Picture

20 11 0
                                    

Isinulat ni: senyora_athena

Nakangiti ang anak ko habang may hawak na cellphone at kinukunan ng litrato ang paligid. Nilapitan ko siya.

“Nice picture, Ate,” wika pa niya na ikinakunot ng noo ko.

Ate?

“Justine?” tawag ko sa kaniya.

“Po?”

“Sinong Ate?”

“Look, Mama.” Tumakbo pa siyang lumapit sa akin. “Kinunan ko ng picture si Ate Lorraine.”

Biglang lumamig ang paligid  dahil sa sinabi ng anak ko. Agad kong kinuha ang cellphone na hawak niya. Nabitawan ko iyon pagkatapos kong tingnan ang litrato. Nilingon ko si Justine na tawa nang tawa. Isang dalagitang nakasabit sa puno ng acacia ang kuha sa litrato. Nakasabit gamit ang pisi.

“Ang ganda niya diba, Mama?”

Dios ko, kailan pa ba gagaling ang anak ko? Malala pa rin ang sitwasiyon niya dahil sa pagkamatay ng kapatid niyang si Lorraine.

Ang litratong pinakita niya sa’kin ay kuha pa no’ng araw ng pagkamatay ng kapatid niya.

Unwritten TalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon