Trauma
Ban's POV
Masyado ng masakit ang ulo ko. Kailangan ko na talagang magpatingin sa doktor.
"Dan, alis muna ako"
"San ka pupunta?"
"Sa doktor. Masyado ng masakit ang ulo ko. Kailangan ko ng magpatingin."
"Sama ako!"
"Wag na. Dito ka lang. Walang bantay ang bahay tsaka dagdag ka lang sa sakit ng ulo."
"Eto talaga! Sige, uwi ka agad."
***
"Dok, ipamukha mo na sakin lahat. Pangit ako, matapobre, hindi mabait, etc. Pero wag namang ganito. Buong buhay ko, iningatan ko ang kalusugan ko!"
"I'm really sorry Miss Alvares. Pwede ka namang humingi ng second opinion sabibang doktor. Baka sakaling magkahimala."
"Hell yeah! Himala! Big word! San ako kukuha nun?! Excuse me, I need to go!"
Hindi pwede 'to! Kung ganito rin lang naman, EDI SAMA-SAMA NA TAYO!!!
Third Person's POV
Habang naglalakad si Ban sa hallway ng ospital, nakita nya si Chrissy sa labas ng Operating Room, umiiyak.
"My Gosh, Chris! What are you doing here? Why are you crying? Alam na ba 'to ni Kent?"
Umiling si Chrissy. Hindi mapakali si Ban dahil nag-aalala sya kay Chrissy.
Kinuha niya ang kanyang cellphone at nagdial ng number ni Kent. "Gosh Kent! Answer the phone!"
Hindi nagtagal ay sinagot din ni Kent ang telepono.
"Kent, nasan ka? Punta ka agad dito sa St.Luke's. Chrissy is here. Teka, alam mo na ba?"
"Oo alam ko na. I'm on my way. Please comfort her Ban."
"I will"
"Ano ba talaga ang nangyari Chris?"
Pagkatanong ng dalaga ay mas lumakas ang iyak ni Chrissy. Mas bumuhos ng malakas ang kanyang mga luha.
Ilang minuto ang lumipas ay dumating din si Kent.
"Chris! Jusko. Okey ka lang ba?"
Hinila ni Ban si Kent at tinanong ito kung ano talaga ang nangyari.
"Kent! Ano ba talagang nangyari? Ngayon ko lang nakitang ganyan si Chris."
"Yung kapit-bahay daw kasi namin. Hinabol nya yung magnanakaw. Nag-away sila ng magnanakaw sa kalye. Kung kailan babarilin na ng magnanakaw yung kapit-bahay namin, sa kasamaang palad binuksan ni Chris yung harapang pinto ng bahay kasi akala nya kung ano na ang nangyari, kaya ayun. Kitang-kita ni Chris yung pagbaril. Sa mismong harapan nya binaril.nakita sya ng mga pulis na nakatulala lang parin kaya minabuti nilang isama si Chris dito para ipatingin sa psychiatrist at kunan ng pahayag tungkol sa nangyari.
"Shxt! That's why i hate guns. Napatingin na ba sya?"
"Wala pa. Hihintayin ko pa."
"Sige Kent. Take care of her. May pupuntahan pa kasi ako. Just update me at ang barkada."
"No, please. Sana hindi 'to malaman ng barkada. Ayaw ko kasing mag-alala sila."
"Okey. Ingat"
"Sige."
-
Hi :D thank you sa pagbabasa. Abang-abang sa next UD. ;) Spread the blood!Vote Comment Share
