Weekend ngayon kaya nandito lang ako sa kwarto nakahiga, pagod na pagod ako kahapon kasi kami ang last reporter sa major subject namin kaya di pwedeng basta basta lang need mo pa magresearch, gumawa ng powerpoint etc.
About culture kasi yun kaya di pwedeng bara bara lang baka maging bara bara lang rin grades namin, may awa naman ako sa partner ko kasi nageffort rin naman sya. Pinagpaguran namin yun buti naman napartner ako sa medyo masipag, huling reporting ko nung prelim? ako lahat mismo gumawa mga yawa mga kagrupo ko kumain lang di nag effort sa inis ko di ko sila nilista sa papel na binigay ni maam kaya kapag papasok ako kulang nalang kulamin nila ako kasi bumagsak at napagalitan sila ng prof namin, who cares? Ayoko bumagsak kasama sila gusto ko yung kurso na ito pinaghihirapan ng mga magulang ko tuition ko dito.
Bumaba na ako kasi nakaramdam na ako ng gutom, sabado ngayon tutulungan ko maglinis si mama ng bahay, wala narin naman ako gagawin kasi nagawa ko na last week lahat ng pending reports at assignments ko bago mag weekends, so free ako ngayon.
Nakita ko nagluluto na si mama ng tanghalian namin, napasarap ata tulog ko dahil sa pagod mapapagalitan nanaman ako nito panigurado.
"Oh gising kana pala fritz! tanghali ka nanaman nagising imbis makatulong ka dito sakin sa bahay wala, patapos na ko sa gagawin ko saka ka nagising tapos pagkain nanaman hahanapin mo? Paano kapag wala na ako sino na magaasikaso senyo ng kapatid mo?"
"Mama, madami akong ginawa last week kaya tinanghali ako ng gising ngayon dami kong reports at assigment, bawal akong di magpasa agad agad kasi malaki yung grades dun ayaw ko naman bumagsak"
"Siguraduhin mo lang Fritz na totoo yang sinasabi mo, di yung nagcecelphone lang kayo hanggng madaling araw, nakikita ko kayo kahit gabi na mga nakabukas pa nga cellphone niyo? Ano ba pinagkakaabalahan niyo dun?"
"About lang yun sa school mama kasi may gaganapin na event next week kaya nakikiupdate ako sa mga kaklase ko sa Group Chat, one week rin yun kaya baka gabihin nko lagi ng uwi kasi sa kurso namin pinakamaraming gagawin, kaya ipapaalam ko sayo yun"
"Ganun ba okay sige, may pera kapa bang budget dyan sa pamasahe mo araw araw?"
"Wala na ma! Kaya maghihingi sana ako sayo"
Umalis saglit si mama para kunin yung pera nya sa kwarto pagdating nya nag-abot sya sakin ng 500 kaya nagulat ako, minsan lang magbigay si mama ng medyo malaking pera.
"Okay na ba itong budget mo for 1 week? Kasi sabi mo gagabihin ka lagi baka di ka narin makakain dito sa bahay pagdating mo"
"Oo ma, salamat kapag may sobra ibabalik ko."
"Huwag na bigay ko na sayo yan kaya itago muna yan at tulungan mo ko maglinis ng bahay pagkatapos ko dito"
Umakyat ulit ako sa kwarto sa sobrang tuwa ko nagchat ako kay Sia about sa binigay sakin ni mama pera.
"Teh, guess what? May sakit ata si mama kasi binigyan ako ng 500, allowance ko raw para sa event natin next week, hahaha"
"Really? Himala nagbigay si mama mo sayo, kadalasan kapatid mo lang binibigyan ng ganyan halaga. Alam mo nmn paborito? Hahaha, joke.
"Gaga, anong paborito? Baka sabhin mo inuuto nya kamo si mama na kesyo may project ganito ganyan ang halaga kahit di naman talaga. If i know ipangdadate lang nila ng jowa nya yun"
"Lupit rin ng kuya mo, uto uto sa gf nya"
"Hoy huwag ka maingay baka marinig ka ni kuya sabihin napaka chismosa mo kahit totoo naman hahaha"
"Sama talaga ng ugali mo, btw sama kaba? May nagyaya sakin na schoolmate natin party daw malapit lang daw sa Taguig"
"Ano daw meron?"
"Birthday ata, niyaya ako sabi ko kung pwede magsama ako pwede naman daw kaya ikaw naisip ko, So sasama kaba? Mamaya daw yun 6pm sharp?"
"Sigurado ka 6pm? Baka di ka nanaman sumipot, pero sige sunduin mo ko dito sa bahay"
"Okay, See you"
End Call.
Bumaba muna ko at nagpaalam kay mama about the party, pumayag naman agad sya nung sinabi ko kung sinong kasama ko doon. Basta umuwi lang kami ng safe at bago mag 12 midnight.
Kaya tinulungan ko muna si mama sa gawain bahay after nun nagayos ako ng isusuot at umidlip saglit, nag-alarm naman bago mag 6pm kasi susunduin ako ni Sia gamit ang kotse nya.

BINABASA MO ANG
Undying Memories
RomanceMeet Fritz Avery Martinez a Tourism College Student na nagaaral sa isang kilalang University dito sa Pilipinas. Hindi naging maganda ang naging college life nya dahil narin sa kagagawan ni Brix Kyle Montes, si Brix ay dati nyang kasintahan ng dalawa...