Untold

23 10 2
                                    

Isinulat ni: senyora_athena

“Good morning.”

Agad napatingin si Lea sa batang nasa harapan ng desk niya at nakangiti. Nakasuot ito ng puti at naglapag ng maliit na card sa mesa niya.

“The Untold Story of Carina, please.”

Tumango siya at tumayo na rin upang kunin sa bookshelf ang gusto nitong basahin. Sa loob ng ilang buwan na nagtrabaho siya rito ay ang batang ito pa lang ang naging dahilan kung bakit siya makapapasok ngayon sa horror section ng library nila.

Ibang taste pala ang gusto eh, bulong niya sa sarili.

Nang makapasok na siya sa kuwarto na naglalaman ng mga horror books ay agad niyang kinuha ang libro na hinihingi ng bata.

Halos dugo lamang ang nakita niya sa pabalat. Ni wala ngang mukha ng main character maliban lang doon sa kulay itim na title ng book.

“Bakit ito ang gusto niyang basahin? Marami namang fantasy na libro dito eh.” Umiling na lang siya at pumihit paharap sa pinto pero agad siyang natigilan.

“Kanina ka pa ba riyan?” tanong niya sa bata.

“Kuwento ko po iyan kaya gusto kong basahin kung anong kasinungalingan ang ginawa nilang dahilan sa aking kamatayan.”

Unwritten TalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon