Chapter 16

5 1 0
                                    

"Itong babaeng 'to! Mukha lang siyang inosente, pero ang totoo, dumadaloy ang sa kaniya ang dugo ng pagkademonyo!"


Aifha is shouting like she didn't care about my feelings. Sa bawat salitang binibitawan niya ay parang pinupunit ang puso ko. She's pointing at me. A loser, an innocent, an independent woman... and a fucking child of a rapist.


Yumuko ako at tinakpan ang mukha ko habang humagulgol para lang matakpan ko ang kahihiyan ko ngayon. Pumipintig ang ulo ko... parang binibiyak ito. Ang paghinga ko ay hinahabol ko na rin dahil sa sakit ng puso ko ngayon. Too much pain to endure this time. Too much.


Ngayon ay yumabong ang galit ko sa tatay ko. Nang dahil sa kaniya ay nagkaroon kami ng miserableng buhay ni Mama. Hindi man lang ba siya nakokonsensya? Hindi man lang ba niya inisip ang kahihinatnan ng ginawa niya?


They already knew my secret, ano pa ba ang itatago ko sa kanila? They hurting me again not physically but the are slowly killing me using their words and accusations. My friends broke me in the times I gave my pure intention to them.


Ang mga bulungan sa paligid ay parang sitsit ng bubuyog na siyang pumapasok sa aking tainga. Naririnig ko kung paano nila ako insultuhin, kung paano nila ako pandirihan, kung paano nila ako akusahan dahil lang sa dugong nanalaytay sa mga ugat ko.


My father gave pain to my mother and now, he stabbed me using his past. Ako ngayon ang nahihirapan, ano bang aasahan ko? Hindi naman ako 'yung may kasalanan kung bakit ganoon ang tatay ko pero bakit ako itong pinaparusahan?


Buong buhay ko, siya na lang palagi ang dahilan kung bakit ako umiiyak, kung bakit namumugto ang mga mata ko, kung bakit ayaw sa akin ni Mama at ng ibang tao... he and his fucking sin. Kasalanan niya pero ako ako ang nagbayad.


Muling isinigaw ni Aifha ang lahat, na rapist daw si Papa, na ginahasa lang si Mama kaya ako nabuo, na itinakwil ako ng sarili kong pamilya dahil hindi ako katanggap-tanggap sa lipunang ito. Bakit... nila naisip iyon?


Hindi ako itinakwil ng pamilya ko, ako itong umalis sa pamamahay na 'yon para magparaya, hindi ko magagawang masaya roon kung sina Mama at ang binuo niyang pamilya ay hindi rin masaya sa tuwing nakikita niya ako.


My mother didn't care at me since I was young, she care for her name and their business. Ayaw nilang madungisan ang lahat kaya pinili nila akong itago. Pilit kong inintindi 'yon! Inintindi ko ang lahat na hindi dapat ako makaranas ng pangyayaring nararanasan ng mga malayang bata.


Inintindi ko naman sila... pero bakit ako, hindi nila ako kayang intindihin?


Mahirap ba 'yon? Mula noong bata ako ay gumagapang na ako para sa isang tahimik na buhay... hanggang ngayon bang matanda na ako? Hanggang kailan ko kailangang magtiis? Hanggang kailan ako maghihintay na tanggapin ako ng mga taong minamahal ko?


I don't want them to accept me completely e. All I want is for me to get their respect, I hope they respect me, even if not as their friend, they respect me as a person. Respetong hindi ko natatanggap dahil lang sa nakaraan.


I want to ask Him. Why did I live in this world if I jus have the blood of a sinner? Why else would He let me live when all I could feel was pain and sorrow? If I hadn't lived I would have been even happier.


Bakit siya pa 'yung tatay ko? Bakit hindi na lang si Papa? Sana magkapatid na lang kami ni Ghiecel sa ama, siguro ay magagawa na akong mahalin ni Mama, siguro hindi na ako sisigawan ni Papa Drieko, siguro kapag nangyari 'yon, normal na ang buhay ko.


In Time With You (MOL Series 1)Where stories live. Discover now