Nalilito at nanghihina ang mga tuhod ko dahil sa ginawad na halik ni Brix sa labi ko. Ang daming tanong ng isip ko, yung mga sinasabi ng mga mata nya mga body actions na pinapakita niya. Napaupo nalang ako sa kama habang inaalala ang mga nangyare kanina sa baba, tinignan ko si Sia na mahimbing na natutulog sa kama kung alam lang nya kung anong mga nangyayare sa buhay ko.
Kailangan ko maglihim para narin sa mga nakapaligid sakin, ramdam ko at kita kita ko kung paano tignan ni Sia si Brix sa mga mata, sobrang saya nya pero wala akong maisip na paraan kung paano mawawala yung nararamdaman na yun ni Sia.
Ayokong matulad sya sakin, sya nalang nagiisang kaibigan ko! Natatakot ako sa mga posibleng mangyare kapag once na malaman nya na naging magkarelasyon kami ni Brix ng Dalawang Taon at ramdam na ramdam ko sa mga halik nya na mahal parin nya ako pero bakit pinagtatabuyan nya ako noon? Anong dahilan nya?
Sa sobrang sakit ng ulo ko dahil narin sa gawa ng alak minabuti ko nalang muna magpahinga. May ilang oras pa naman kami bago pumasok sa University.
Nagising ako sa sinag araw na dumaan sa mata ko, tinignan ko kung anong oras at mukhang napasarap ang tulog ko.
(10:00 am)
Medyo maaga pa para pumasok sa school may oras pa kami para umuwi at magbihis, tinignan ko ang katabi kama ko pero wala ng tao dun. Hinayupak na Sia hindi manlang ako ginising sa sobrang badtrip ko tumayo ako at naghilamos bago bumaba para hanapin kung nasaan ang babae na yun.
Nakita ko sila nagtatawanan at naguusap sa hapagkainan na akala mo walang bukas at mga problema sa buhay sabagay minsan lang naman magkaroon ng ganitong sama-sama kami sa iisang okasyon kaya sulitin na dahil malapit na ang hellweek namin.
Speaking of HellWeek need na namin umuwi ni Sia dahil kanina pa ko hinahanap ni Mama at nagalala hindi kasi ko nakapagpaalam kagabi na hindi ako makakauwi.
"Fritz gising kana pala, grabe sobrang tagal mo gumising tulog mantika ka talaga, tulo pa laway mo girl" sabay tawa ni Sia
Bigla ko nahiya sa sinabi nya, ibang klase talaga babae to walang preno ang bibig. Nagtawanan lahat ng mga kasama namin sa mesa yung iba nandiri may nagsabi pa na kakatapos lang ni kumain.
Hindi ko nalang pinansin yung tawanan nila dahil nagugutom na ako kailangan ko na magmadali baka traffic pa paguwi namin.
"Sia dalian mo dyan wag ka puro tawa kailangan na natin umuwi dahil naghihintay na si mama sa bahay hindi ako nakapag paalam kagabi sa sobrang lasing"
Tumango nalang sya sa pagsagot.
May hinahanap ang mata ko, so hindi parin sya gising hanggng ngayon? By the way bakit ba iniisip ko sya. Kumakain ako ng may marinig akong mga yabag na pababa nagmamadali pa.
"Goodmorning guys! Sorry ngayon lang ako nagising pero tumawag naman na ko kagabi pa sa mga tao sa kitchen para paghandaan kayo ng pagkain kapag gising na kayo" sabi ni Brix.
"Okay lang, yung iba rin samin tol kakagising lang rin diba Fritz? Haha" Sabay tawa ng mga kasamahan ko.
Hindi ko parin sila pinansin dahil hanggng ngayon lutang parin ako dahil sa nangyare kagabi.
"By the way guys kung may time pa kayo pwede kayong maligo sa pool bago kayo umuwi, sulitin niyo na dahil next year na ulit to mauulit"
Tumayo ako dahil tapos na ko kumain, kaunti lang talaga kinakain ko sa umaga dahil sumasama tiyan ko kapag naparami. Ayaw ko naman nun dahil babyahe pa kami. Nakita ko napalingon sakin si Brix dahil sa paggawa ko pagtayo sa upuan kaya tinitigan ko rin sya"
"Bakit Brix? May kailangan ka sabhin?"
"Pwede ba tayo magusap saglit?"
Nagisip ako kung papayagan ko sya, mukhang may oras pa naman kaya pumunta kami malapit sa pool.
BINABASA MO ANG
Undying Memories
RomanceMeet Fritz Avery Martinez a Tourism College Student na nagaaral sa isang kilalang University dito sa Pilipinas. Hindi naging maganda ang naging college life nya dahil narin sa kagagawan ni Brix Kyle Montes, si Brix ay dati nyang kasintahan ng dalawa...