Slaughter 3

76 3 0
                                    

On our way to HELL.

Kent's POV

Okey na ang lahat. Napakasaya na namin. Sa wakas okey na si Chris pero di parin alam ng barkada yung nangyari sa kanya. Mabuti nalang din yun kasi baka pag nalaman nila, paghinalaan nila kami. Mahirap na. Bahala na nga! Basta masaya lang dapat ngayon. Outing ng barkada eh.

"Oh Mike, are you sure okey na lahat dun? Natawagan mo na ba ang kapatid mo?" Nakapagtataka. KAPATID? Sino? Wala namang kapatid si Mike.

"Excuse me. Tita, ano, sino pong kapatid?" Tanong ni Dan kay tita Michaela

"Hindi ba nasabi sa inyo ni Mike?"

Umiling kami. May kapatid si Mike? Pero bakit hindi niya sinabi sa amin? Sabagay, normal lang naman iyan. Ganyan naman talaga. Hindi maiiwasang magsinungaling. Lahat naman talaga ng tao may tinatagong kasinungalingan. Buti nalang at maingat ako.

"Well---" Sasabihin na sana ni tita kaso pinigilan sya ni Mike.

"Mom, SHUT UP! Tara na guys. Bilisan natin. Baka gabihin pa tayo sa daan."

"Uyy, ano problema mo?" Nagtataka parin si Chris at halatang nag wo-worry sya kay Mike.

Buti pa si Mike...

"Wala. Sakay na." At pumeke sya ng ngiti.

"Nasa kalagitnaan na kami ng byahe Pero wala paring umiimik. Tila ba may ilingan kami sa isa't-isa. Ayaw rin naming tanungin si Mike tungkol kanina. Kasi alam naming magagalit lang sya. Siguro mamaya nalang pagdating namin sa resort.

"Ayynako guys! Nagugutom na ako! May pagkainan dun oh! Baba muna tayo." Pambasag naman ni Dan sa katahimikang tinatamasa namin ngayon.

Dan's POV

Kita mo 'tong mga taong 'to. Hindi nagsasalita. Parang ako nga lang ang nakakaramdam ng gutom dito eh. Kung di pa ako nagsalita, malamang patay na kaming lahat sa gutom. -_-

***

"Ang sarap ng pagkain dito! Mike mag take-out tayo ah? Para mamaya." Pakiusap ni Ban.

"Sige. Ikaw bahala." Walang expresyong sabi ni Mike

Kita mo 'to. Parang kanina lang, antahimik nila na tila ba naubusan sila ng mga salitang sasabihin. Tas ngayon kung chit-chat sila, akala mo walang nangyari kanina. Wagas maka moodswing dre.

"Ate tindera! Take out po nito. Tatlong serve po."

"Gawin mo ng lima. Sa tatlo kasi, parang kay Dan lang yan."

"Oh? Ako na naman nakita nyo? Tahimik na nga lang akong kumakain dito."

"Yun na nga eh. Sa katakawan mo, ubos mo na yung isang bowl ng bulalo."

Hala! Naubos ko nga. Ganun na ba talaga ako katakaw?

"Oo! Ganun ka katakaw!" Sigaaw ni Chris sabay tapon sakin nung malaking buto ng bulalo."

"Pagkain yan! Di yan tinatapon!"

"Alam ko!" Wala talagang respeto 'tong babaeng 'to.

Third Person's POV

Masayang-masaya ang buong barkada. Para bang wala silang kaproble-problema. Habang sila ay nagsisiyahan sa ALING BARNARA BALBACUA, ang hindi nila alam ay may nagmamasid na sa kanila.

"Naalala ko nuon ang pangit pa ni Ban. Ngayon may Mike na." At tinawanan lang nilang lahat si Ban.

"Excuse me?!" Pagalit na sabi ni Ban.

"Ayy excuse me din ho ma'am. Eh may nag padala ho ng regalo para sa iyo." Agad na iniabot ng Ale ang box kay Chris.

"Kanino daw ho galing?" Pagtatakang taong ni Chrissy

"Aba'y hindi ko naitanong ineng. Basta daw eh nagagandahan sa iyo."

"Ahh, ganun po ba? Sige. Maraming salamat nalang po."

Natapos na ang barkada sa pagkain. Agad din silang imalis paea hindi maabutan ng gabi. Masaya silang bumyahe at hindi parin nabubuksan ni Chrissy ang box.

-
Hi guys! :D Kakaopen ko lang ng aking cover shop. Feel free to request :) Spread the blood

Slaughter HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon