Chapter 3

20 3 0
                                    


"Where's instructor Betty?" I asked Ian.

Bigla niyang kasing binuksan yun pinto sa music room, at nagtataka na rin ako kung bakit wala parin yung teacher ko sa piano. Mga ilang minuto na din ako naghihintay sa kanya.

"Ano, si mama wala ba siya dito?" Nagtatakang tanong niya at halata na pinagpapawisan siya sa noo.

"Wala and I was waiting for he-" he cut me off, nagmamadali siyang umalis ng music room habang nagsasalita ako.

I was stunned to speak. Hindi ko rin naman inaasahan na ganun nalang ang gawin niya sakin, Whatever.

2 hours nang late ang piano instructor ko. Dapat may early notice siya kung hindi siya makaka-attend. Ang hirap mag-antay mag-isa.

Tsaka ano ba yun problema ni Ian,? bigla bigla nalang susulpot at aalis nakakagulat daig niya pa ghoster.

Anong oras na at wala parin si instructor Betty pati si Ian hindi na bumalik. tinignan ko ang oras sa phone ko.  4pm na pala means hindi talaga umattend ng class namin si instructor Betty, buti nalang at napaka-patience kong tao at nag-hintay ako sa music room for her. 

At dahil absent siya sa class namin, pumunta nalang ako sa kwarto ko, para mag-laro ng free fire.

Tinali ko yun buhok na pony-tail at humiga sa kama ko. Hay ang sarap humiga. Hastag stress reliever, pero bakit nga ba absent si instructor Betty?

Binuksan ko yun contacts ko sa phone at hinanap ang pangalan ni Instructor Betty, clinick ko yun at nag-type ako.

'Instructor Betty, why are you absent po today?

-Charlotte

Medyo conyo pero pwede na.

I sent that text message and wait for the reply, Kaso imbis na reply ang natanggap ko kundi tawag. Kaya i-answer ko kaagad ang tawag ni instructor Betty para malaman kung bakit siya absent.

"Hello?" I said in a soft voice,

"Oh? Si Charlotte ba to?" nabigla ako imbis na si instructor Betty si Ian ang sumagot.

"Ian?" I curiously asked making sure na siya nga yon kausap ko.

"Oo si Ian to, sorry kung absent si mama sa lesson niyo ngayon araw. Lasing kase si mama eh," Hindi ko mawari kung naiirita ba siya or ganun lang talaga siya mag salita. "Kakasundo ko lang sa kanya sa kaibigan niya nung nakita ko yun text mo, tinatamad din ako mag-type kaya tinawagan nalang kita. Ako nalang ang magso-sorry kay mama, sorry Charlotte." He said sincerely.

Napatigil ako na-touch naman ako dun. Pero hindi naman big deal sakin yun eh, it's okay mabait naman ako.

"Ayos Lang, hindi naman big deal sakin, pwede mo bang sabihin to sa kanya pag-okay na siya?" Tanong ko.

"Sige ano yun?" Aniya sa kabilang linya.

"Please po Instructor Betty it's okay po kung absent ka sa mga classes natin, just inform me pag-aabsent ka para hindi ako nag-wawait sa inyo sa music room and I understand what happened po. Yun lang pwede mo bang sabihin?" Tanong ko.

"Oo, sasabihin ko sige na bye." Pagka-baba niya nang tawag, napatitig ako sa cell phone ko.

Bakit ganun ang  boses niya? May isa lang akong alam, Hinahangaan ko ang boses niya.

"Penny for your thoughts." Bigla akong napabalik sa reyalidad ng tawagin ako ni Kuya.

"Kuya," Ani ko at tinignan ko yun suot niya, naka-suit siya at mukhang may lakad.

Napa angat siya ng tingen. 

"Sadly, may lakad tayo ngayon. Kaya mag-ayos ka na aalis tayo ng 6pm at dun narin tayo mag-ldinner." Sabi niya at tumango nalang ako at pinanood siyang umalis.

Kaya binuksan ko ang closet ko at kinuha ang dress ko. White dress kinuha ko para magandang tignan. Kinuha ko rin ang high heels ko sa shoe rack.

At nag-simula na ko mag-ayos, inuna ko muna suotin ang damit ko bago mag-makeup.

Light makeup lang ang ginawa ko para babagay sa suot ko. Pagkatapos kumuha ako ng earrings at bracelet, Hindi ako nagsusuot ng necklace dahil ayaw ko, nasasakal kase ako.

Bago ako lumabas ng kwarto kinuha ko muna yun purse ko at nilagay ko ang wallet at phone ko pati na earphones para hindi ako ma-bored.

***

"This way sir," Ani ng waiter na dinala kami sa reservation table namin.

Akala ko naman party talaga kundi simple dinner lang pala, wala rin naman akong nakikitang tao, hay sayang ang outfit ko.

"Let's wait for someone." Sabi ni kuya at umupo na rin ako sa upuan katabi si Ate Cassandre.

Sino yun hinintay namin? Artista ba yan?

Naka-ngiting ang itsura ni papa habang naka-tingin sa view ng table namin. Nasa mataas kaming floor at maganda ang view na nakuha ni Kuya. kita mo ang mga building, perfect for romantic date itong place na to. 

Si Mama naman ay seryoso ang itsure  na nakakatakot. Si ate busy may ka-chat siya sa cell phone at hindi ako pinapansin, kaya naman napa-halumbaba nalang ako sa dining table, Kahit na bawal.

"Charlotte yun kamay mo." Seryosong bati ni mama sa kamay ko. 

Kaya naman tinanggal ko ang pag-kahalumbaba ko sa mesa.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating narin ang bisita na hinihintay namin.

Nung  pumasok siya napansin ko kaagad ang kutis niya tisay. At may itsura siya, pero naka tingin lang siya pababa mukhang nahihiya saamin.

"Ah, everyone si Lizzie girlfriend ko." Sabi ni kuya at napatigil ako.

Were in shock.

Pati si ate na umiinom ng tubig ay nabulunan si mama naman ay napatitig lang kay ate Lizzie mula ulo hanggang paa, si papa naman ay napatawa akala niya siguro eh nag-bibiro si kuya.

"Wow." napalakpak si papa.

"Welcome po." sabi ko to ease her nervousness. 

"Ah thank you." Nahihiyang sabi niya at napangiti ako. 

"Akala ko hindi ka na tatanda wow!" Napatawa si ate.

"Tsk, Tumigil ka nga single." Pang-asar pabalik ni kuya.

"Sit down iha." Ani naman ni mama.

At umupo si ate Lizzie sa upuan katabi ni kuya.

"Sa tingin mo magugustuhan nila ako?" Bulong ni ate Lizzie kay kuya pero narinig ko.

"Of course napaka ganda mo kaya!" Bulong pabalik ni kuya kay ate Lizzie kaya naman napangiti lang ako.

"Pakilala mo siya Charles." Seryosong sabi ni mama.

"Si Lizzie po ma, pa. Girlfriend ko po siya at dinadala niya po yun anak ko!" Natutuwang sabi ni Kuya na mas kinagulat ni mama.

"Hindi bat masyadong maaga pa ang bumuo ng pamilya?" Tanong naman ni papa.

"Pa, nasa 26 na ko at nasa isip ko narin ang magkaroon ng pamiya. At ready narin ako mag-settle kay Lizzie." Ani ni Kuya at hinawakan ang Kamay ni ate Lizzie.

At natapos ang gabi na yun na masaya, na may halong supresa magiging tita na ko! At excited na rin ako sa anak ni Kuya at sa kasal nila, walang biro! Napakasaya.

----TO BE CONTINUED.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 02, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Polaroid Where stories live. Discover now