Chapter One : The Who?

181 2 2
                                    

Disclaimer:

This is a work of fiction. Names,characters,businesses,places,events and incidents are either the product's of the author's imagination or used in any fictitious manner. Any resemblance to actual person's. living or dead, or actual events are purely coincidental.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

[Teee - Neee - Neee - Niiiw...] Tinatawagan po ang bantay ng pasyenteng si Hernandez Mary Jane, makikipunta po sa harap ng delivery room..  [Teee - Neee - Neee - Niiiw...] 

 (A/N: Don't be confused.. Wag kayong malinlang! :)) Hindi siya ringtone kundi yung pager sa ospital, mall etc.. Hahaha!)

Haaaaay jusko.. buti na lang di ako napa-assign sa labor room kung nagkataon ay ang toxic sana! Balita ko dalawahan na daw sa isang kama tapos yung ibang buntis ay nakaupo pa. Tsk Tsk.

 "Mara, nakapagbigay ka ba ng Metoclopramide (anti-vomiting drug) dun sa pasyente sa room 101? "  sabi ni ate Lovi

 "Ay oo. Di ko lang nailagay sa chart kung anong oras. Mga 10 am ako nagbigay."

 Ako nga pala si Mara.. Mara Rosebelle Amorado. Isa akong nurse trainee sa Don Quijano Memorial Hospital. 5 months na ako dito samantalang ang ate kong si Lovi Amorado ay staff nurse na.Parehas kami ng shift ngayon, 7am - 3pm. Sa station 1(Medicine Ward) kami parehong naka assign kung saan ay katapat nito ang Operating Room/Delivery Room kaya kita namin ang mga inilalabas na bagong anak na pasyente na may supling na nakapatong sa kanilang mga dibdib o kaya naman mga pasyenteng katatapos lang operahan at pwede ng ilabas para dalhin sa kanilang kwarto.

Nabaling ang atensyon ko dun sa lalaking nurse na bago sa aking paningin na ngayon ay nasa may pinto  ng delivery room.

 Ang gwapo niya.

 Pansining-pansinin.

Maputi.Mapupula ang labi.Balbas sarado na mukhang bumbayin sa tangos ng ilong at nakabraces.

 "Kamag-anak ho kayo ni Hernandez, Mary Jane? Ito po." sabay abot ng reseta sa kamag-anak ng pasyente

"Pabili ho ng lahat ng nakasulat jan sa reseta tapos balik ho kayo dito. Kelangan po ang mga yan para malagyan ng swero ang pasyente. Kasama na po jan ang mga gagamitin ng bata." 

'Bakit kaya ngangayon ko lang siya nakita??'

Pumasok na siya agad sa loob pagkabigay ng reseta.Sobrang busy lang siguro sa loob. Hahaaay. kelan ko uli kaya siya makikita?

"Tara na sis! Nagtext na si Mama. Uwi na daw tayo agad after ng duty."  

 "Tara na! Ikaw lang naman ang inaantay kong matapos mag endorse." 

Di pa din mawala sa isip ko yung gwapo niyang mukha. Masyado ata akong nastar-struck sa nakita ko kanina.

"Oi Mara.. ba't ang tahimik mo? Kanina ka pang walang imik diyan at tulala , bakit parang ang lalim ata ng iniisip mo?? Sige ka matuyuan ka ng laway. Malapit na tayo sa bahay o."  pabirong sabi ni ate

 "Ako?"

"Ay hindi. Ako. Ako ang kanina pang tahimik. haha!"

"Ate kilala mo ba yung naka-duty kanina sa delivery room? Yung lalaking balbas sarado na maputi na gwapo?" pag-iiba ko ng topic..

 "Yung nakabraces din?"   dagdag pa niya

 "Oo ate. Tumpak! siya na nga ang tinutukoy ko."

 "Aha! Sus. Kaya ba kanina ka pang tahimik e iniisip mo siya? Nacucurious ka sa kanya ano?hahaha!"

Di na lang ako umimik pero parang nafifeel ko na kung saan patutungo ang usapang ito.hahaha! 

"Bakit natahimik ka? May dapat ba akong malaman ha, Mara Rosebelle Amorado? Sabi na nga ba e. Mapapansin at mapapansin mo din yang si Ace Ornales. Alam mo bang pinagpapantasyahan siya sa buong ospital?Ultimong mga single na doctor ay nagkakagusto sa kanya! Wag mong sabihing dadagdag ka pa sa pila ng mga nagkakagusto dun? Oy a. Ikaw ha.Hmmm." 

"Uy hindi a! Grabe ka naman ate! Porke naitanong agad e may gusto na? Di ba pwedeng nagtaka muna at ngangayon ko lang nakita? As in bago lang sa aking paningin?" 

 "Oy a. Nangangamoy defensive ka ateng! HAHAHA! Ang dami mo na agad sinabi. E bakit parang interesado ka sa kanya?Pwede mo namang sabihin sakin kung crush mo siya e.Wala namang masama kung magka-crush ka, single ka.. single din siya. Mukha lang talagang siyang chicboy sa sobrang gwapo. "

 'Takte! Ganun ba ako ka-obvious?'

 "Defensive? Akooo??"

 "Ay hindi. Ako ulit. Ako."

 "Ate naman e!!"

 "Ang sarap mo talagang inisin! hahaha"

"Oo na. Aamin na ako. Crush ko nga si Ace. hehehe. Wag ka maingay ate ah. "

"Ayun. E di umamin ka din. Haha. Oo naman. Your secret is safe with me my little sissy.Promise!"

_____________________________________________________________________

Ayos ba so far? First story ko ito.. Haha!

Please vote,comment and be a fan!. Thanks! ♥

-Say You Like Me- (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon