Back Seat

30 12 2
                                    

Isinulat ni: senyora_athena

“Mom, where’s kuya? Akala ko ba kasama siya.” tanong ng anak ko habang nasa kotse kami.

“Kuya? Sinong Kuya? Eh ikaw lang naman ang baby ko.” Nilingon ko siya at nakitang hawak niya ang teddy bear na niregalo ko sa kaniya noong nakaraang buwan.

“I’m talking about Kuya James.”

Bigla kong nahinto ang sasakyan nang banggitin ng ten years old kong anak ang pangalang James.

“James? Pa’no mo nakilala si James?”

“He’s with me since day one, he’s my best friend, Mom.”

“Grace, matagal ng patay ang Kuya mo,” paalala ko sa anak ko.

“No, Kuya James is with us. He’s in the back seat staring at you. Kakapasok niya lang no’ng hininto mo ang car.”

Unwritten TalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon