LAST PART

8 1 0
                                    

"Buntis ka ba?" Tanong ni tita.

Napatingin ako sa kaniya. "Sa tingin ko po," sagot ko naman.

May nangyari na kasi sa amin ni Zack. Lasing siya noon then hinatid ko siya bahay niya at doon na may nangyari sa amin.

"Si Zack ba ang ama niyan?" Tanong naman ni tito. Tumango lang naman ako.

"Hay! Ang bata niyo pa," saad pa niya. Napayuko na lang ako.

"S-Sorry po," paghingi ko ng tawad. Alam kong nakaka disappoint ako kasi parang hindi ko man lang nasuklian ang mga paghihirap na ginawa nila para lang mapag aral ako.

"Okay lang, nandyan na yan eh," sagot naman ni Tito. "Alam na ba niyang buntis ka?" Tanong pa nito. Tanging iling lang naman ang naisagot ko.

Nagkaproblema kasi kami nitong mga nakaraang araw kaya hindi ako makakuha ng tyempo para sabihin sa kaniyang buntis ako.

"Kailan mo sasabihin? Kailangan niyang malaman ang tungkol diyan sa bata at kailangan ka rin niyang panagutan," saad ni tito.

"Pagnakakuha po ako ng tyempo sasabihin ko na sa kaniya," sagot ko naman.

Tumango lang silang dalawa at ipinagpatuloy na namin ang pagkain namin.

*Knock!*

*Knock!*

Nang may kumatok ay tumayo muna ako para buksan ang pintuan at alamin kung sino ang kumatok.

Doon ko nakita ang dalawang taong matagal ko nang hindi nakita.

"Anak, miss na miss ka na namin," saad ni mama at niyakap ako. Ganun din ang ginawa ni papa. Pero kasama pa rin ni papa ang babae niya.

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni tita Berta.

"Gusto lang naming kunin ang anak namin," sagot ni mama. "Alam mo bang ang tagal ka naming hinanap?" Umiiyak na saad ni mama habang yakap-yakap ako.

"H-Hinanap niyo ako?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Ang akala ko noon ay wala na silang pakialam sa akin at hindi nila ako hinanap.

"Gusto ka naming makasama anak," saad ni papa.

"May nabili akong bahay dito sa manila. Alam ko namang ayaw mong mapalayo sa mga taong tumulong sa'yo nang ilang taon kaya bumili muna ako ng lupa dito bago humarap sa'yo," paliwanag ni papa.

Humiwalay ako sa pagkakayakap nilang dalawa. Sana naman ay hindi na sila katulad nang dati na araw-araw nag-aaway.

"Sige na Hailey. Sumama ka na sa kanila. Hindi mo maipaglakait na magulang mo pa rin sila. At saka pwede mo naman kaming bisitahin dito," saad ni tito David.

Tumango naman ako at kinuha na ang mga gamit ko. Nagpaalam na ako kila tito David at tita Berta. Nangako rin akong bibisita na lang paminsan-minsan.

Sumama na ako kina mama at papa. Medyo malayo-layo nang kaunti ang bahay na tutuluyan namin sa bahay nina tito at tita pero okay na rin 'yon kesa sa bahay namin noon na mas malayo pa.

Katamtaman lang ang laki ng bahay namin. Naayos naman sa loob. Itinuro na nila ang magiging kwarto ko para makapagpahinga na rin ako.

Bukas siguro ay dapat io nang sabihin kay Zack na buntis ako.



[KINABUKASAN]

Nagising ako nang marinig kong parang nay nag-aaway.

Lumabas ako ng kwarto at nakita ko sila papa mama at yung kabet ni mama na nag-aaway.

Betrayal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon