Chapter 2

16 4 0
                                    


"Hi Charlotte, I'm your piano instructor my name is Betty. and you can call me Instructor Betty or auntie ikaw ang bahala." pag papakilala ng piano instructor ko.

Napatingin ako sa kanya mula ulo hanggang paa, mukhang naman siyang maayos na tao since si mama ang nag hire s a kanya matuturuan niya ako ng maayos. 
Napa ngiti ako at nag lahad ng kamay sa kanya,"Nice to meet you Instructor Betty, I'm your student Charlotte." Pagpapakilala ko at nginitian niya ako pabalik bago siya huminga ng malalim.

"Yes I know, pinangalan ka ba sa royal family?" Tanong niya at napakunot ako ng noo.

Its my first time hearing that kind of question. Napahawak ako sa dulo ng buhok ko feeling a little bit of shyness.

"Hindi ko po alam actually,  Sinunod po ako kay Kuya, Charles and Charlotte po puro po kami c." Sagot ko. at ngumiti ng tipid sa kanya.

"Ah i see, ilang taon ka na iha?" aniya.

"16 years old po." Sagot ko naikinagulat niya ng mga mata niya.

"Ay! May anak rin ako, magkasing-edad kayo," ngumiti siya saakin at tumitig sa mata ko."Mamaya papakilala kita." natutuwang tugon niya. " Pupunta siya dito para kunin ang susi ng bahay namin." I see may anak pala siya kaya naman ganun ang ngiti niya habang sinasabi iyon saakin.

"Okay po, punta na po tayo sa music room." Ani ko at tumango lang si instructor Betty at sinundan ako papunta sa music room.

Habang naglalakad hindi niya mapigilan na tumingin sa paligid ang laki kasi ng bahay namin.

"Ang laki ng bahay niyo parang mansion pero modern." Naka-tingala niya bati.

Ngumiti ako ng tipid at tumango.

"Ah Opo, dati po hindi siya modern pinarenovate lang po nila papa para mag-mukhang modern." Sagot ko at binuksan ang pinto sa music room.

"Kaya pala,Start tayo sa basic okay?" At nag-start na nga ang piano lesson ko.

New page to write my journey.

Every Friday to Sunday ang piano lesson ko kaya hindi masyadong hassle sakin yun dahil weekend naman at wala rin naman pasok. 4 hours ang class ko kaya marami pa kong extra time pag-natapos yun, at mukhang maeenjoy ko ito.

Nasa kalagitnaan na kami ng tumigil ako.

"Okay, Wow fast learner ka pala miss Charlotte." Pag-puri niya sakin.

Na sinuklian ko naman ng ngiti.

"Mukha nga po." Sagot ko.

Nangingig na ang mga daliri ko at wala pang 3 hours ang class ko nasa 2 hours na kame, and the worst scenario na pumasok sa isipan ko ay masugatan ang mga daliri ko, pero okay lang yun dahil makikita ko effort ko.

"Okay tuloy tayo." Habang tinutuloy niya may bumukas ng pinto nakinatigil namin.

Napaharap kami sa kanya, lalaki. Matangkad kasing tangkad ng kuya ko at maputi parang may lahing foreigner, at yung mga mata ay nakakatunaw na animo'y titigil ang ikot ng mundo habang tinititigan mo ang mga ito.

"Ma yun susi?" Ani ng lalaki na pumunta sa pwesto namin.

Napaatras ako bahagya dahil bigla siyang nag lakad patungo saamin ni Instructor Betty.

"Nasa bag ko saglit kukunin ko," At umalis si Instructor Betty para kunin ang bag niya.

Naiwan kami dito sa harapan ng piano, ilan segundo ay pinutol niya ang katahimikan saamin dalawa.

"Masakit?" Biglang tanong niya.

Napangat ako ng tingin sa kanya at umiwas sa mga mata niya.

"Ah medyo," Nahihiyang sagot ko, na dali dali kong tinanggal ang mga daliri ko sa piano para na din hindi ako mailang sa kanya.

Polaroid Where stories live. Discover now