"We're here!!" Sigaw ni Chloe pagkababa sa sinakyan nilang Van. Ang bestfriend niya "Omg, this house is so breathtaking" kakalapag lang kanina ng eroplanong sinakyan nila papunta rito sa manila. Yung apat mukhang bukas pa dadating kasi may inasikaso sa U.S.
Tinanggal niya ang headset na nakalagay sa tenga saka bumaba ng Van at kinuha ang mga gamit nila. Tinulungan siya ng driver nila na buhatin at ilagay sa kwarto ang mga gamit nila habang abala naman si Chloe sa pagtingin-tingin ng mga bulaklak sa harden, agad nitong sinuyod ang lugar at parang hindi man lang naisipang magpahinga muna.
"Where's Sabrina, Kuya Estong?" narinig niya tanong ng kaibigan sa driver nila matapos ang ilang minutong paglilibot sa paligid. Ang mga katulong ay naghahanda ng pagkain nila.
"Why?" siya ang sumagot rito.
"Teh, look at this flowers omg" kinuha nito ang cellphone at pinakita sa kaniya ang mga litrato ng bulaklak na nakita nito sa harden kanina. "They're so beautiful right?" Kinikilig pa na dagdag nito pero nang makitang bahagya lang siyang tumango ay bumuntong-hininga ito saka nagpaalam na magsha-shower muna.
Ilang minuto ang lumipas sabay silang kumain ng hapunan ni Chloe pero wala pa rin siyang imik hanggang sa matapos sila
"Sab, is there something wrong?" Tanong ng kaibigan niya. Lumaki sila sa U.S kaya hindi ito marunong magtagalog pero nakakaintindi naman kahit konti, hindi gaya nung apat niyang kaibigan na sina Ace, Jigs, Vlex at Samantha. Hindi talaga marunong magtagalog ang mga iyon.
Umiling lang siya saka umakyat sa kwarto niya, naramdaman niyang sumunod si Chloe sa kaniya hanggang sa makapasok ito sa kwarto niya. Dumapa ito sa kama habang siya naman ay nakaupo sa isang maliit sa sofa malapit lang rin sa kama.
"Are you mad, teh?" nag-aalala nitong tanong.
Alam nitong galit siya sa ama niya pero nagtanong pa rin ito. Ang ama niya ang dahilan kung bakit nandito sila ngayon sa pilipinas, aaminin niyang mayaman sila at mansyon ang tinitirhan niya roon sa U.S pero ni isang beses hindi pa siya nakakatapak sa ibang bansa, ngayon lang. Naninibago siya sa klima, lugar at lahat-lahat. Sa edad niyang 21, ngayon lang niya naramdaman ang salitang "freedom".
She was just seven when her life started to be like hell. Sa isang masukal na lugar sa U.S sila noon sinasanay, and yet she can call that place a 'hell'. Araw-araw nakikipaglaban sila kay kamatayan, maswerte kana kung wala kang saksak o tama ng bala sa isang araw, maswerte ka kung ligtas kapa. It's like hell or should she say it's the real hell. Wala kang dapat pagkatiwalaan kahit isa roon, kasama niya roon noon sina Chloe, Samantha, Vlex, Ace at Jigs. Noong una wala siyang tiwala sa lima, lahat dun nagta-traydoran para lang masalba ang mga sarili. Pero kalaunan ay naging magkaibigan sila at nagtulungan. Sinasanay sila mula sa tamang paggamit ng baril, espada at kung anong klase ng mga armas hanggang sa pagdepensa sa sarili at kapag sasapit ang weekend saka sila ilalaban lahat. Kailangan mo ring pumatay ng baboy ramo o anumang hayop na makakain para lang makapaghapunan ka, kapag wala kang napatay walang laman ang tyan mo sa gabing iyon, bawal ang bigayan roon, kahit gaano pa kalaki ang nahuhuli at napapatay ng mga kasamahan mo dapat sa kanila lang iyon at hindi dapat mamigay para raw matuto nang leksyon ang bawat isa at magsipag. Araw-araw ganoon ang buhay hanggang sa sasapit ang ikalima ng desyembre saka lang kayo makakauwi sa sarili ninyong bahay at makakapiling ang inyong pamilya at babalik naman sa ika-lima rin ng January. Hindi titigil hangga't walang napipili na bagong papalit sa Pinakamataas nilang Pinuno.
At nasali lang naman siya roon dahil nananalaytay ang dugo ng kaniyang ama sa kaniya.
Ang kaniyang ama ang kanang-kamay ng Pinakamataas, ang patakaran roon ay kapag may isang myembro ng pamilya ninyo ang kasali roon dapat maging kasali rin ang anak nito pagdating ng araw para hindi mawala ang nabuong samahan. Katulad lang ito ng fraternity pero malaki rin ang kaibahan, 'di hamak na mas grabe ang prosesong gagawin rito kesa sa normal na frat.
YOU ARE READING
The Vengeance
ActionSabrina De Villa wants a normal life where she can do whatever she wants but Joaquin, her Dad want her to be a Boss on a Mafia he joined before. Her father wants to revenge on the other Mafia group named Red X that's why he use his daughter, but su...