Chapter 9:Nang Dahil Sa'yo

7 0 0
                                    


"Guys! Be ready. Kayo na ang susunod."

Ang bilis lang ng araw. Hindi ako makapaniwalang may isang buwan na pala ang nakalipas. Akalain mo yun, Christmas Party na.

7:30 pm na pero wala pa din si Ace. Ano na kayang nangyari dun. Anyare sa 1 week na leave nun? Walang nakakakaalam.Natapos na lang kami sa pagpeperform at ganun din yung ibang group pero wala pa din akong Ace na nakikita. I'm starting to worry.

"Hey!"

"Ay anak ni bakekang!" nasambit ko

Biglang nagtawanan sila. Nilingon ko yung nag Hey sa akin. Si Dr. Chan pala. Kasing pula ng kamatis ang kanyang mukha at halatang hirap sa pagpigil ng tawa. Nang makamove on ito ay saka nagsalita.

"Sino si Bakekang? Hahaha" pagbibiro nito

"Wala doc. Yun lang agad ang nasasabi ko pag nagugulat ako." matipid kong sagot

"E bakit ang seryoso mo?Kanina ka pa kaya diyan tulala sa harap ng kuhanan ng rice. Anong balak mo? Makipagtitigan sa kanin? Hahaha. Tingnan mo. Ang haba na ng pila o. Hindi kami makausad  nang dahil sayo.Haha. Buti na lang may pamerienda kanina kaya okay lang sa kanilang maghintay.May problema ka ba? Baka gusto mong pag usapan natin yan"

Nagsorry ako sa mga nakapila. Nakita kong nasa pila sina Sir Nilo, Ma'm Ai, Beth at Ate Lovi na kasunod lang ni Doc Chan.Nakangisi ng makahulugan si Ate Lovi habang ginagalaw ang kilay pataas ng paulit paulit.

"Pasensya na kayo doc a. May inaalala lang ako."

Umupo ako sa isang tabi ng hindi tinitingnan kung sino ang mga kasama ko sa lamesa nang may biglang umubo.

Nilingon ko ito.

Laking gulat ko ng isang Ace Ornales ang tumambad.

"Kamusta?" sabi niya.

Halos maibuga ko palabas ang kinakain ko sa pagkabigla.Agad niyang nilagyan ng tubig ang baso ko sabay abot sa akin.Agad ko itong ininom ng isang inuman.Andito pala siya.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"A-a-ayos lang ako. I-ikaw  ba?"

Shemay!Why am I stuttering?May speech defect na ba ako??huhuhu

"Ayos lang din"

Naglakas ako ng loob itanong ang matagal ng gumugulo sa aking isipan.

"Anong nangyari sa'yo?Bakit ngayon lang kita uli nakita?Sabi nila nagleave ka daw ng 1 week pero bakit feeling ko more than pa."

"Easy , Mara. Easy ka lang. So, hinahanap mo ako?Bakit parang nag aalala ka? Care to explain?"

Sht.Oh my gulay.Napasobra ata ako ng tanong to the point na nahalata na ata niyang gusto ko siya.Ateeee Loviiii. Heeeeelp.Aamin na ba ako? Bahala na si Batman. Pinagpapawisan na ako. Shemay!

"Okay. sige.Here it goes.Oo, hinahanap kita kasi nag aalala ako sa'yo.Gusto kong magpasalamat sa'yo ng personal.Utang ko kasi sa'yo ang buhay ko.Nang dahil sa pagsagip mo sakin nasprain mo daw yung wrist mo.Paanong hindi ako mag aalala sa'yo??"

Nakahinga ako ng maluwag.

"Dahil lang ba talaga dun?"

Anong ibig sabihin kaya nito.

"Anong ibig mong sabihin? "

"Wala lang.Gusto ko lang malaman kung dahil lang ba talaga nag aalala ka kaya mo ko hinahanap."

"Oo, sir Ace."

"Okay.Sabi mo e.Nga pala, kaya ngayon lang ako nagpakita kasi pinalagyan ng cast itong kamay ko at kelangan ko ito ipahinga.Hindi naman ako makakatrabaho ng ayos kung nakacast ako diba?Kaya naman ako nalate kasi pinatanggal ko pa  kanina tapos traffic pa."

Nagulat ako sa sinabi niya. At nag explain siya??

Nag explain siya!!

Shemay.

Yan na ata ang pinakamahabang sinabi niya. Ito na ata ang pinakamatagal na pag uusap namin.Kunin mo na ko Lord, masaya na ko. Di, joke laang po baka totohananin niyo.Ayoko pa. hehe.

Teka, nagka-cast siya?E di ibig sabihin nagkafracture siya?Hala.

Hindi ko na alam ang sasabihin ko.

"Uy. Bakit natahimik ka na jan?"

"Sorry."

"O bakit?"

"Kasalanan ko kung bakit ka nagkafracture"

"Ano ka ba? Walang may kasalanan sa nangyari.Bakit? Ginusto mo bang mahostage?"

"Hindi."

"O yun naman pala e.Cheer up, Mara."

Kilala niya  ako?? Kilala niya ako! Waaaaaaaa!Napangiti naman ako.

"Salamat."


Salamat ang tanging nasambit ko.Salamat, kasi nang dahil sa'yo e buhay pa ako.

-Say You Like Me- (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon