POV mo parin
Mabilis ko namang nahanap ang resume ko. Medyo nag usot nga lang kaya inayos ko muna. Tatayona sana ako para makalabas na ng building nang may nakita akong isang pares ng leather na sapatos na mukhang mamahalin sa harap ko. 'Pag tingala ko, nakita ko si Mr. Sandro Marcos. "Mag-uumpisa kana ngayon," sabi niya. Mabilis akong tumayo sa sinabi niya. "Po?" gulat na gulat kong tanong. "Sabi niyo kanina, hindi ako tanggap. Ngayon taggap na ako? Totoo po ba 'to?" Tinaasan niya ako ng kilay "Ayaw mo?"
"Gusto po!" mabilis kongsagot, pero biglaan akong natigilan. "Pero pwede pong bukas nalang po ako mag umpisa?" Mukhang babawiin niya ang pagkatanggap niya sa'kin kaya mabilis kong dinagdag, "Kailangan ko po kasing maghanap ng matutuluyan."
"You can stay here in the office. Kailangan namin ng taga-bantay dito bukod sa mga guard," malamig niyang sinabi bago kinuha at pinirmahan ang isang papel galing sa isang babae. Ngumiwi ako sa lahat ng sinabi niya. "For free?" tanong ko nang napagtantong 'yon pala ang sagot sa mga problema ko.
"Not for free. Serbisyo mo ang kailangan ko kaya kita pinapasilong sa building na'to. I want my office to be clean at all times." Tinalikuran niya na ako at umalis.
Agad naman ako sinalubong ng isang babaeng nagpakilala bilang Mrs. Joy. Halika na. Ipapakita ko sa'yo ang headquarters ng maintenance," sabi niya sa'kin. Gumaan ang pakiramdam ko. Sa wakas, may trabaho na ako at may matutuluyan pa.
Nasa 15th floor ang headquarters ng maintenance, at do'n ako matutulog. "Inutusan ka ni Mr. Sandro Marcos na sa opisina niya magbantay, di'ba?" tanong ni Mrs. Joy, tumango ako.
"Nasa 40th floor yon, walang mga guards do'n si Mr. Sandro Marcos ang pinakahuling umalis ng building mga alas diyes 'yon. Siguro maaari ka ng umakyat nang mga 10:30 PM para maglinis," paliwanay niya.
Sumakay kami ng elavator. Pagdating sa 40th floor ay pinakita ni Mrs. Joy sa'kin ang opisina ni Mr. Sandro Marcos! Malawak yon at salamin lang ang dingding! kitang kita ko ang paglubog ng araw mula do'n.
Matapos niyang ituro sa'kin ang mga kailangan linisin sa opisina ni Mr. Sandro Marcos, hinatid niya na ako pabalik ng 15th floor. Gabi na at nakauwi na ang lahat ng tao ng maintenance department kaya naman humiga na ako sa sofa para magpahinga.
To be continued...
comment kasi kayo ng next HAHAHA.
YOU ARE READING
Every Beast Needs A Beauty (sandromarcosff)
De TodoAko si SUNSHINE ARAGON, pinalayas ako sa bahay ng aking auntie at g kanyang anak nang mamatay ang mama. Buong buhay ko, pro hirap atpasakit lang ang naranasan ko. Wala akong natapos sa pagaaral. Wala rin akong experince sa trabaho, mahirap maghana...