Prologue

52 5 0
                                    


"Hay buhay," huminga nang malalim si Alexis, "So ano magpa-piano lesson ka this year?" Tanong niya.

Napa-angat ako ng tingin sa kanya at tumango. "Oo, yun ang balak ko gawin ngayon. Bakit mo natanong?" Ani ko at napa-ngisi nalang siya sa sinabi ko.

"Kasi palagi ka nalang may inaaral na iba, bakit hindi ka kaya mag-focus ka muna sa acads?" Tanong niya at tipid akong ngaumiti.

Alam ko na kung saan papunta ang usapan namin. Yun din naman ang gusto ko kaso palagi nalang boring ang buhay ko kung wala akong ginagawa na iba. Sa totoo nga minsan naiisip ko kung ako lang ba ang tao na boring na boring sa buhay niya.

Baka nga hindi ko pa natutuklasan ang hobby ko, kaya ako palaging may ginagawa at inaaral na iba ay para na din libangin ang sarili ko.

"Gusto ko bakit masama ba?" Sarkastikong sagot ko, hindi ko din naman masabi sa kanya kasi baka hindi niya ako maintindihan.

At nanlaki ang mata niya sa sinabi,"Sungit mo," aniya.
Hindi ko naman sinasadya na maging masungit, pero palagi niya nalang ako tinanong nang ganun kung bakit ko nga gusto mag aral ng kung ano ano.

"Sorry na," pang hingi ko ng tawad na parang napilitan kung baga. "Wala lang ata ako sa mood ngayon." Sabi ko sabay tingin sa mga mata niya.

At umirap si Alexis at inikot ang mata, Aba siya naman ang nag sungit ngayon. Natawa ako,

"Oh siya sige na!" Sabi niya na animo'y walang nagawa sa desisyon ko. "Bahala ka na buhay mo, Buhay mo naman yan at ikaw rin ang may gusto, support nalang ako sayo." Ani niya.

Ang totoo kaya ako nagpa-piano lesson ay para mahigitan ko si Ate Cassandre, Hindi lang dahil bored ako. Siya kasi ang role model ko. hindi lang siya basta talented matalino rin siya at may itsura, sabi sakin ng mga tao sa bahay siya daw ang mag-mamana ng kompanya namin. Kaya mas lalo akong nainspire.

Ayos lang naman sakin yun hindi ko lang alam kay kuya, siya kasi yun panganay at obvious na magmamana ng kompanya pero, Dahil na din sa mga naririnig niya masyado niyang ino-over work ang sarili, dahilan upang mahimatay siya sa meeting nila noon.

Ayaw nila Grandma kay ate dahil masyado daw siya pasikat at bida-bida para sa kanila. Kaya nakuha ni kuya ang pabor nila grandma at grandpa.

At dahil ako ang ikatlo at hindi ang bunso, hindi ko na kailangan problemahin pa yan, dahil secure na ang future ko at secure na rin ang career ko.

Palaging may ayaw sakin sa school dahil pa-rich kid daw ako, bakit kasalanan ko ba? Hindi naman eh. Tsaka pag-hihirap ng grandma at grandpa ko na maitayo ang kompanya namin, sila ang nagpakahirap doon na pinoprotektahan lang ng mga magulang ko ngayon.

At syempre hindi ko rin maiwasan ang lalaki nalumalapit sakin, lalo na nang nalaman nila kung kaninong anak ako. Hindi na nila ako nilubayan mga mukhang pera naman.

"So kelan ang start ng piano lesson mo?" Biglang tanong ni Alexis habang ginagalaw ang straw sa milkshake niya.

Napa-isip ako, Hindi ko pa naman din nasabi kila mama ang tungkol dun."Hmm, This next month? Hindi ko pa nadidiscuss kina papa eh, Palagi silang busy." Honest na sagot ko.

"Tch,Hindi mo pa-pala nasasabi eh akala ko naman nasabi mo na." Aniya. "Anong oras ka nga pala uuwi?" Tanong niya ulit.

Napatingin ako sa relo ko at napaisip. Uwi na kaya ako? Kaso may gusto pa kong bilhin sa mall, Sa online shopping ko nalang kaya bilhin yun kaso baka magka-pimples ang mukha ko at baka peke ang mabili ko mahirap na.

At sa tingin ko hindi nagtitinda ng ***** Cosmetic ang Mall na to, Bulok. Yun pa naman yun number one cosmetic products na ginagamit ko sa mukha ko.

"Ah hindi ko pa alam, may bibilhin pa kasi ako i mean may titignan lang kung meron sila ng hinahanap ko." naka-ngiting ani ko.

Polaroid Where stories live. Discover now