Chapter 1

53 4 2
                                    

SARAH'S POV

"Waaaah...."

"College's days"

"Excited na ako, pasukan na bukas." Dahil sa sobrang excited ko sa unang araw ng pasukan maaga ako gumising para mgprepare ng gamit ko. Nakahanda na ang bagong bago kong uniforme.

"Hmmp!! ang ganda ganda  ng uniform ko". Nasambit ko na lang sa sarili ko habang may ngiti sa aking mga labi.

6:30am palang umalis na ako ng bahay at dahil medyo malapit lang naman ang bahay namin 2 sakay lang at makakarating na ako sa school.  10mins lang nasa bayan na ako lalo na kapag ang nasakyan mo ay parang hari ng daan. Hindi maalis ang ngiti sa mukha ko habang naglalakad papalapit sa school at natatanaw ko ang malaking pangalan ng school. Hindi ko akalain makakapasok ako sa ganitong kagandang unibersidad. Grades school palang ako dito ko na pinagarap magaral kaso hindi afford ng parents ko. Kaya sa public ako nagaral. Pero pinagsikapan ko maging top honor at pinalad naman dahil ako ang naging validictorian ng aming paaralan. Sinikap ko talaga yun para makuha ko lahat ng award at scholarship na makukuha ko para makapag aral lang ako dito sa paaralang ito.

" Anderson University." Tanging nasambit ko ng matanaw ko ang gate ng unibersidad ng may ngiti sa labi ko. Dito na ako sa gate ng university at medyo nghahalo n ng emosyon ang nararamdamn ko Kinakabahan ako. 

"First day of school .. Heto na ang simula ko. Magiging isa akong magaling  na Enhinyero. I take Computer Engeneering . " Di ko alam bakit yan ang kinuha ko. Siguro na enganyo ako ng mga ng career sa amin nung highschool ako. Basta alam ko kaya ko kaya ko. Makakatpos ako. Paliwanag ko sa sarili ko habang tatango tango pa.

Ngunit pagpasok ko ng gate. Ang malaking ngiti ko ay napalitan ng hindi kaaya ayang emosyon, nang makita ko ang mga freshman na kagaya ko. Tila mamatay ako sa sobrang hiya at lahat ng atensyon nila ay nasa akin. Hindi ko maiwasang mahiya at pakiramdam ko nangiinit ang buo kong katawan hindi ko maintindihan ang gagawin ko kasi lahat ng mga mata nila sa akin nakatingin. Marami sa kanila ay natatawa  kasi  first day of school AKO lang ang nakauniform. NAKAKAHIYA!!!!

"Goodmorning freshman!  Welcome here in Anderson University, you may get your  schedule in the admin. "

Narinig ko na lang n may ng announce. At nakapukaw ng aking attention at kahit na nga nahihiya pa ako. Wala ako nagawa. 'Ano bang magagawa ko,  andito n ako. Ok lang to. Pangungumbinse ko sa sarili ko. "Tss.Hay nakakahiya" sabay hampas ko nlang ang noo ko.

By the way ako nga pala si Sara Agustin. Isang pangkaraniwang babae lang. Hindi mayaman at umaasa lang sa scholar kayat sinuwerting makapsok sa isang magandang unibersidad tulad nito. Medyo boyish ako pero straight girl po ako medyo sa atittude ko lang. Cguro kaya NBSB ako. Hindi ko pa nararanasan ibigin ewan ko ba. Takot siguro ang mga lalaki sa akin. Sabagay nakakatakot naman siguro talaga ako kapag may bumibiro sa akin sinusuntok ko agad. Hindi man ako ganong kaganda pero alam kung kahit papano ay maganda naman ako. Pero meron naman ako nagugustuhan kaso hindi nya ako napapansin. Ang bestfriend ko, Si Luke Andrei Gil. Isa rin sa dahilan kaya andito ako kasi dito sya magkakacollege. Napakagwapo at maamo ang mukha nya basketball player. Sa daming babae nagkagusto sa kanya at ang daming naging girlfriend pero wala syang seneryoso. Ganyan sya kalupit pero kahit alam ko n ganun sya GUSTO KO SYA. Walang nakapagbago nun.

"Hay asan ba ung lalaking yun. " Sambit ko habang palinga linga at hinahanap si Luke. 

"'Hoy Sarah!"

"Luke.." Abot ngiti kong tawag sa kanya.

"Nakauniform ka! Super excited ka ata." Manghang sambit nya sa akin pero makikita mo ang pigil na tawa sa kanya mukha. Hanggang sa hindi na nya napigilang ibulalas ang tawa nya.

Stranger's When We MetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon