Prologo

80 29 33
                                    


Sa bayan ng Vefmori ay may nakatirang isang magandang dalaga na nagngangalang si Haisle Rivera. Siya ay lumaking mabait at matulungin sa kapwa. Siya din ay isang anak mahirap lamang .

Sa kanilang bayan ay usap-usapan na may bampirang gumagala kapag gabi. Kaya pasadong  mga alas sais pa lamang , ang lahat ng mga tao ay nasa loob na ng mga kani-kanilang bahay . Wala ng gumagala sa labas , wala ng nagtatrabaho sa labas sapagkat ang mga ito ay takot sa mga gumagalang bampira .



Isang araw , si Haisle ay nagpaalam sa kanyang ina na siya ay pupunta sa  bayan upang bumili ng kan'yang mga kagamitan para sa kan'yang proyekto sa paaralan .


" Ma, pupunta po ako ngayon sa bayan . Bibili po ako ng mga kagamitan para sa project ko po ."

"Oh sige anak , pero huwag kang magpagabi ng uwi ha ! Kailangang naka-uwi kana dito mga pasado alas kuwatro dahil alam mo na, na delikado dito sa lugar natin dahil may mga bampirang pagala-gala, " mahabang litaniya ng aking ina.

" Oh sige ho inay  ako'y aalis na po, " sabi ko na lamang saka nag- mano bago umalis.


Lumipas ang ilang mga oras at ako'y natapos na sa aking pamamalengke . Ikinarga ko na ang aking mga nabili at sumakay ako ng tricycle papunta sa lugar namin . Mula dito sa palengke patungo sa amin ay lagpas 2 oras ang biyahe . Sira - sira pa naman ang mga kalsada .


Nang makarating na ako sa may waiting shed biglang umulan ng malakas kaya sumilong muna ako doon para hindi mabasa ang aking mga binili. Tiningnan ko ang aking orasan at pasado alas singko na pala ng hapon . Naku , malayo pa naman ang lalakadin ko patungo sa bahay namin . Dadaan pa ako sa isang masukal na kagubatan bago ako makarating sa bahay namin .


Nang huminto na ang ulan , dali -dali akong naglakad pauwi habang karga -karga ko ang aking mga binili.


Nang makarating na ako sa kagubatan ay pasado alas sais na ng gabi at kita ko na sa kalangitan ang isang buwan na parang ngumingiti sa akin  at narinig ko na din ang mga alingawngaw ng lobo at tinig ng mga kuwago .


Habang naglalakad ako sa gitna ng kagubatan ay nakaramdam ako ng kakaiba . Para bang may sumusunod sa aking likuran kaya lumingon ako pero wala naman akong nakita. Dahil sa takot na aking naramdaman ay tumakbo ako kahit maputik ang daanan dahil  ang mga balahibo ko ay bigla ng nagsitayuan .


" Naku , mahal na  Panginoon gabayan niyo po ako sa aking paglalakad ngayon , " taimtim kong dasal habang tumatakbo .


Pagdating ko sa unahan ay nabigla ako sa aking nakita sapagkat ibang daanan na ang aking tinatahak .



  /////////// Prologue Ends  /////////////


🌀Makakuwi kaya si Haisle ng ligtas sa kanilang bahay ?


D𝗼𝗻'𝘁 𝗳𝗼𝗿𝗴𝗲𝘁 𝘁𝗼 𝘃𝗼𝘁𝗲 , 𝗰𝗼𝗺𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗶𝗳 𝘆𝗼𝘂 𝗹𝗶𝗸𝗲 𝘁𝗵𝗶𝘀 𝗰𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿. 𝗔𝗹𝘀𝗼 , 𝗽𝗹𝗲𝗮𝘀𝗲 𝗿𝗲𝗰𝗼𝗺𝗺𝗲𝗻𝗱 𝗶𝘁 𝘁𝗼 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗳𝗿𝗶𝗲𝗻𝗱 . 𝗜𝘁  𝗺𝗲𝗮𝗻𝘀 𝗮 𝗹𝗼𝘁 𝘁𝗼 𝗺𝗲 .𝗚𝗼𝗱 𝗯𝗹𝗲𝘀𝘀.

THE VAMPIRE'S GIRL [ 𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗲𝗱 ✓ ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon