Ang Simula
Ang buong barkada nila ay masaya dahil sa wakas ay nakarating na rin sila sa rest house nila Mike.
Pero hindi naman napigilan ni Dan ang kanyang pantog at pagbaba nya sa van ay agad siyang tumakbo papunta sa gubat.
"Dan, balik ka agad! Yung mga gamit mo! Walang magdadala niyan para sayo!"
"Oo na!"
Matiwasay na nakaihi si Dan. Pakiramdam niya ay nalabas niya lahat ng sama ng loob niya. Sinarado na niya ang zipper niya at aalis na sana siya. Sa pagtalikod niya sa punong inihi-an ay may humawak sa braso niya. At nagsimula ng tumaas ang mga balahibo ni Dan. Paglingon niya ay nagulat siya sa nakita at lumaki ng mata niya sa sobrang gulat.
***
"Chriss, nakita mo ba si Dan?" Tanong ni Ban dahil kanina pa niya hinahanap ang kakambal.
"Hindi eh. Diba dumeretso siya sa gubat? Eh yung mga gamit niya?"
"Ewan ko ba dun. Sabi niya iihi lang siya eh. Kukunin ko pa nga yung mga gamit niya. Ipapasok ko nalang. Kahit kailan talaga 'tong si Dan"
"Sige, samahan na nga kita."
Habang naglalakad ang dalawang dalaga, pagdaan nila sa mini bridge ay madaming petals ng black rose na nakakalat sa daanan.
"Wow black rose!" Manghang mangha naman si Chrissy sa nakita dahil gustong gusto niya ang mga kulay itim, puti at pula.
"Chris, tumigil ma na nga. Wala naman 'to kanina diba?"
"Ban, malay mo pakulo lang yan ni Kent. Nagsisimula na. Hahahaha" Tumawa naman si Chris na malademonyong tawa.
"Chrissy! Ano ba yan! Tumigil ka nga. Dali kunin nalang natin ang mga gamit ni Dan."
Binilisan naman ni Ban ang paglalakad dahil nagsimula na siyang kabahan. Dali-dali binuksan ng dalaga ang back door ng van.
Gulat na gulat si Ban sa nakita at nanlaki ng mata nito hbang nakatayo lang at tulala parin. Hindi siya makagalaw. Para bang pinako siya sa kanyang kinatatayu-an. Nagtaka naman si Chris kung anong nangyari sa kaibigan at sinilip niya ito. Nakita niya itong gulat na nakatitig sa kung ano man ang nasa harapan nito.
"Ban, ano yan?"
Pinuntahan niya ito at nakita niya ang katawan ni Dan na nakaupo pero dugu-an habang hawak-hawak niya ang kaniyang mga gamit. Napasigaw naman ng malakas si Chrissy at dahil dito nabulabok ang mga tao sa loob ng bahay at mabilis na lumabas ang lahat.
______________Yo guys. Nakapag UD din Ama back