Chapter 3
Friends
"Wala pa ba si Mama, Genny?" tanong ko sa kapatid ko na nakaupo sa may lamesa habang nag-aaral.
Kakauwi ko lang galing sa trabaho. Antok at pagod ang aking naramdaman at wala na akong ganang kumain, gusto ko nalang matulog dahil maaga pa ako bukas.
Lumingon siya sa akin at umiling. "Wala pa Ate," sabi niya.
"Si Maggy?"
"Sabi niya kanina malelate daw siya nang uwi dahil may project pa daw silang gagawin." Sagot ulit niya at tumango ako.
"Kumain ka na ba?" tanong ko ulit habang kumukuha ng tubig sa maliit naming ref.
Ilang segundo siyang hindi nakasagot kaya lumingon ako sa gawi niya. Natulala siya sa kaniyang libro at parang nagdadalawang isip mag salita. "Genny?" tawag ko sakanya at agad naman siyang natauhan.
"H-hindi pa po...nagugutom na nga ako eh, kaso wala akong makitang pagkain sa ref..." sabi niya na nakayuko.
Binuksan ko ang ref at tinignan kung wala na ba talagang pagkain dahil hindi ko napansin kanina nung kumuha ako ng tubig. Pagbukas ko pa lang ng aming ref, wala kahit isang pagkain ang nakalagay o kahit man lang isang biscuit. Puro malalaking plastic bottle ng mga softdrinks na ang laman ay tubig lang ang meron sa loob ng ref.
Pumikit ako at bumuntong hininga. Nakalimutan kong mag grocery kahapon, dahil sa sobrang busy ko sa coffee shop, ni hindi ko man lang naalala na wala na palang baon ang mga kapatid ko.
"Bibili muna ako ng ulam sa labas, hintayin mo ako dito." Sabi ko sa kaniya at kinuha ang wallet sa bag bago lumabas ng bahay para bumili ng ulam namin ngayong gabi.
Nangangalay na ang aking buong katawan, walang tigil akong humihikab habang naglalakad sa tahimik na daan. Humangin pa ng malakas kaya yinakap ko ang sarili sabay tingin sa itaas na puno ng kumikinang na mga bituin.
Huminto muna ako saglit at itinaas ko ang aking kamay tila inaabot ang langit. I pretended that I can touch the sky, which I can't. Alam ko sa oras na ito, niyakap na ako ni Papa ng sobrang higpit. Dahil alam niya na sobrang pagod ko na, nahihirapan at nalilito. Pero lagi niya naman pinaparamdam sa akin na kahit iniwan na nila ako ni Mama, nandito pa rin si Mama Tina, Maggy at Genny. Na hindi ako mag-isa, na nandiyan pa rin siya sa tabi ko kahit hindi ko na sila kasama.
I smiled bitterly. The world is so cruel yet it happens for a reason. But..for what reason?
Ah, yes.
Because we will never learn if the world is so kind, in order for us to learn, we must experience the harsh reality. That life was never easy, every silent battles was never easy, calling someone for help was never easy also. Yung lunod na lunod ka na ngunit hindi mo maibigkas ang salitang 'tulong', dahil natatakot ka kung anong sasabihin ng iba. Palagi ka nalang takot. Palagi nalang akong natatakot.
"Guide me always Papa at Mama..alam kong nandiyan lang kayo binabantayan ako, sana maging okay ang lahat kahit alam ko namang okay lang talaga kami dito, pero sobrang bigat ng aking pakiramdam ni hindi ko alam kung anong dahilan." Bulong ko sa sarili at lumakas na naman ang ihip ng hangin.
It feels like I was embraced by them to give me comfort, and assuring me that everything will be fine.
Bumalik na ako sa paglalakad hanggang sa makarating na ako sa karinderya ni Aling Gina.
"Oh, Samera! Nagabihan ka ata ngayon?" bati niya sa akin at palihim naman akong ngumiwi nang bigkasin niya ang aking pangalan.
"Ma! Samira kasi yon, I hindi E." suway naman ng kaniyang anak na babae na si Iya, na ang tawag niya din ay Eya at kaedad niya lang din si Genny. Napailing nalang ako at pumili nalang ng ulam na nasa harapan ko.
YOU ARE READING
Warmth of your Embrace
RomanceAre you capable of being left alone? When unexpected people left you, how do you handle the pain...alone? Are you capable of being alone? Samira Larroco, grew up independently and always see the beauty in every situation she encounter. Has a tough a...