Nang matapos na kaming mag hapunan ay humiga na kami ni nanay . Mas lalo pang sumakit at mas lumala pa ang pagkahilo ko .
Nang mag-alas nuebe na ng gabi ay napansin ko na lumabas si papa ng bahay . Tiningnan ko si mama at itoy tulog na . Dahan -dahan akong bumangon para sundan si papa kahit nahihilo ako at masakit ang ulo ko .
Nang makalabas na ako ng bahay ay dali-dali akong naglalakad papuntang kagubatan . Nang makarating na ako sa masukal na kagubatan ay pansin ko na may sumusunod sa akin kaya binabalewala ko lang ito .
Naglakbay ako papuntang bahay ni Hanz . Plano kung puntahan siya doon at gusto kong ipa-alam sa kanya ang plano ng grupo nila papa. Habang patuloy ako sa paglalakad ay nakarinig ako ng mga kaluskos ng mga dahon at nakaramdam pa din ako ng may sumusunod sa akin kaya napalingon ako. Paglingon ko ay nakita ko si Aling Donya kasama ang kanyang anak na si Rebecca . Lumaki ang aking mata at biglang tumibok ng malakas ang aking puso.
" Anong ginagawa mo dito hija ?" tanong ni Aling Donya.
" Ahm ahm nag-aano po ahm , sinunsundan ko sila papa . Oo tama sinusundan ko sila papa !" nauutal na sabi ko.
" Ikaw po ba ? " tanong ko.
" Ahm kumukuha kami ng mga ligaw na gamot !" sabi ni Aling Donya na may malaking ngiti sa kanyang labi .
" Di ako naniniwala sa iyo Haisle . Baka iba yung pinupuntahan mo dito !" sabi ni Rebecca na may mala- demonyong ngiti.
" Ahm ano kasi... !" nauutal kong sabi pero di iyon natapos sapagkat dumating si Hanz . Gulat na gulat ito sa kaniyang nakita at pati din si Aling Donya at Rebecca. Pansin ko ang galit sa mga mata ni Hanz at a-akmang susugudin niya ito pero bigla namang naglaho sila si Aling Donya at Rebecca. Nabigla ako somehow naguguluhan sa aking nakita at nasaksihan .
" May kapangyarihan palang maglaho si Aling Donya at Rebecca ?" tanong ko sa aking sarili.
Maya-maya bigla ulit nagpakita sila Aling Donya.
" Oh the sweetie boy is here . Ang bampira na matagal ng hinahanap ng mga tao dito !" natatawang sabi ni Aling Donya.
" Ngayong gabi ay di ako makakapayag kapag di mo ako ibalik sa dati ! Papatayin kita, masamang demonyo !" galit na sigaw ni Hanz .
Dahil sa naguguluhan ako ay bigla akong naki-singit sa kanilang usapan .
" Te-teka Hanz , bakit ang laki ng galit mo kay Aling Donya ?" tanong ko ngunit tiningnan lang ako nito ng may pagtataka.
" Siya yung dahilan kung bakit ako nagka-ganito at saka sino ka ba't nandito ka . Bakit kilala mo ako ?" tanong sa akin ni Hanz . Bigla naman akong nanlumo sa aking narinig. Te-teka nagbibiro ba siya ?
" Weh di mo ako kilala ?" pagbibiro kung tanong kahit nasasaktan na ako sa loob.
" Magtatanong ba ako kung kilala kita tskk !"
" Hahahaha patawa ka talaga Sir !" sabi ko habang tumatawa ng peke.
" Anong sir , hoy babae wag ka nga mag-imbento ng mga istorya dahil diyan ako nasisira dahil sa babaing ito !" galit na sabi niya habang itinuro niya si Rebecca.
" Hindi ako nag -imbento sir , totoo tong mga pinagsasabi ko . Girlfriend mo po ako . Sir and Maam pa nga ang endearment natin eh !" naiiyak kung sabi habang tumatawa .
" Di niya ba ako ma-alala ? Di ba niya ako minahal ng totoo ? " tanong sa akong isipan.
"Te-teka , magkakakilala kayo?" nakangiting tanong ni Aling Donya .
BINABASA MO ANG
THE VAMPIRE'S GIRL [ 𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗲𝗱 ✓ ]
WampirySa lugar ng Vefmori ay mahigpit ang pamamalakad . Maraming ipinagbabawal sa lugar na ito lalo na ang pakikipag relasyon sa isang bampira . Ang siyang hindi susunod sa patakaran ay siyang mapaparusahan ng kamatayan. Pero paano nga kung may lalabag. M...