Chapter 6

15 2 16
                                    

MILO'S POV

"Kunin ko lang yung tubigan ko!" sabi ko sa mga kaibigan ko at umalis na ng canteen.

Umakyat ako sa 3rd Floor kung nasaan ang classroom ko para kunin doon ang tubigan ko. Hindi ako mahilig sa mga juice o yakult, tubig lang ay sapat na para sa akin.

Nang palapit na ako sa classroom namin ay napahinto ako ng may makitang tinulak na babae sa sahig sa labas ng banyo. Malapit lang ang classroom namin mula sa banyo, isang classroom lang ang layo.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako gumagalaw at nakatigil lang. Para bang nakadikit ang paa ko sa sahig.

Nanlaki ang mga mata ko ng itapon ng isa sa tatlong babae na nakatayo ang lunchbox sa ulo ng babaeng nasa sahig. Ang paa ko ay biglang naalis sa pagkadikit, tumakbo kaagad ako papalapit sa kanila.

"Hoy! Anong ginagawa niyo?!" pasigaw na sabi ko, nakasalubong ang kilay.

Agad tumakbo ang tatlong babae pababa ng hagdan. Naiwan nalang ang babae sa sahig. Napa-upo nalang siya, nakaluhod ang dalawang paa. Kinuha niya ang lunchbox niya at inayos iyon. Ni wala lang man siyang pakielam sa pagkaing naitapon sa buhok niya.

Napahinto ako sa harapan niya, ngunit hindi niya ako tinignan. Abala siya sa pag-ayos ng lunchbox niya at paglinis ng pagkain na natapon sa sahig.

Nagulat nalang ako ng may luhang tumulo mula sa mga mata niya. Nakatali ang buhok niya kaya agad kong nakita iyon.

"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko. Napatigil siya sa pag-ayos ng lunchbox at napatingin sa akin.

Ngumiti siya at tumango, sa pag-ngiti niya ay sabay pagtulo ng luha mula sa dalawa niyang mata.

Hindi ko alam kung bakit, pero parang may tumusok sa puso ko pagkangiti niya.

Agad akong napa-upo sa sahig at tinulungan siya sa pagligpit ng lunchbox. Hindi pa din niya tinatanggal ang natapon na pagkain sa ulo niya kaya't ako na ang nagtanggal nun.

Napatingin siya saglit sa akin ng gawin ko iyon ngunit agad ding bumalik sa pag-aayos ng lunchbox. Halos lahat ng laman ng lunchbox ay natapon, kalat-kalat na ang mga kanin at ulam na natapon sa sahig.

Naramdaman ko na nakatingin sa amin ang mga natirang tao sa classroom na katabi ng banyo.

Bakit kaya ganto ang mga tao? Nakikita nila na may nasaktan pero hindi lang man sila naglaan ng oras para tumulong. Ang sakit pala ng realidad.

"Wala ka bang sugat?" tanong ko habang nililigpit pa din ang mga kanin at pagkain na  nasa sahig. Umiling lang siya.

"Ayos ka lang ba talaga?" dagdag ko pang tanong. Tumango lang siya. Ayaw niyang magsalita.

Nang matapos naming iligpit ang lunchbox at ang mga natapong pagkain sa sahig ay tumayo na siya.

"Y-you." ayun nalang ang narinig kong sinabi niya sa sobrang hina ng boses niya bago siya umalis.

"Wai-"

"Ilo!" narinig ko ang boses ni Arkhin kaya't napalingon agad ako sa likod ko. Nakita ko siya sa may hagdan, hinahanap ako.

Kumaway nalang ako para makita niya ako.

Yung tubigan ko nga pala! Nakalimutan ko na kunin! Kung ano pa ang pinunta ko dito sa 3rd floor, ayun pa ang makakalimutan ko.

Nagpatuloy lang ang araw ko kasama ang mga kaibigan ko. Hindi ko na nakita yung babae yun pagkatapos ng pangyayaring yun. Bigla nalang siyang nawala na parang bula. Inisip ko nalang na nagsumbong siya sa Mama niya o sa teacher niya at nagtransfer.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 07, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She's Falling In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon