Chapter 4

11 2 0
                                    

Chapter 4

Past


I was very curious why my mom said that earlier, but then I remembered, why would I care? Ano naman pakealam ko kung pamilyar ni Mama ang sasakyan na 'yon? Hindi naman sa wala akong pakealam kay mama, but wala akong pakealam sa magkakapatid na 'yon.

Their out of my league. I'm also out of their league. I'm so below to them. Baka nga pag-aari nila ang buong mundo habang ako ay isang maliit na coffee shop lang pag-aari ko. They should be least of my concerns now.

Tahimik lang kaming kumakain ng hapunan lalo na pansin ko sa dalawa na sobrang matamlay nila. Napagod siguro sa school, kaya siguro walang ganang kumain. Even, Genny na sobrang daldal kapag nasa hapag, sobrang tahimik ngayon.

Isa sa nagustuhan ko kay Genny, she's vocal to everything. She won't hesitate to share to us what's happening to her life and events, unlike Maggy, napakatahimik at strict. Kaya lagi ko siyang kinakamusta dahil hindi niya sasabihin kapag hindi mo uunahan, mabuti naman at parang hindi siya napipilitan.

"Ako na diyan, Maggy. Magpahinga na kayo sa itaas." Sabi ko kay Maggy na akmang magliligpit nang pinagkainan.

"Okay lang, Ate. Alam 'kong pagod ka sa trabaho-"

"Alam ko ding pagod ka sa eskwelahan. Sige na, maaga pa kayo bukas." Nginitian ko siya at bumaling kay Genny na nakaupo sa may hagdanan at nakatulala. "Genny, magpahinga na kayo, ako nalang tutulong kay, Mama."

"Okay po. Good night, Ate Sam."

Nang umakyat na ang dalawa, nagsimula na akong magligpit sa pinagkainan namin. Nasa loob pa ng banyo si Mama, kaya hindi ko na sinayang ang oras, nagsimula na din akong maghugas sa mga pinggan.

Natapos na din akong maghugas nang lumabas na si Mama sa banyo.

"Sana nagpahinga ka nalang Sam!" sabi niya.

"Okay lang, Ma. Para naman makapagpahinga na kayo."

"Ikaw din!"

"Edi walang huhugas sa mga pinagkainan natin?" biro ko, agad niya naman kinurot ang aking pisngi.

Sabi nga, hindi na magbibiro.

Akala ko aakyat na kami sa itaas ngunit pumunta siya sa sala at nagsimulang magtupi ng mga bagong nilabhang damit!

"Ma, gabi na! Bukas nalang yan!"

"Walang tao dito bukas Samira, lahat tayo ay may trabaho. Sa madaling salita, bukas ng gabi pa rin 'to matutupi! Eh, pwede namang ngayon?"

Tinignan ko ang oras, at nakitang malapit na mag-alas nuebe. Maaga pa kami lahat bukas. Ayaw ko naman iwan si Mama dito, dapat trabaho ko yan kasi.

I sighed.

Lumapit ako kay mama at tinulungan siyang magtupi ng mga damit namin. Narinig ko pa siyang umangal ngunit hindi ako nagpatinag.

Wala pang sampung minuto, natapos na din namin magtupi ng damit. Mabuti naman at 'yon nalang ang natirang trabaho namin dito sa bahay at pwede na din kaming magpahinga ni Mama.

Habang paakyat kami, hindi ko talaga mapigilan ang sarili magtanong tungkol sa sinabi niya kanina.

"Ma..."

Lumingon siya sa akin. "Hmm? Bakit?"

Hindi naman siguro siya magdududa 'no? At bakit naman siya magdududa Sam?!

"Tungkol sa sinabi mo kanina, bakit nasabi mong pamilyar ang sasakyan na...nakita mo kanina?"

Lumunok ako nang nagtagal ang kaniyang titig sa akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 03, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Warmth of your EmbraceWhere stories live. Discover now