PART 1

11 1 0
                                    

"Hindi ka man lang ba naawa sa anak mo ha!? Nagawa mo pang dalhin yang malandi mong babae dito sa BAHAY KO!" Malakas na sigaw ni mama sa kusina at diniinan pa ang salitang 'BAHAY KO' dahil bahay naman talaga ito ni mama dahil pamana pa itong bahay sa kaniya ng lolo at lola ko.

BTW, ako nga pala si Hailey 12 years old.

"Ano bang pake mo?! Hindi na kita mahal at si Jane na ang mahal ko!" Sigaw naman ni papa.

"Tingnan mo yang sarili mo? Hindi na ikaw yung babaeng minahal ko noon! Maganda ka pa noon, ngayon tingnan mo yang sarili mo!" Sigaw niya kay mama.

"At saka wag mo ring gamitin ang anak mo para bigyan kita ng pera na pinangsusugal mo lang din naman!" Sigaw pa ni papa.

Hindi ko na nga alam kung sino ang tama at mali sa kanilang dalawa.

Si papa harap-harapang nang bababae samantalang si mama naman ay ginagamit ako para bigyan siya ni papa ng pera pero pinangsusugal lang naman niya at kapag naman natalo si mama ay magugutom kami.

Gulong-gulo na ang utak ko at masakit na ang tenga ko sa araw-araw na sigawan nina mama at papa kaya pumasok na lang ako sa kwarto ko at ni-lock ang pintuan para walang makapasok.

Ngunit naririnig ko pa rin ang sigawan nila sa labas.

"Lumayas ka sa bahay ko! Wala ka man lang pake sa sasabihin nang iba?!" Sigaw ni mama.

Ang gulo talaga ng buhay namin. Iti na siguro ang buhay na ibinigay sa akin ng may kapal kaya wala akong karapatan para magreklamo.

Kinuha ko ang cellphone ko at isinuot ko ang earphones ko at nagpatugtog ng malakas para hindi ko na sila marinig.

Sana naman kahit papaano ay magbago sila. Bakit ba kasi kailangang pag-awayan ang maliit na bagay at palakihin pa ito.

Lumipas ang ilang oras ay pinatay ko na ang cellphone ko dahil nakaramdam na ako ng gutom kaya lumabas na ako sa kwarto ko. Mukhang tapos na rin naman mg mag-away sina mama at papa.

Pumunta ako sa kusina at doon ko naabutan si papa at ang babae nito na sarap na sarap sa kinakain. Hindi ko na lang sila pinansin at binuksan na lang ang ref para maghanap ng pagkain ngunit wala na 'yong laman kaya lumapit ako kay papa para humingi ng pera.

"Pa," tawag ko dito.

Lumingon siya sa akin. "Oh? Bakit?" Tanong nito.

"Nagugutom po ako," sagot ko naman.

"Ito isang daan pang bili mo bumili ka na rin ng hapunan natin," saad nito at ibinigay ang pera.

Lumabas na ako at bumili na ng pagkain sa tindahan na katabi lang ng bahay namin.

"Pabili nga po!" Saad ko sa tinderangsi aling Marites.

"Ano 'yon?" Tanong nito.

"Pabili po ng tinapay at dalawang sardinas," sagot ko naman kaya ibinigay na niya ang binili ko at binayaran ko na 'yon.

"Balita ko dyan na titira ang kabet ng papa mo?" Saad ni aling Marites.

Wala nanaman siguro siyang maichismis kaya pamilya ko na naman ang puputaktihin niya.

Betrayal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon