"Nakauwi na ako!" masayang sabi ni Mama pagkapasok sa bahay. Agad naman kaming tumayo ni Yuan mula sa sofa para magmano sa kanya.
"Musta trabaho, Ma?"
"Okay lang naman, wala namang masyadong pinagawa. Kayo? Ayos lang ba kayo ni Yuan, Gab?"
Gab ang tawag sa akin ni Mama, pati na rin ang mga kamag-anak namin. Mula yun sa pangalan kong Gabriella. Simula bata pa ako yun talaga ang tawag sa akin pero nung nagsimula ako ng pag-aaral, Lyn ang tinatawag ng mga kaklase ko sa akin.
"Ayos lang po, Ma" nakangiting sabi ko kay Mama. Hindi ko na kinwento ang nangyari kanina dahil ayokong mag-alala pa si Mama.
"Buti naman, ayokong may mangyari sa dalawang mababait kong anak!" napatawa na lang ako kay Mama at kinuha ang mga gamit niya.
Nilagay ko nalang ang mga gamit ni Mama sa lamesa sa sala at nagpunta na sa kusina para maghain ng hapunan.
"Oi, oi! Ako na 'dyan, maupo ka nalang sa lamesa. Yuan, tulungan mo ako" biglang sabi ni Mama ng makita akong naghahain.
"Hindi Ma, okay na po. Ako nalang-" napatigil ako sa pagsasalita ng makita ang tingin sa akin ni Mama. Agad kong nilagay ang mangkok na pinaglagayan ng ulam sa counter at pumunta agad sa lamesa para umupo.
"Yan, upo ka lang 'dyan. Ikaw na nga nagluto ng hapunan, ikaw pa maghahain." hindi nalang ako sumagot dahil baka pagsabihan nanaman ako ni Mama na dapat unahin ko din ang sarili ko at magpahinga din ako.
Bukal naman sa loob ko na tumulong kay Mama. Kahit mapagod man ako kakagawa ng gawaing bahay at pag-aalaga kay Yuan at Mama, ayos lang iyon basta't hindi ko makitang sumusuko at napapagod si Mama. Ayokong isipin niya na napakamakasarili ko at hindi ko sila iniintindi ni Yuan, gusto ko ding ibalik kay Mama ang lahat ng nagawa niya para sa amin ni Yuan.
"Ang sarap ate!" nakangiting sabi ni Yuan ng matikman yung niluto ko.
"Mas masarap pa sa luto ko?" pang-aasar ni Mama.
"Ah... S-syempre Mama mas masarap luto mo!" mautal-utal pa na sabi ni Yuan.
"Sus ito naman!" tumatawang sabi ni Mama.
"Mas masarap luto ko 'no? Ate mo ata 'to!" sarkastikong sabi ko.
"Hindi ah, mas masarap kaya luto ni Mam-" naputol ang sasabihin ni Yuan ng may kumatok sa pinto.
"O sige na, kumain na kayo! Tignan ko lang kung sino yung kumatok" tumayo si Mama at naglakad papunta sa pinto.
"Weh? Mas masarap luto ni Mama?" pang-aasar ko kay Yuan. Hindi siya agad nakasagot parang nagdadalawang-isip pa.
"Ito naman, joke lang!" tumatawang sabi ko.
"Kain ka ng kain diyan, naghugas ka na ba ng kamay?"
"Eh, ano ate... Yaan mo na! Kahit naman po 'di ako maghugas ng kamay kakain pa din ako, ala naman po akong virus!" nagdadahilan pa siya.
"Nako wag ka diyan, maghugas ka ng kamay!"
"Yoko ate! Ayos na yan, kumakain na din naman ako eh!"
"Tumigil ka, maghugas ka ng kamay dun wag ka na magdahilan!"
"Yoko ate!" pangungulit niya pa din.
"Ayaw mo ah..."
"Opo, ito na ate!" agad siyang tumayo para maghugas ng kamay ng makitang kikilitiin ko siya.
"Maghuhugas ka din naman pala ng kamay, dami mo pang dahilan!" sarkastikong sabi ko at kumain nalang ulit.
BINABASA MO ANG
She's Falling In Love
RomansaPara kay Lyn Gabriella Lopez, walang ginagawa ang love kundi sirain ang pagkatao mo. Ayaw niyang ma-inlove dahil alam niya na masasaktan lang siya kapag nagmahal siya. Ngunit nagbago ang lahat ng makilala niya si Milo Mariano. Matututo na ba siyang...