Chapter 3

7 1 0
                                    

Beep .. Beep !!

Tumingin ako sa bintana kung dumating na si Sia, 4:30pm palang nagaayos na ako, ayoko kasi sa lahat yung nalalate ako kahit sa school hindi ako katulad ni Sia na malakas ang apog kahit late na late na sa klase pumapasok parin.

Bumaba ako ng hagdan at hinanap si mama para magpaalam nakita ko sya sa sala nanunuod nanaman ng paborito nyang Probinsyano, may anak na lahat yung kapitbahay namin di parin natatapos si Cardo Dalisay. Anyway di ko yun pakay kaya kinalabit ko nalang si mama at nagpaalam.

"Ma alis na kami nandyan na sa labas si Sia"

"Sige, ingat kayo basta umuwi kayo bago mag midnight. Binigay ko naman sayo yung spare key ng bahay diba?"

"Opo, sge ma una na ako"

"Sige, ingat! Have fun, enjoy the night!"

"Salamat, Ma"

"Wait lang pala Fritz, pakitext mo ang kuya mo umuwi na, kahapon ko pa sya tinatawagan ayaw sumagot, paano kapag may mga emergency purposes hindi nya alam! Ewan ko ba dyan sa kuya mo simula nag gf laging wala dito sa bahay di manlang makatulong sa akin. Alam naman nyang wala ang ama niyo at nasa ibang bansa"

"Sige ma, tatawagan ko po si kuya"

Sumakay kaagad ako ng sasakyan ni Sia, dumiretso kami sa isang kilalang bar and resort dito sa BGC Taguig, exclusive lang talaga to sa mga imbitado ng celebrant mabuti nalang tlga sinama ako ni Sia para naman makapag-unwined at hindi puro aral lang sa buhay.

"Sia, sino ba celebrant at sobrang bongga naman nitong party at talagang inoccupide kalahati ng BGC?"

"Yung kaklase ko may birthday, last year mas bongga pa dito kasi lahat kami imbitado at out of town pa, lahat sagot nya miski piso hindi ako nagbigay" tawa bigla ni Sia

"Sana lahat galante ang kaklase, anyways saan ba pwesto natin kasi masakit na paa ko girl ang taas ng heels ko"

"Oh right! Tawagan ko lang si Brix"

Parang naestatwa ko sa narinig kong pangalan mula sknya, this cant be happening! Fuck it!

"Ano nangyare sayo at balisa ka Fritz?"

"Nabingi lang ba ko dahil sa tugtog or sinabi mo talagang Brix?"

"As in Brix Kyle Montes?"

"Oo, kilala sya sa buong campus he's popular silang dalawa ni Gabriel"

Bigla akong kinabahan nung binanggit ni Sia na si Brix pala ang may birthday, sobra ko ba syang kinasuklaman kaya pati birthday nya kinalimutan ko. So paano ako nito makakapag alibi para makaalis dito sa lugar na ito, sana pala tinanong ko na muna kagabi sinong may kaarawan para hindi na ako sumama.

Sa sobrang pagiisip ko kung anong gagawin ko hindi ko namalayan na hinila na pala ako ni Sia papunta sa harapan nila Brix. Masayang naguusap ang mga kasama nila kasama si Gabriel ng bigla kaming dumating sa harapan.

"Sorry late kami ng ilang minuto nahirapan akong maghanap ng paparadahan ng kotse ko,"

"Okay lang Sia atleast nandito kana, sabi nila may kasama ka daw na kaibigan pakilala mo naman samin, chix ba yan? Hahaha"

"Hoy gaga! syempre chix yung kaibigan ko ano wait lang nahihiya kasi sya. Guys, i would like you to meet my friend Fritzy" masaya sabi ni Sia.

Una lumingon si Gabriel bigla siyang natawa at naubo kaya pinandilatan ko sya ng mata, kingina lalaki to wala ng nagawang maganda sa buhay ko. Tinignan ko sa mata si Brix, hindi sya makapagsalita agad dahil sa gulat. Hindi nya siguro inaasahan na ako ang kasama ni Sia sa party nya. Kung alam ko lang na birthday mo hindi talaga ako pupunta, ano ka gold may kasalanan kapa sa akin.

Bigla nagsalita si Sia nafeel nya ata ang awkward namin, kahit ako ramdam ko tlga hanggng buto.

"Nice meeting you Fritz, Brix nga pala salamat sa pagdalo sa birthday ko" bigla nyang sinikmura sa tyan si Gabriel na di matigil sa kakatawa sa likod ano ba trip ng hayop na to may dumi ba ko sa mukha? Bwisit!

"Fritz nga pala, kaibigan ni Sia" Smile awkward

My god wala na ako kawala nito.

"Excuse me, saan pala powder room niyo dito?"

"Pasok ka sa left side pinakadulo nandun yung powder room" nakangiti sabi ng kasama nila.

"Ah! Thank you"

Nagmadali akong pumunta ng powder room dahil hindi ko na kaya yung sikip ng damdamin ko kapag kaharap ko sya, bakit ba until now sya parin? Baliw kana ba Fritz? Sinaktan ka nya, niloko pero bakit iba parin epekto nya sayo.

Naghilamos ako para mahimasmasan hindi ko pa naeenjoy yung gabi pero gusto ko ng umuwi talaga. Nagmadali akong makalabas ng powder room baka naghihintay sakin sa labas si Sia, pero laking gulat ko iba ang tumambad sakin sa labas ng pinto.

Undying MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon