UL: What the?!

62 1 0
                                    

"Ako na, mabigat yan box" sabi ni Mico. Tama kayo ng basa. MICO. Silang Pito ay nandito ngayon sa bahay namin. Ang babait nga eh, sa harap ni Dad. Kainis. Wala daw kasi silang gagawin ngayong Weekend, kaya tutulong na lang daw sila sa'amin sa pag-aayos ng bahay.

Dalawang araw na rin kaming nakalipat dito. Grabe lang, ang laki ng bahay! Eh, dalawa lang naman kami ni Dad, plus our maids and yung dalawang driver namin.

"Ang laki ng bahay niyo, Cara. Magkakakitaan pa kaya kayo ni Tito Carl nyan? Haha!" Sabi ni Andrew. O.A nga tumawa eh, akala mo wala nang bukas. Para tuloy siyang baliw. Umiling na lang ako at patuloy na inaayos ang mga damit ko sa walk-in-closet ko. Sosyala dibuh? Haha! Nandito din sila Chelsea at Sofia para tumulong sa pag-aayos, buti na lang nandito si Sofia ang fashionista. Ano konek sa pag-aayos ng walk-in-closet ko? Wala lang, sinasabi ko lang.

Maya maya pa tinawag na kami ng maid namin kasi nandyan na daw yung pina-deliver ni Dad na pizza. YES! Kakain na din. Nakakapagod kaya mag-ayos. Punta sa kwarto punta sa closet. Hay!

"Boys, thankyou sa pag tulong niyo ha? Ang babait niyong mga bata" Sabi ni Dad kela Nathan.
"No problem, Tito. Sigaw mo lang pangalan namin, magugulat kanalang nasa tabi mo na kami." Pag bibiro ni Andrew. Ang corny kaya.
"Bantayan niyo parati yang si Cara ha?" -Dad
"Yes, Tito." Sagot nila.
"So? I better start working again. Have fun here." Sabi ni Dad at umakyat na papunta sa office niya.

"OY, Cara! Tour mo naman kami. Bisita mo naman kami eh." Sabi ni Shane. Ang laki kaya ng bahay namin, tapos tour pa ang gusto? Kelan pa ako naging tour guide? Huhu!
Imagine, we have five floors in our house. Ang lawak pa naman bawat floor. Huhu!

Inuna ko ang ground floor, which is, nandun yung garahe, pool and yung garden. At dahil nga malaki ang bahay namin, hiwa-hiwalay pa sila. Kapagod. Enjoy naman sila sa may Pool area kasi nandun yung Treehouse, ang cool daw.
Umakyat kami sa first floor, syempre nandun yung Kitchen, Dinning Area, Living room and maids room tsaka yung kwarto na din nung mga driver.

"Grabe, pang sampu-an yung upuan niyo sa Dinning room. Yung totoo?" Singit ni Chelsea. Di ko na lang pinansin at dumiretso kami sa Second floor. Parang fieldtrip lang. Lol.

Syempre nandito yung malaki kong kwarto, walk-in-closet, library/study room, office ni Dad, Masters bedroom at tatlong guest rooms. Cool right? Ewan ko ba, gusto na ata tumira ni Sofia sa walk-in-closet ko, ang dami ko daw damit. Haha! At eto na, natuwa talaga sila nung umakyat kami sa third floor. Nandito kasi sa Third floor yung play room. Dalawang kwarto meron dito. Pero naka lock eh, bodega ata. Syempre sa play room, di mawawala yung xbox, guitar hero, yung mga ps4 at iba't iba pang pedeng laruin. Then finally, grabe! Haggard yung beauty ko. Fourth floor! Sakop buong floor, Mini movie theather namin. At dahil pagod na nga ako, di na kami umakyat ng fifth floor kasi syempre rooftop na yun.

Kaya nagpasya na lang kami na mag movie marathon na lang sa mini theater namin. Conjuring lang ang pinanuod namin. Yung boys naman parang ewan lang, TAWA ng TAWA. Kame namang tatlo sa likod ayun kulang na lang wag na kaming manuod sa sobrang pag tatakip ng unan sa harap namin.

Buti nga itong SouthVille nakuha ni Daddy eh, imagine, sobrang coincidence! Kasi dito din nakatira sila Chelsea, Sofia tsaka si Zyden.

Pagkatapos nung movie, nagkayayaan na sila umuwi. Kaya hinatid ko na sila sa labas.
"Nakakapagod naman bumaba, daming hagdan!" Reklamo ni Bulldog
"Kung mag rereklamo ka Nathan, wag kanang pumunta dito ha?" Sabi ko. Napa "Woah" naman sila. Buset. Di lang naman siya napapagod umakyat at bumaba. Pag pasok ko ulit ng bahay napatitig nanaman ako sa hagdan, hays. Akyat again.

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now