"Hoy! Hoy, gumising ka! Putik... LYN!"
"Ha?! Bakit?! Anong nangyari?!" napatalon ako sa upuan ko nang sinigawan ako ni Mau sa tenga ko.
"Andyan na si Sir!" pasigaw na sabi ni Mau.
"Hala, asaan?!" kinakabahang tanong ko habang iniikot ang mata ko sa room. Ha? Asaan? Niloloko ata ako ni Mau eh!
"Putik, ala naman eh!" tinulak ko ang mukha niya. Tinawanan niya lang ako at umupo sa upuan niya.
"Hindi ka ba nakatulog kagabi?" nagtatakang tanong ni Mau at tinaasan ako ng kilay.
"Hindi masyado eh. Nagkasakit kasi Yuan tapos wala pa si Mama kasi nagover-time sa trabaho. Kaya ako yung nag-asikaso sa kanya" sabi ko habang nag-iinat.
"Ay kawawa naman! Okay na siya ngayon?" nag-aalalang tanong sa akin ni Mau.
"Medyo okay na siya, hindi naman masyadong malala yung sakit niya pero masakit pa daw ulo" sabi ko naman. Pano ba naman kasi, nagpaulan 'tong si Yuan nung nakaraan. Yan tuloy nagkasakit siya.
"Ahh buti naman, sana um-okay na siya!" nginitian ako ni Mau. Tumango ako at matutulog sana ulit. Bwisit kasi 'tong si Mau, kitang tulog ako kanina tas ginising pa ako!
"Putik ka, matutulog ka ulit?" tinaasan niya ako ng kilay.
"Oo, pano ba naman kasi may GUMISING sa akin habang natutulog ako kanina" pang-aasar ko sa kanya.
"Sorry na" tinawanan niya ako. "Pero mamaya ka na matulog!" pagbabawal niya sa akin.
"At bakit naman?" tinaasan ko siya ng kilay.
"Tanga! Andyan na si Sir eh!" inirapan niya ako at inayos ang pag-upo niya. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at agad-agad namang tinignan kung andyan na nga si Sir. Andyan na nga! Buti nalang at papasok palang siya at hindi ako naabutang tulog.
"Good Morning Class!" bati ni Sir sa amin at nagpunta sa teacher's desk. Last class na namin yun kaya naman makakauwi na ako pagkatapos at makakatulog.
Hindi ako masyadong maka-focus sa lesson namin dahil nga inaantok ako pero buti nalang ay walang masyadong tanong si Sir.
"Okay Class, that's all for today's lesson! Thank you for listening and I'll see you tomorrow!" pagpapaalam ni Sir sa amin.
"Goodbye, Sir Diaz!" sabay-sabay na sabi namin kay Sir. Tinanguan niya lang kami at umalis na ng classroom. Kinuha ko na din ang bag ko para umuwi na.
"Tara na!" sabi ni Mau sa akin na nakasuot na ang backpack. Palagi kasi kaming sabay paglabas ng room kapag uwian na pero nagkakahiwalay din kami dahil magkaiba ang dinadaanan namin pauwi.
"Bili tayo kwek-kwek sa labas!" aya ni Mau sa akin habang naglalakad kami sa hallway.
"Ikaw nalang, gusto ko nang umuwi at bumagsak sa kama ko" sabi ko sa kanya at napahikab pa.
"Dali na! Ilibre mo 'ko!" pangungulit niya sa akin habang nakahawak sa braso ko.
"Ayoko nga! Tsaka bakit kita ililibre? Ano ka, gold?" tinaasan ko siya ng isang kilay. Sumimangot lang siya at inirapan ako.
"Nilibre naman kita nung nakaraan ah! Bawi mo na 'to sa akin!" pangungulit niya padin sa akin.
"Sa susunod nalang kita ililibre." sabi ko naman. Ito talaga 'tong babaeng 'to, kung kelan gustong-gusto ko nang umuwi tsaka dun pa magpapalibre sa akin!
"Sige na! Pleasee?" hindi niya padin ako tinigilan. Napabuntong-hininga nalang ako at tumango. Alam ko namang hindi niya ako lulubayan hangga't hindi ako pumapayag.
BINABASA MO ANG
She's Falling In Love
RomantikPara kay Lyn Gabriella Lopez, walang ginagawa ang love kundi sirain ang pagkatao mo. Ayaw niyang ma-inlove dahil alam niya na masasaktan lang siya kapag nagmahal siya. Ngunit nagbago ang lahat ng makilala niya si Milo Mariano. Matututo na ba siyang...