Target

0 0 0
                                    


"Ferreira!" Napalingon kami sa may ari nang dormitoryo nang sumigaw na naman ito senyales na may mapapagalitan. Tumingin kami kay Manang Narvi na galit na galit ang mukha. Nasa middle fourties na ito ngunit nakikitaan pa rin nang angking kagandahan at makinis na balat, mabait siya sa sumusunod sa kaniya ngunit strikto pagdating sa sumusuway sa kaniya.



"At ano itong nabalitaan kong alas tres kana umuwi!? Ay aba Cale isang pagkakamali palang ay  hindi na kita tatanggapin rito! Ako ang mananagot sa pamilya mo pag may mangyari sa iyo Cale!" Pagsesermon niya sa babaeng kaharap niya, ang best friend ko. Agad akong lumapit sa kanila dahil pinagtitinginan na si Cale nang babaeng kasamahan namin. Ngumite ako sa kay Manang Narvi at hinawakan ang balikat niya.


"Nako Manang! Pagod lang yang si Cale nag text sa akin yan na may activities silang gagawin huwag na po kayong mag-alala ako nang bahala sa kaniya," pagtatakip ko dito tila naniwala naman ito ngunit umiling nalang bago nagsalita.


"Sa susunod mag text kayo at para hindi naman ako nag-aalala! Nako mga batang ito," tumalikod na siya na ikinahinga ko nang maluwag. Tiningnan ko si Cale ngunit nanatiling seryoso ang mukha niya at bakas sa mata niya ang pagod na mas ikinataka ko. Nitong mga huling araw ay ganiyan siya. Hindi ko na alam paano ko pa pagtatakpan siya dahil tila hindi na ito ang Cale na nakilala ko noon, ang Cale na best friend ko.
Pumasok na kami sa kwarto ngunit tahimik pa rin kaming dalawa. Hindi ko na siya tinanong kung bakit siya nawala na naman kagabi.




Lumipas ang ilang araw ay bumalik na sa ayos ang lahat. Nakakausap ko naman medyo si Cale ngayon ngunit hindi pa rin mawawala ang mabilisan niyang pagkawala tuwing gabi na mas ikinataka ko.



"Alexa!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Tumatakbo ito habang kumakaway sa akin. Nang tumigil ito ay hapong hapo ito na ikinatawa ko


"Bakit ka ba kasi hingal na hingal ka ha Tulip?" Taas kilay na sagot ko ngunit umiling naman siya at ngumite.


Umakbay siya sa akin na tila manghihingi na naman nang libre. "Tara sa cafeteria pa kalog na rin wala akong baon ubos na sa club kagabi,"  ani niya na ikinatawa ko. Ito lang siguro ang alcoholic kong kaibigan ngunit nakakasundo ko pa din.


"Alam mo bang chissmiss?" Napatigil ako at tumingin sa kaniya kasabay nang pag-iling nang ulo ko.


"Si Ferreira daw sumali sa Gang," ani niya na ikinatigil ko. Napahilot ako nang sintido dahil sa narinig ko. Saan namang balita napulot 'yan?



"Ang masama pa Target Gang daw sinalihan," bulong niya na ikinahina nang katawan ko.



Posible nga ba sumali siya doon? Baka naman nagkamali lang sila?


"Bakit naman sasalihan ni Cale yan? Stop spreading gossip Tulip," madiing wika ko na ikinailing niya.



"For money Alexa, remember hindi kakalat ang balita pag walang source," dagdag niya pa habang subo subo ang pagkain niya. Napailing nalang ako at napahilot nang sintido.


"Becareful of her Alexa baka magkabaliktad at sa iyo mapapasa ang kasalanan niya," seryosong sagot niya na ikinakabog nang puso ko.




Hinawakan niya ang kamay ko at tumingin nang deretso sa mga mata ko. "Huwag na huwag kang magtiwala sa kaniya. Hindi na siya si Cale na nakilala natin, mamamatay tao na siya," seryosong sagot niya na ikinatuliro nang nang buong pagkatao ko.



"Ma! Nagabihan lang ako dahil may project" sagot ko sa telepono. Tumingin ako sa hallway at walang katao-tao, tulog na siguro ang iba, hanggang alas nueve lamang ang curfew ni Manang Narvi at sakto lamang sa oras ko. May kalakihan din ang dormitoryo niya dito kaya kasya kaming singkwenta ka babae dito.



"Oh segi na ma baba ko nang tawag matutulog na ako," ani ko at binaba ang tawag. Malapit na ako sa kwarto namin nang marinig ko ang mahinang halinghing na ikinakunot ng noo ko.


"Maawa ka, huwag! Huwag mo akong patayin,'' mahinang bulong nang babae habang nanghihina na ito. Tiningnan kong babae na sinasakal at nagmamakaawa ngunit tila hindi iyon naririnig nang gustong pumatay sa kaniya.



"You're the target, I don't have choice," malamig na sagot nang killer at tinaas ang dager niya.



"Huwag!" Sigaw ko ngunit di siya nagpatinag at saksakin nang paulit ulit ang babae. Kumakabog ang puso ko nang tingnan ko siya, hindi ko magawang umalis sa pangyayaring iyon dahil tila hindi ako makagalaw.



Lumingon siya sa akin na may ngisi sa labi.



"C-cale?" Nanginginig na ulirat ko.



"You're next Alexa. Maghanda ka na," wika nito na ikinatuliro nang sistema ko. Umalis na siya habang naiwan akong nakatulala.



I- i am n-next?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 23 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ONE SHOT STORIES (COMPLETED)Where stories live. Discover now