Malamig ang simoy ng hangin.
Banayad ang hampas ng alon sa dalampasigan.
Madilim ang paligid at tanging mga ilaw sa mga gusali lang ang nagbibigay liwanag sa kinauupuan ko.
Masyado nang gabi at tahimik na ang paligid.
Ngunit heto ako, nakaupo malapit sa tulay. Ang tulay na saksi ng pagmamahalan at pangako natin sa isat isa.
Nakilala kita nung panahong pareho tayong kolehiyo. Nadala mo ko sa mga korny ngunit matatamis mong banat. Sa mga paharana mong minsan nagsisintunado pa. Sa mga jokes mong trying hard pero napapatawa ako. Sa mga bulaklak na pinitas mo pa sa nadadaanan mong bahay papunta sa school. At higit sa lahat, napa oo mo ako sa pagmamahal mong walang katumbas.
Naalala ko pa nun, mismong sa tulay na ito mo ko tinanong kung pwede nang maging tayo. Dito mo rin ako dinala nung unang beses tayong nagdate.
Napapangiti na lang ako sa tuwing naaalala ko yung sandaling yun. Kung paano ka namutla at nanlamig habang binibigkas ang katanungang nais mong masagot. At paano ka namula nung marinig mo mula sakin ang salitang 'Oo'.
Naalala ko rin kung paano naging saksi ang tulay na to sa pagpapahiwatig mo ng pagmamahal mo sa akin. Kung paano mo ko dinadala dito upang panoorin ang paglubog ng araw at ang paglitaw ng mga butuin sa kalangitan.
Naalala ko rin kung paano mo ipinaalam sa akin ang iyong paglinsan. Kung paano nabasa ng luha ang ating mga pisngi sapagkat tayo'y magkakawalay. Sapagkat madedestino ka sa lugar kung saan ang pagbabalik mo ay walang kasiguraduhan.
At naaalala ko pa rin yung ipinangako mo sakin na hanggang ngayon ay akin paring pinanghahawakan.
"Hintayin mo ko, dahil pangako sa oras na makabalik ako dito papakasalan kita"
Mga katagang lumabas sa labi mo na siyang aking tinatak sa puso't isipan.
Mahal ko, hahantayin kita kahit gaano pa katagal iyon.
Nabalik ako sa ulirat nung marinig ko ang napakalakas na tunog ng barkong kakarating lamang. Mabilis ako tumayo habang umaasa na sana isa ka karga ng sasakyang pandagat na iyan.
Ngunit wala
Wala ka
Pilit kong siniyasat ang mga mukha ng bawat taong bumababa sa barko ngunit wala ka talaga.
Wala ka parin.
Paulit ulit itong nangyari.
Ngunit ayokong mawalan ng pag asa, sapagkat alam kong babalik ka. Alang alang sa pangakong naiwan mo sakin. Alang alang sa pagmamahalan nating hindi pa humantong sa maligayang katapusan.
Araw, linggo, at buwan ang lumipas ngunit hindi ka pa rin bumabalik.
Habang tumatagal mas lalo akong nasasakbik.
At habang tumatagal mas lalo akong napipilas ng pag asang babalikan mo ko.
Hanggang sa dumating ang isang balita.
Isang sulat mula sa matalik kong kaibigan nung kolehiyo.
Isang sulat galing sa lugar kung saan ka nakadestino.
Nung aking buksan, nagsimulang magbagsakan ang aking mga luha.
Sapagkat ang pagbalik mo ay malabo nang mangyari
Dahil ikakasal ka na
At ang malala sa kaibigan ko pa.
Andami kong tanong na nais masagutan.
YOU ARE READING
Reach for the Stars
RandomThis is an Anthology of fictional works of Red Orion. Behold and prepare to be Bewitched!