UL: Warned

82 2 1
                                    

Weeks have passed and Darwin's still the same. Araw-araw niya akong sinusundo sa bahay, kung hindi naman, parati siyang may surprise sa'akin. Like pag pasok ko sa room may chocolates or flowers na sa Table ko. Ang sweet niya lang. Ideal guy siya. And hindi pa din kame okay ni Dad.

"Good morning!" Biglang sulpot ni Bulldog habang nasa garden ako ng building namin. "May kasalanan ka sa'akin. And because of that dadagdagan ko pa ng isa pang buwan ang deal natin. Don't ignore my calls and texts kundi' madadagdagan nanaman to ng isa pang buwan." Bulong niya sa'akin. Nakakataas ng balahibo ah.

"Pero-" naputol ang sasabihin ko.

"Wala ng pero pero." Putol niya saakin

"Nathan naman! Mag kakaron na ako ng boyfriend, tapos bigla bigla mo na lang ba akong tatawagan habang magkasama kami? That's unfair!" Protesta ko.

"I'm warning you, Cara. Layuan mo na si Darwin kung ayaw mo lang masaktan. You don't deserve him at sasaktan ka lang niya. He's a bad guy." -Nathan

"Bad guy? What do you know about him, Nathan? Wala kang alam sakanya kasi ni hindi mo nga siya kinakausap. Sasaktan ako? He's not like the other guys! Wag mo siyang itulad sa mga kaibigan mong playboys!" Sigaw ko sakanya.

"Okay! At least i warned you about darwin." Sabi niya at iniwan ako. Ano bang karapatan niyang sabihin yun? WALA SIYANG ALAM TUNGKOL KAY DARWIN! Argh! Nakita ko naman si Chelsea at Sofia palapit sa'akin.

"Bakit mag-isa kalang? Iniintay mo ba si Darwin?" Tanong ni Chelsea at inilingan ko na lang siya. Hindi ko naman talaga iniintay.

Habang nag uusap kaming magkakaibigan bigla namang may nag takip sa mga mata ko. I know it's darwin. Sukat ko lapad ng kamay niya. Joke. Nung sinabi ko ang pangalan niya, inalis niya agad yun at umupo sa tabi ko.

"Ahm, una na kami ah? Bye, Cara." Paalam nila Sofia at umalis agad.

Nag usap lang kami ng Darwin. Habang nag kw-kwento naman siya, inisip ko na wala siyang balak na saktan ako tulad ng sinabe ni Nathan sa'akin. WALA. At nakikita ko yun sa mga mata ni Darwin na sincere siya sa panliligaw niya sa'akin.

Maya-maya pa, nag pasya na siya na ihatid ako sa room ko.

Habang nasa pinto pa kami ni Darwin, nahagip ng mata ko na ang sama ng tingin sa'amin ni Nathan. Ano bang problema niya? Nung tumingin siya sa'kin iniwas niya agad ang mga mata niya sa'akin. Agad naman na akong nag paalam kay Darwin at pumasok na.

Tumabi ako kay Zyden dahil wala nang bakanteng upuan bukod dun.

"Kanina pa kayo ni Nathan di nag kikibuan. May problema ba?" Tanong ni Zyden pero hindi ako nag salita.

Dumaan ang hapon at eto ako, halos wala paring kibo sa mga naka paligid sa'akin. BAT BA KASI AFFECTED AKO SA SINABI NI NATHAN? Huhu! Kainis naman. Basta alam ko mahal ako ni Darwin di ako lolokohin ni darwin!

May pumasok na prof sa room namin dahil mayroon daw siyang ia-announce. Kaya nabaling sakanya ang attensyon ko.

"Di na ako mag-papaligoy-ligoy pa. Alam niyo naman siguro na malapit na ang College festival at obviously only for College students only. Mag lalaban ang A1 at A3 which is ang room number niyo para sa volleyball. Nasa Bullitin board na ang mga students na kasali. Isang linggo na lang rin ang natitira kaya practice practice din. And for the boys, ganon din. A1 ang kalaban niyo for Basketball, isang linggo na rin lang ang matitira, check the bullitin board for the names. And sa Bullitin board na rin naka lagay kung saang booth kayo naka-assign." Pagkatapos niyang sabihin yun, agad na din kaming na-dismiss.

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now