Prologue

23 6 0
                                    

Prologue


Naranasan mo na bang maiwan sa hinding inaasahang oras, panahon at sa hinding inaasahang tao? Kahit anong dasal mo, kahit anong pagmamakaawa mo, iiwan ka pa rin nila. Iiwan ka nilang luhaan, iiwan ka nilang wasak.


Pero ano nga ang magagawa natin? Hindi natin kontrolado ang lahat ng bagay. Pero sabi nga nila, when you lose someones, you will also gain someone.


Katulad ko. Akala ko mag-isa nalang ako sa buhay, simula nung iniwan na nila ako ni mama at papa. I lose them both. And it's enough reason to blame myself to the rest of my life. Ang sakit na dinala ko noon, dala dala ko pa rin hanggang ngayon. Ang mga salita nila noon, ay habang buhay na tatak sa aking isipan.


"Bakit ka pa ba nabuhay?!" galit na galit na sigaw ni lola sa akin. Napayuko kaagad ako at sinubukang protektahan ang sarili.


She was hitting me aggressively. Palo don, palo dito, palo kahit saan. Kung tutuusin, palagi akong umuuwing may pasa kapag iniiwan ako dito ni papa sa bahay nila lola dahil sa trabaho niya. Hindi naman ako pwede dalhin ni papa sa coffee shop niya baka daw mawala pa ako, napakalikot ko pa naman.


Nagsimula nang tumulo ang aking luha nang naramdaman ko ang sakit sa braso dahil sa pagkirot ni lola sa akin. Hindi pa din siya tapos kakasermon sa akin at pagpalo. She was fuming mad, because I accidentally break the picture of my mother..her daughter.


Hindi ko pa kasi nakikita ang mama ko sa personal dahil namatay siya nung ako ay isinilang. My mom was weak during labor. Kaya galit na galit siya sa akin dahil sa akin ang kaniyang nag-iisang babaeng anak ay namatay dahil sakin. I was holding her picture with a sad smile in my face. She's so pretty. My mom is so pretty. May pagkasingkit ang kanyang mata, at malaking ngiti ang kanyang ipinakita. Her skin is white at halatang makinis. She looks even prettier with her bangs and untied hair. She's smiling genuinely in the picture, and she looks so young knowing that picture of hers were around her 20s.


Kaso nagulat ako at aksidente kong nabitawan at nabasag ang picture nang sumigaw si lola at nadagdagan pa nang nakita niyang nabasag ko ang picture ni mama.


"Isa kang pabigat sa anak ko! Dahil sayo, namatay ang anak ko!" she keep shouting kahit may mga katulong na ang pumipigil sa kanya. Lumakas ang aking pag-iyak nang walang awa niya akong sinampal.


Lahat ng tao sa bahay ay natahimik at nakaramdam na ng takot. Halos lahat sila ay hindi na makagalaw sa kinatayuan.


"T-tama na p-po.." mahina kong sabi at tuluyan nang napaupo sa sahig nang siya ay napagod nang manakit sa akin. I could taste blood on the side of my lips and the pain that she caused to me physically..and emotionally.


How could she slap a four year old kid? How could she hurt her own granddaughter? Bata lang naman ako na gustong makita ang kaniyang ina. Hindi ba pwede yon?


Hindi nagtagal narinig ko ang mga hikbi ni lola na napaupo sa couch. She keeps murmuring, 'kasalanan mo lahat to', at mga masasakit pang salita na ayaw kong marinig. Kahit paulit-ulit man niya akong saktan, lola ko pa rin siya. Mama siya ng mama ko. At naiintindihan ko ang naramdaman niya sa pagkawala ng kaniyang anak...dahil sakin.

Warmth of your EmbraceWhere stories live. Discover now