PART 2

5 1 0
                                    

*After 5 hours*

*At manila*

Nakarating na ako sa manila. Konti na lang din ang natira sa pera ko. Siguro ay maghahanap na lang ako ng trabaho kung may tatanggap sa akin. Bata pa kasi ako para magtrabaho kaya alam kong mahihirapan ako.

Gabi na rin kaya kailangan ko nang magpahinga.

Dahil wala naman akong bahay na tutuluyan ay sa kalye na lang ako humiga sa tapat ng isang karendirya na sarado na dahil late na rin.




"Oi bata! Anong ginagawa mo dito? Bakit dito ka natulog?" Nagising ako dahil sa boses ng isang 'di familiar na lalaki.

Minulat ko ang aking mata at tumayo.

"Pasensya na po. Aalis na rin po ako. Sorry po sa abala," magalang na saad ko.

Aalis na sana ako ng tawagin niya ako.

"Ngayon lang kita nakita ah? Taga saan ka ba at saan ka pupunta? Alam mo bang delikado para sa'yo na magbiyaheng mag-isa? Nasaan ba ang mga magulang mo?" Sunod sunod na tanong niya.

Napayuko na lang ako at napaiyak. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kaniya ang nangyari sa akin o hindi dahil baka masamang tao pala siya.

"Halika! Pumasok ka muna sa karinderya namin, mukhang nagugutom ka na," yaya nito.

Hindi naman na ako tumanggi dahil nga kagabi pa ako hindi kumain.

"Sya nga pala si Berta ang asawa ko, ako naman si David. Ikaw? Anong pangalan mo?" Pagpapakilala niya.

Mukhang mabait naman siya dahil pinakain pa niya ako nang libre.

"A-Ako po si Hailey," nauutal na pagpapakilala ko.

"Bakit ba mag-isa ka lang? Nasaan ba ang mga magulang mo?" Tanong nito.

Ikinukwento ko sa kaniya ang lahat nang nangyari na hindi ko nakayang tumira sa bahay na iyon o makinig sa araw-araw na pagtatalo nina mama at papa. Ikinukwento ko sa kaniya ang lahat ng pinagdaanan ko. Ginamot naman ng asawa niya ang sugat ko sa paa.

"Kawawa ka naman pala," comento nang asawa niya. "So, may titirahan ka na ba dito sa manila o may kakilala ka ba dito?" Tanong pa nito.

Umiling lang naman ako. Nang pumunta kasi ako dito ay hindi ko na naisip kung may titirahan ba ako, basta ang gusto ko lang ay lumayo sa kanila.

"Dito ka na lang tumira. Pero, bilang kapalit ay magtatrabaho ka dito sa karendirya namim kung gusto mo at saka pag-aaralin ka rin namin," saad niya.

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Hindi ko akalaing tutulungan pa nila akong makabangon.





So, ayun nga. Nagtrabaho ako sa karinderya nina tito David at tita Berta. Pinagaral rin nila ako. May kaunting sweldo naman ako sa pagtatrabaho ko sa kanila na iniipon ko sa banko.

Maayos naman ang buhay dito. Wala gaanong gulo at mababait rin ang ibang mga costumer namin dito sa karinderya.

"Ay lutang ka gurl?" Saad ni Wendy and kasama kong nagtatrabaho dito sa karinderya.

17 years old na pala ako at last year high school na. Si Wendy naman ay 19 years old na at nagpa-partime siya dito sa karinderya para makapagtapos siya ng college.

"Iniisip ko lang kasi kung papaano ako mag-co-college. Marami raw kasing requirements," saad ko naman. May kaunting pera pa naman akong naipon para sa pang college ko.

"Naku ka gurl! Next year pa 'yon. Wag mo munang isipan yan," saad nito.

Tinawag ako ni tita Berta kaya naman ay lumapit ako.

Betrayal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon