A girl from nowhere.... A girl that everyone doesn't know who she is nor who she was...
She is mysterious.... They say she's a creep but no one has a prove of all the accusations.
Would you take the risk to know all about her?
But what if she'll die if you know her name?
"That girl! What is she doing in our campus?" Taas kilay na bulong sa 'kin ni Tracey. My little sister she's 'kinda brat kaya ganiyan na lamang ang asta niya na parang nandidiri.
Napailing nalang ako at nagkibit balikat maski ako'y nagulat dahil may transferred student sa daw sa kalagitnaan na ng taon.
"Okay go to your room now. Tinatawag ako ng Dean take care my brat sister," mahinang usal ko napairap nalang siya at tumalikod na.
Dali daling pumunta ako sa gawi ng Dean at ng baabeng tranferree seryoso lang ang mukha nito at parang hindi nakakasalamuha ng tao dahil sa lamig ng titig niya sa 'yo.
"Yes Dean?" Tanong ko at sandaling binalingan ang babaeng kaharap ko.
"Mr. Anderson samahan mo maglibot mamaya si ms. Laurent parehas kayo ng schedule at mag kaklase rin kayo." Ani naman niya napatango tango naman ako.
"Hali kana baka ma late tayo aalis na kami Dean," ngiteng tugon ko sumenyas lang si dean at tumayo naman ako at lumabas.
Tahimik lang namin nilalakad ang pathway halos walang ka ingay ingay na rin ang campus dahil nasa kani kanilang rooms na ito.
"Ako nga pala si Aelius Anderson ikaw anong pangalan mo?" Pagbabasag ko sa naka iling na katahimikan sandaling napahinto siya at tumingin sa 'kin tila hinihipotismo ako sa mga mata niya ang kulay asul na tatanaw ang magandang mata niya.
"Luna.." Mahinang saad niya ngunit nakapatibok ng puso ko. Sandaling umihip ang malamig na hangin na nakapagpapabigay ng dalamhati at saya.
Mabilis nagdaan ang mga araw tahimik lang at naging masaya naman hindi ko mawari kong bakit mas gusto kong mapasama sa kaniya mabuti lamang ay tahimik lang siya at nasa malayo ang tanaw. Kahit magkasama kami ay parang hangin lamang siya na hindi nagsasalita ngunit may kung anong espesyal ang nararamdaman ko.
"Alam mo bang may ibang mundo at maraming pinagkaiba ito sa mundo natin ngayon?" Mahina lamang iyon ngunit dinig kong pagkakasabi niya tumingala ako sa langit na ngayo'y puno ng nagkikislapan na bitwin at tahimik na buwan.
"Mmmm pero siguro malabo mangyari iyon. Kwento kwento nalang na dala ng panahon." Tugon ko naman.
"Kung sakaling may ganun nga ay gusto kong pumunta roon maranasan ang patas at katahimikan..." Dagdag ko pa. Napatingin naman siya sa 'kin at ngumite. Ito ang unang beses na ngumite siya sa 'kin..
"Hindi na mangyayari yun," ani naman niya kunot noong tiningnan ko siya na para bang may hinahawatig sa sinasabi niya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Dahil sa pag-ibig. Kahit anong mundong kinatatayuan mo sa pag-ibig ay handa mong suwayin ang lahat para sa taong mahal mo." Makahulugang wika niya na ikinasabig ng dibdib ko. Anong ibig niyang sabihin?
"Ika apat sa Pebrero. Magsasama na ulit tayo Aelius."
Masayang nagsama kami kada araw. Hindi ko maiiwasang ngumite dahil ngayon ay nararamdaman kong nasa tabi ko talaga siya. Sandaling kasiyahan man ito kung tutuusin at mas gusto kong panghabang buhay ko siyang makasama.
"Aelius! Hali kana!" Bulalas ni Luna napatawa naman ako at tumango. Sumakay ako sa kotse niya dahil may surpresa daw siya.
Mabilis kaming umakyat sa bundok napangite ako ng makaabot kami sa tuktuk malapit ng mag ala una ng maabot namin ito kita kong kabuuan ng bundok at mga kakahuyan.
"Alam mo bang anong araw ngayon?" Saad niya napailing nalang ako dahil nakalimutan ko.
"Ika apat ng Pebrero---" hindi na natuloy ang sasabihin niya ng magsimulang dumilim ang kalangitan at natatakpan ng buwan ang araw.
"Eclipse.... Dito tayo nagkakakilala... Aelius. Ikaw ang araw at ako ang buwan panandaliang mag-sasama ngunit kapalit ay kaparusahan. Naalala mo naba mahal ko?" Nandig ang balhibo ko sa sinabi niya. Tila hindi ako makagalaw at binuhusan ng yelo nagsisimulang sumikip ang puso ko at ilang sandali nalang nagbabadyang tumulo ng mga luha ko.
Sandaling napahinto ako sumasakit ang ulo ko. A memory flash into my eyes... Lahat...
Kung saan kami nagsimula... Kung anong mundong tinatapakan namin at ang pagtatalsik sa 'min. Ako ang araw at siya ang buwan binuwag dahil sa maling pag-iibigan at paulit ulit na mangyayari iyon dahil pinarusahan kami. Kami ng magulang namin....."Luna...." Naiiyak na saad ko at niyakap siya humagulgul ako ng yakap sa kaniya.
"Hihintayin kita sa susunod na pagsasama natin. Ang eclipse ang magiging gabay natin upang tayo'y magsasama ulit. Hindi mo man ako makikilala ngunit alam kong mamahalin mo pa rin ako panandalian man ang ating pagmamahalan at kapalit ay pagkalayo natin sa isa't-isa ngunit hindi ko nagsisising mahalin ka paulit ulit.... Ikaw ang aking araw mahal ko.... Paalam sa susunod nating pagkikita...."
"Mahal din kita aking buwan...."
Unti unti kaming nawawala hindi ko na maramdaman ang yakap niya ngunit kumakapit pa rin ako, nagsisimulang bumalik sa ayos ang lahat umaalis na ang buwan at umaayos ng liwanag.
Hahanap ako ng kapayapaan at yun ay sa piling mo sa susunod aking Luna.....