UL: Confession

57 1 3
                                    

CARA's POV

Fudge, ang sakit ng ulo ko. Ano bang nangyare kagabi? Tumayo ako sa kama at humarap sa salamin... Teka, nasaan ako? Ay bago na pala bahay namin... Pero hindi ganito kwarto ko. Shiz. Nasaan ako?! Ang huling naaalala ko kagabi ay.. Boses na lang ni Nathan ang narinig ko at sinakay sa kotse. NASA BAHAY NILA AKO? What the..

Nag ayos ako ng sarili ko at pumasok sa CR, may damit kasi na nakalagay sa ibabaw ng study table, pati towel.

After I bathed myself, naamoy ko yung damit, smells like nathan. Err! No choice, kailangan kong maligo. Ang laki pa ng damit niya, pfft!

Lumabas ako ng kwarto at wala namang ka tao tao sa hallway. Baba na sana ako ng may bumukas na pinto.

"Where are you going?" Tanong niya. Nasa bahay nga nila ako.

"Ah.. Kasi, ahm. Di ko alam kung ano. Eh.." Napakamot ako sa ulo ko, ba't nga ba kasi ako baba? Nag smirk lang siya sa'akin. Bigla namang tumunog yung tyan ko. Oo na, gutom ako kaya ako baba. LUPA KAININ MO AKO! NAKAKAHIYA. He chuckled at umiling iling tapos bumaba siya, kaya sinundan ko siya.

Pag dating namin sa dinning area nag bebreakfast yung family. Nakakahiya, ako lang hindi pamilya dito. Sasabay na lang ako sa katulong nila.

"Good morning po!" Bati ko at akmang aakyat.

"Where are you going, Keithlyn? Join us for breakfast." Naka ngising sabi ni Tita Celine. OMG! Ang ganda talaga ni Tita Celine. Tinignan ko naman yung daddy ni Nathan nakangiti din siya sa'akin.

Pag upo ko, kulang na lang maging hugis puso yung mga mata ko sa sobrang daming pag pipilian ng breakfast. Buti pa sila dito, ang daming pagkain tuwing breakfast. Huhu!

"Inarte ka pa. Gusto mo pa si Mama mag-aya sa'yo kumain." Sabi ni Bulldog at nag smirk ulit. ANO BANG PROBLEMA AT SMIRK SIYA NG SMIRK? Tss.

"So, you're Carl's daughter, right?" Tanong sa'akin ng dad ni Nathan.

"Yes, Sir" -ako

"Call me Tito John." Sabi ni 'tito john' ang creepy lang ng ngiti niya. Mukha kasi siyang terror tas ngingiti. Hoho!

"Hi, Keithlyn! I'm Narielle, you can call me Ate Elle. I'm Nathan's big sis." Sabi ni 'ate elle'. Mukhang ang hyper niya naman.

"So, Nathan... How was the bar last night?" Tanong ng Tito John kay Bulldog.

"Malakas siya kagabi." Plain na sagot ni Nathan. Wala manlang 'po' tss.

"I have to go, madami pa akong aasikasuhin sa office. Bye Honey, bye kids." Sabi ni Tito John. "Kamustahin mo na lang ako kay Carl, okay?" Habol ni Tito John at umalis na rin. Lumapit naman na yung mga maids at isa isang kinuha yung mga tira, yung twins naman umakyat na. Nag paalam na rin si Ate Elle na papasok na sa Work. At ihahatid na rin ako ni Nathan sa bahay.

"You know what, kung makikita mo lang sarili mo last night? You'll surely laugh.." Sabi niya at tumawa. Hinayaan ko na lang siyang tumawa, MINSAN ko lang siyang makita na tumawa no. Speaking of last night..

"What happened last night? Ang alam ko wala ka dun sa bar na pinuntahan ko." -Ako.

"Tss, syempre nandun ako." -Nathan

"So you're stalking me, huh?" Sabi ko. Sa sobrang tawa niya napa-busina siya. Lol.

"Me? Stalking you? Are you insane? Sa pag kakaalam ko, BAR ko yun." Weh? BAR niya yun? What the heck! Di ko manlang alam na may bar siya. Plus he's too young to own a freaking bar!

Unexpected LoveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora