01

4.4K 139 15
                                    

Deve Point Of View

Sa relasyon pala hindi porke kasal na magiging masaya na kayo habang buhay. I was 19 when I married to him, it was a marriage of convenience, but I do love him.

No'ng nalaman kong ikakasal kami ay saya lang ang naramdaman ko. No'ng una ay galit siya sa 'kin, pero habang tumatagal ay naging malambot rin.

Nagpakasal kami dahil ginusto naming dalawa. Of course, our parents were proud, hindi nila inakalang magkakasundo kami ni Stone sa mabilis na panahon.

Our marriage is one of the special event that happend into my life, not until I made a mistake... Our 1 year old son died. Pinagsisihan ko 'yon. Walang araw o gabi, oras, minuto o segundo, na hindi ko pinagsisihan ang nangyari.

Simula nang mangyari 'yon? Stone changed. Galit na galit siya sa 'kin, punong-puno nang pagkamuhi ang mga mata niya na halos patayin niya ako.

Pero nagpakumbaba ako, kasi kasalanan ko. Kung sana hindi ako tumalikod at hinanap ang cellphone ko nang araw na 'yon ay hindi sana nasagasaan ang anak namin.

I'm careless, alam ko 'yon.

That's why nang malaman kong may ibang babae si Stone ay tiniis ko, he's cheating on me but I choose to endure the pain.

Isa lang 'yung hindi ko matanggap, ang mabuntis niya si Heraya. Mas lalong masakit dahil alam kong si Heraya ang unang babaeng minahal niya.

That time na nagkakilala kami, he was broken because Heraya left her and had choosen her career. Ako 'yung nakasama niya ng mga oras na 'yon kahit pa galit siya sakin dahil ipapakasal nga kami.

I stay by his side hanggang sa unti-unti niya akong mahalin, at unti-unti niya akong tanggapin.

Pero mukhang naniniwala na ako sa sinasabi nilang 'Talo ka pag bumalik 'yung nauna' because I experienced it.

Tinatanong ko rin sa sarili ko, if ever ba na hindi namatay ang anak namin hindi kami aabot sa ganito? Kung naging maingat ba ako, hindi ito ang kahahantungan namin?

Kung maibabalik ko lang 'yung araw na 'yon babaguhin 'ko. Ipapangako kung babantayan ko siya nang maayos, at hihilingin kong sana ako na lang at hindi siya.

Napangiti ako nang mapait habang nakatanaw kay Stone na ngayon ay hawak-hawak ang kamay ni Heraya.

Do I deserve this pain? Siguro kung saksakin ako ngayon, babarilin ako, o kung ano pa 'ay wala akong mararamdamang sakit kasi 'umiiral 'yung kirot sa puso ko.

Nagkasala ako 'e alam ko 'yon. Pero bakit ganito? Bakit kailangan mabuntis niya pa si Hera? Bakit!?

Pinunasan ko ang luha ko at mabilis na naglakad papunta sa pwesto nila. Bahagya pang bumigat ang pakiramdam ko nang itago niya sa likuran si Hera na para bang pinoprotektahan ito.

"Can't you see? We're busy," napayuko ako at nilapag ang papel na hawak ko.

I think 6 months of suffering was enough? Panahon na siguro para sarili ko naman? Sarili ko 'yung unahin ko? Kasi napapabayaan ko na 'yung sarili ko 'e.

"I'm done signing it. Nakausap ko na rin ang attorney-"

"Annulment paper? And you have the confidence to file an annulment? I should be the one who's doing this, but don't worry I will sign it." Mabilis akong tumalikod kasabay no'n ang pagpatak ng luha galing sa mata ko.

"Remember this Deve, you're a nightmare in my life. You're my biggest nightmare." Pahabol na sambit ni Stone.

Ang sakit.

The Broken Marriage Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon