Chapter Four : New Found Friend

15 0 0
                                    

Dahil tuluyan  na ngang naka-alis si ate.. Nag bus na lang ako para : 1.di siksikan, 2.para di madumihan ang puting uniform ko , 3. para amoy fresh pa din ako at  di amoy usok! 

Sa dalawahan ako nakaupo ngayon, sa tabi dun sa may arm chair.Nagulat ako nang may biglang tumabi sa akin. Mukang nasa mid-20's. Matangkad siya na maputi at maamo ang mukha. Chinito. May nunal na maliit sa right side sa may tabi ng nosebridge niya. 

"Heto ho bayad ko. Sa Don Quijano Memorial Hospital"  sambit niya sabay abot ng bayad

 Ang lalim at ang lamig ng boses niya.Hmmmm..Patay! Isa to sa mga weakness ko e..  

>//<

Nakakafall.. <3

Buti na lang iniwan ako ni ate kundi di ko makakatabi ang cutie na ito. Hihi. At heto pa, take note..parehas pa kami ng bababaan.Kapag sinwswerte ka nga naman. Ano to? Destiny? Yieeeee. ♥

Hinanda ko na pambayad ko ng kamalas-malasang mahulog at gumulong ang piso...

' Siyeeeeet! Magkukulang pamasahe ko.. Yun na lang tirang barya ko.. Huhu! '

Naman e.. >.<

Akmang pupulutin ko na sana kaso ang layo ng ginulungan e.Nasa may paanan nung estudyanteng nakatayo ang piso ko. Napansin ako nung estudyante na patingin-tingin sa paanan niya. At ang loko tumingin lang sa paa niya at di man lang pinulot ang pisooooo kooooo!! Tss! c(>.< b

 ' Napaka gentle-man Ha!!  Soooobraaaa! Tsk tsk >.< '

Anong gagawin ko ngayon? Ayoko namang ibayad ang isang libo ko at baka lokohin lang ako ng konduktor na kunwari ay nasuklian na pero ang totoo ay hindi pa naman.. Inaaaaaaaaang!!! Nakakahiya naman sa katabi ko kung sa kanya ko ipapa abot. E di tatayo pa siya.. Laking abala! Naaaaamaaaaan eeeee    >.<   Tsk!

Nabigla ako nung tumayo siya para pulutin ang piso ko. Nakaka turn-on. Grabe. Ang gentleman niya! >//<

Mapapasayaw ako ng Gentleman  ni Psy nito sa sobrang tuwa.. bwahahaha! Idon't mind, kung siya lang din naman ang sasayawan ko. Ang kiri much! :))

 ' erase! erase! ang talanding thoughts!! '

"Eto Ms. Nurse oh. Ang piso mo. Napansin ko kasi na kanina ka pang di mapakali simula nung gumulong yung piso e.Ang likot mo sa upuan. haha!"

Hindi ako makagalaw sa sobrang kahihiyan. Kinikilig din ako  at the same time. Hihi! >//<

 "Bakit ayaw mong kunin? Inaabot ko na oh. Hindi ba ito yung kanina mo pang tinitingnan kaya di ka mapakali jan.. kaya ba ayaw mong kunin kasi madumi na?''  pabiro niyang sabi sabay ihip niya sa piso at pinagpagan pa

Napangiti naman ako sa ginawa niya. haha. Kinuha ko na ang piso sa hiya. Baka mangalay e.

"Salamat!" matipid kong sabi 

Inabot ko na sa konduktor ang pamasahe ko  sabay sabi kung saan ako 

"Doon din pala ang baba mo?" 

"Oo."

 ' Siyet ang dimples.. Homaaaaygaaaaad! '

"Pwede mo ba ako samahan sa office ng chief of hospital? Orientation ko kasi ngayon e medyo lito pa ako sa pasikot sikot ng ospital. Di ko kabisado e. Okay lang ba? Sige na.."  diretso niyang sabi

"Sige ba. Tinulungan mo din naman ako e."

Ngumiti siya at nag thank you. Napaisip ako sa sinabi niya. Orientation. Office ng chief of hospital.

 "Teka lang.Orientation? Sa office ng chief of hospital?? Doctor po kayo?" bigla akong naging pormal

" Yup. Isa akong Pediatrician. Nag apply kasi ako bilang bagong resident doctor dun. Saka wag mo na nga akong po-in. Hindi naman ako gaanong katanda ano. 26 years old lang ako. Haha! "

 "Hahaha! O sige ba. If that's what you want." 

 "Thanks uli ha! At dahil jan. friends na tayo. Ikaw ang aking new found friend. That is, kung okay lang sa'yo. "

"Okay lang sa akin. Game ako jan  doc."

"By the way, ako nga pala si Calvin Joseph Chan.  Nakalimutan ko na magpakilala. haha! So what's your name? " sabay abot ng kamay niyang nakikipag holding hands este shake hands pala

 (A/N: Haha! Hay nako umayos ka Mara Rosebelle Amorado.Holding hands agad?? Assuuuuuuming ka te! Mahopia ka diyan. Hala ka! Hahahaha! )

"Mara Rosebelle Amorado. Nice to meet you Dr. Calvin Joseph Chan" sabay abot ng kamay ko at nagshake hands kami

"It's my pleasure meeting you nurse Mara Rosebelle Amorado."

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

End of Chapter..

Please feel free po ulit mag-vote, comment at maging fan! <3

-Say You Like Me- (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon