahawak niya. Pero hinawakan niya pa rin ulit ako sa kamay at hinila. Tinry kong alisin yung kamay ko kaso ang higpit ng pagkakahawak niya. Para bang ayaw talaga akong pakawalan. Tiningnan niya ko nang direkta sa mga mata ko. Hindi ko alam pero nagpapahila na pala ako sakaniya. The next thing I knew nasa tapat na kami ng kotse niya.

"Ars get in." Utos niya. Nagtaka naman ako bigla.

"Anong get in?" I asked. Bugok ba to? Bigla biglang manghihila tas dadalhin ako sa kotse niya? High ba to ngayon? Aga namang ma-high neto. Mamaya pa ang Happy T. ah?

"Basta, get in." At tinulak niya ko papasok ng kotse niya. Pero yung mahinang tulak lang, baka isipin niyo yung tipong masubsob na ko sa upuan. May bait pa rin naman sa katawan to. Nagulat nalang ako sa pagsara niya ng pinto. Umikot siya sa kabila at sumakay sa driver's seat.

"Hoy Torres, alam mo bang kidnapping 'to?!" Lumapit siya sakin and was about to fasten my seatbelt pero inunahan ko na siya. "Ako na, marunong ako." Mataray kong sabi.

"Hoy, teka! San mo ko dadalhin?!" Bigla akong natauhan.

"Basta."

"Hoy Torres umayos ka! Ano bang trip mo? High ka ba? Ibalik mo na ko--"

"Just this time Ara. One last time. Trust me okay?" Sincere at seryoso niyang sabi looking directly at my eyes. Napalunok ako at tumango. Nakakainis. Effective pa rin pagseseryoso niya sakin.

Tahimik siyang nagddrive habang ako naman ay nawiwindang na dahil baka nag-aalala sina Yeye sakin. Lalo na si Bang. Ano nang sasabihin ko nito? Mga Ilang minuto na rin ang lumipas at nakasandal lang ako sa may binata. Tiningnan ko ang phone ko. 2% nalang. Bakit ba hindi ako nagcharge? Or should I say nakakainis si Kim dahil ginamit yung charger ko kaya hindi ako nakapagcharge! Ugh. Paano na pag nagtext o tumawag sina Yeye sakin...

No. Hindi.

Hay! Naman! Sige na nga.

"Torres, pa-charge ng phone?" Medyo nahihiya kong tanong.

Tinuro niya lang yung cord sa harap, agad ko namang sinasak yung phone ko at nag-thanks sakaniya.

Sumandal ulit ako sa may bintana. Pinikit ko nalang yung mga mata ko. Hindi naman siguro ako ipapahamak nito ni Torres.

Maya-maya'y naramdaman kong papahinto yung kotse. Nakaidlip na pala ako. Hala! baka kung saan na ko napadpad! Tsk. Hindi ko natandaan yung mga dinaanan namin! Umayos ako ng upo at lumingon sakaniya.

"Fix yourself." Utos niya. Ang gulo na pala ng buhok ko. Hehe. Binuksan ko yung compartment sa harap ko at kinuha yung suklay sa loob. Hindi ko alam pero nakasanayan ko na rin siguro. Halos memorize ko na ata tong kotse niya. Pero himala ah, may suklay pa rin dito. Binilsan ko na mag-ayos ng sarili ko dahil medyo nakakahiya naman sakaniya. Medyo lang naman.

"Tara?" Yaya niya matapos ko mag-ayos at lumabas ng kotse.

Kinuha ko yung phone kong nakacharge. 45% na siya. Hala ang tagal ko palang naka-idlip. Tinanggal ko yung seatbelt ko at lumabas nang pagbuksan niya ko ng pinto. Tss. sa Starbucks lang pala ako dadalhin neto. Pero paglingon ko.... nasa NLEX kami?!

"Hoy Torres!" Tawag ko sakaniya. "Kung sa starbucks mo lang din pala ako dadalhin, may starbucks naman sa taft ah?"

Pero hindi ako pinansin nung mokong at dirediretsong pumasok sa Starbucks. Bastos na bata. Wala na kong nagawa kundi sumunod.

Umupo kami sa isang couch at tinanong niya ko kung anong gusto ko. Syempre sabi ko ang gusto ko ay ibalik na niya ko sa taft.

"Ayaw mo ng frappe or anything?" Tanong niya ulit. Ano bang trip nito?

"Ayoko nga." Matigas kong sabi. "Ibalik mo na ko sa taft!"

Tumayo siya at pumunta sa counter para umorder. Bastos talaga. Bumalik siya sa table nang may dalang Dark Mocha Frappe at Honey Glazed Donut. Favorites ko huhu.

"Nananadya ka ba?" Asar kong sabi. Alam niya kasing yan ang lagi kong order sa Starbucks. Sa frappes kasi yan ang favorite ko.

"What? I asked you if you wanted anything? Wala ka namang sinabi."

Inirapan ko siya at nilabas ang phone ko. Nakita kong tumatawag si Kim.

"Hello? Kim?"

"Victonara nasan ka ba?!"

"Ah... eh... Kim..."

"Ano?"

"Kinidnap kasi ako ni Torres." Nakita ko namang natawa yung mokong sa tapat ko, I rolled my eyes at him.

"Ano?!"

"Si Torres, hinila nalang ako bigla kanina. Tapos ewan ko kung saan ako dadalhin nito. Kim tulong... iligtas mo ko..." Madrama kong sabi at narinig ko nanamang tumawa si Torres. Pinandilatan ko naman siya ng mata.

"Bakit ka naman sumama? Gaga ka pala eh."

"Kim... hindi nga ko makatakas." Nagmamakaawa kong sabi. Narinig ko namang parang may kausap si Kim pero hindi ko maintindihan.

"Oo na Yeye!" Narinig kong sigaw niya. Si Mika pala ang kausap. "Hoy Victonara, anong sasabihin ko kay Bang neto? Sorry pero wala na kong laban diyan kay Thomas. Andiyan ka na eh."

"Kim naman ehh... huhuhu... Uhm... sabihin mo na hinila ako ng dati kong kaibigan? Tapos niyaya muna ako kumain sa labas? Tapos hindi ako makatanggi ganun. Hinila na ko ganun. Basta ikaw na bahala ikaw magaling sa ganito eh."

"Hay okay, okay. Itext mo na rin siya okay? Ano oras ka ibabalik niyang si Torres?"

Tumingin ako kay Thomas.

"Anong oras mo ko ibabalik?" Tanong ko.

"After lunch?"

"Kanina pa kaya ang lunch....... Bukas?!"

"Yep."

"Sira ka ba?!"

"Promise Ara. One last time. After this, I'll let you go na."

Bigla namang parang may tumusok sa dibdib ko.

"Huy! Ara!" Tawag ni Kim sakin from the other line.

"A-ay sorry. Ah, eh bukas pa daw ako ibabalik ni Torres eh."

"Ano?! Anong sasabihin ko? Na nagyaya magovernight yang kaibigan mo?" Tanong ni Kim na stressed na stressed na.

"Oo?"

"Hay. Sige, sige. Pasalamat ka mahal kita Victonara."

"Eww Kimy." Sabay tawa naming dalawa. "Thank you!"

Pagkatapos ng paguusap namin ni Kimy, naramdaman ko na yung tiyan kong nagugutom. Huhuhu. Okay, just this once lulunukin ko na ang pride ko.

Tumingin ako kay Thomas nang may paawang mukha.

"Torres..." Tawag ko sakaniya. "Nagugutom ako." Sabi ko, tsaka naman siya tumawa. Nakakainis! Kung hindi lang ako gutom nako!

"Edi bumili ka." Sabi niya after tumawa.

"Grabe! Dinaladala mo ko dito tapos ako lang pala gagastos." Paawa ko pa ring sabi. "Torres..." Paawa kong sabi. "Wala kong dalang pera. Na kila Kim yung pera ko." This time hindi na siya tumawa, thank God.

"Cute mo." Sabay ngiti niya at tumayo papunta sa counter. Wooh! Akalain mong nasurvive ko yun. Bumalik siya dala yung pagkain ko at sabay na naming inubos yung pagkain namin. After nun ay bumalik na kami sa kotse niya. Agad ko namang tinext si Bang at nakakagulat na Okay at Ingat at Behave ang reply niya. Okay ang awkward nung Behave.

"Torres." Tawag ko sakaniya nang magsimula na siyang magdrive. "Saan mo ba talaga ako dadalhin?" I asked.

"Pampanga." He plainly replied.

One Last TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon