Star's pov
"Kuya, paabot nga Ng tungkod ko!" Utos ko Kay kuya. Alam Kong nahihirapan na s'ya pero Todo alalay parin s'ya.
Kumakapa ako Kung saan n'ya inabot, nakapa ko Naman Kaya kinuha ko sa kanya.
"Aalis muna ako, star. Punta ako sa extra work ko" paalam n'ya sa'kin.
"Kuya, ingat ka! Ako na Ang bahala sa tatlo" ngiting sambit ko. Alam ko namang nakangiti sa'kin si kuya. Kaya sisilayan kodin s'ya Ng matamis ko na ngiti.
"Ikaw din! Be careful, okay?" Sabi n'ya, tumango Lang ako, Hindi ko Alam Kung nasaan s'ya. Narinig ko nalang Ang yabag Ng paa, papalabas.
Nasa labas Ang mga kapatid ko, naglalaro.
Kinuha ko nalang sa lagayan ko Ang Gitara ko, buhay ko na 'to.
Masarap kumanta lalo't na 'to Lang Ang tanging nagagawa ko.
Nangapa-ngapa ako dahil Hindi ko Makita Ang buksanan. Nang Makita Kona ay ibinaba ko 'to at kinuha Ang gitara.
May kalumaan Na din pero okay lang... Bigay Naman 'to Ni papa.
Naka kamiss din pala.
Nag sinimulan ko nang mag string.
"Nung ako'y Bata pa... Nang iwan ako Ng aking ama" simula ko, Alam Kong naririnig ako sa labas dahil maliit Lang Ang bahay namin."patay lumuluha na... Di Kaya Ni---" Hindi Kona natapos Ang pag kanta dahil naka rinig ako Ng yabag Ng mga paa, baka mga kapatid Kona.
"Ate... Wala talagang katulad Ang boses mo!" Si Wayne.
"Salamat" hingi ko Ng thank you. Alam Kong naka ngiti sila ngayun.
"Ate, gutom ako" Ang bunso ko namang kapatid.
"Upo ka sa tabi Ni ate" sambit mo at tinapik Ang kabilang side ko. Naramdaman ko s'yang umupo, Kaya kinapa ko Ang ulo n'ya, nang mahanap ko ay ginulo gulo ko. Ito Ang favorite Kong gawin sa kanila." Gusto n'yo bang kumain?" Masayang sambit ko.
"Opo ate!" Sabay nilang sambit na tatlo.
Lagi naming ginagawa na pumunta sa palengke at kumanta, kahit konti Lang Ang kinikita namin, halos kilala nanga kami Ng mga nag-titinda do'n dahil sa mga makukulit Kong kapatid."kakanta ulet Tayo hu?" Sambit ko Hindi ko nakikita Ang expression Ng mga mukha nila. Alam Kong napapagod din sila. Sunday ngayun Kaya walang pasok. Ngayun Lang sila nakaka-pag saya. Kapag lunes hanggang biyernes ay Hindi ko sila pinapayagan na maglaro at sumama sa'kin dahil gusto Kong unahin muna nila Ang pag-aaral.
"Mag ayos muna kayo, pawis na kayo oh." Kinapa ko Ang likod Ng bunso Kong kapatid. Basang basa.
Kahit Hindi ako nakaka Kita ay Alam Kona Ang bawat sulok Ng aming munting bahay.
Nang maka-ayos na sila ay pina-lock ko Ang bahay, baka may magnakaw.
Hawak ako Ng dalawa Kong kapatid at Ang bunso ay hawak ni Wayne, ako Lang nag iisang babae sa kanila. Ang swerte ko dahil meron akong apat na prinsipe. Oo naniniwala parin ako do'n, ako Naman Ang prinsesa nila, natatawa nalang ako sa sarili ko dahil sa mga iniisip ko.
"Ate, malapit na po Tayo sa pwesto" mahinang sambit Ng pangalawa Kong kapatid. Naririnig Kona Ang ingay Ng mga Tao, Hindi ko Alam Kung nasaang Banda kami dito sa palengke.
YOU ARE READING
You Gave me A reason (On-going)
Roman pour AdolescentsStar is one of kind may tatanggap pa Kaya sa kanya? dahil Isa na s'yang bulag? Ang pag-mamahal Hindi Naman nakabase sa panlabas... dahil nasa loob talaga. Kung may tatanggap daw sa kanya, edi salamat Jonathan is a rich man but his life is not that...