Chapter VII

30 24 9
                                    

Andito ako ngayon sa loob ng aming room . Kasaluluyang nag di-disscuss ang aming teacher sa Social Studies .

" Class dismissed !" isang magandang tining na narinig ko mula kay maam .


"Haayst sa wakas , uwian na !" sabi ko na lamang saka nagmamadaling lumabas sa room .


Pagkadating ko sa may hallway , andami nang estudyante na naghihintay para mabuksan ang gate. Umupo muna ako sa may plant box at nagbasa ng libro .

" Hi Haisle !" bati ng isang poging guy na di ko naman kilala. Pogi din siya katulad kay Hanz pero mas pogi yung baby ko noh tsaka hot pa .


" He-hello !" sabi ko na lamang at saka nagpatuloy sa pagbabasa .


" I'm Zedrieck btw,  " pagpapakilala niya saka nilahad ang kamay sabay upo sa tabi ko . Tiningnan ko muna ang kanyang kamay bago naki-pag shakehands.


"Haisle, " tipid na sagot ko.


" Yah , I know you already. Btw , you look gorgeous today !" sabi nito saka ngumiti na kita ang dimples.


" How did you know me ?" naguguluhan kung tanong.


" I'm your admirer since  college freshman . I saw you in a beauty pageant noong last school festival and I immediately ask your name dun sa kaibigan mo!" ngiti nito.


" ahhh !" sagot ko na lamang with awkward na ngiti.



" Btw, uuwi na ako !" pagpapa-alam ko sa kanya at ngumiti naman siya.


" Bye , keep safe gorgeous, " sabi nito with matching winking eyes .



Pagkadating ko sa bahay ay pasado alas kuwatro na.Nagmamadali akong nagbihis at ginawa ang mga household chores sapagkat pupuntahan ko ngayong gabi ang aking boyfriend.



Nang matapos na ako sa aking mga gawain ay nag facebook muna ako sandali and I saw many messages from my bf.


" Maam , susunduin kita mamaya  at exactly 9 pm  "


" Ingat maam. "

"I love you ."


" Corny talaga nito."


Automatiko akong napangiti dahil sa chat ng bf ko . Naks , ang sweet naman .


Maya-maya biglang pumasok sa kubo si mama kaya dali-dali kung tinakpan ng kumot ang aking mukha baka mapagkamalan pa akong baliw ni mama dahil sa kakangiti.

" Oh anak , anong ginagawa mo riyan ?"tanong ni mama habang papalapit sa akin .


" Ah nagtutupi lang po ako ng kumot ma !" ngiti ko sakanya.

" Anak , nagsaing kana ba ? "


" Yes po ma !"


" Buti naman , para makapag -hapunan tayo ng maaga . Aalis pa naman si papa mo !" sabi ni mama.

" Ano, saan siya pupunta ma?" kinakabahan kung tanong. 


" Naku, sasama siya  sa grupo nila  Martin at Carpio sa pag hu-hunting ng mga bampira !"


Natulala ako sa sinabi ni mama .


" Anak , ikuha mo nga ako ng tubig ," utos ni mama.


" Ah ok po ma !" sabi ko sabay tatayo na sana pero bigla akong sumalagpak sa sahig .


" Anak, anak !" natatarantang sigaw ni mama. Ibinuka ko ang aking mata at biglang umupo.



THE VAMPIRE'S GIRL [ 𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗲𝗱 ✓ ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon