"Good morning everyone" bungad ng Professor namin, nilapag niya ang dalang aklat sa lamesa. Ilang araw na ang lumipas mula nung mangyare ang pagsugod namin sa cruise ship.
Wala namang pagbabago sa school, minsan pa lang rin pumapasok ang ibang guro dahil ilang araw palang simula nung magsimula ang pasokan. Noong isang araw sinabing may ipapagawa raw sa aming report about 21st century. Maghahanap ng ka-grupo na aabot sa bilang ng tatlo kaya nahati kaming anim. Ka-grupo ko si Jigs at Acer habang magka-grupo naman sila Chloe, Sam at Vlex.
Nag-discuss lang saglit ang Professor namin pagkatapos ay umalis na rin.
Lumabas kami ng room at pupunta sanang cafeteria nang biglang umingay ang 1st floor ng building, nasa ikalawang building kami, ang pinakamaliit sa tatlo pero siyang pinakamalapad. Yung dalawang building na gilid ng building namin ay matataas at mayroong apat hanggang limang floor.
Bumaba kaming anim para malaman kung bakit umingay bigla, nakita kong may isang babae ang galit na galit na pinaghahampas ang isang babaeng nakadapa sa sahig at marumi na ang uniform, hula ko yung babaeng galit ang 3rd year habang ang isang nakadapa ay katulad naming 4th year highschool. O baka posibleng kaklase namin yun, hindi ko lang alam dahil wala naman akong pakealam sa kung sino ang mga magiging classmate ko rito sa manila.
Umiiyak ito habang walang tigil na pinaghahampas ng isang babae ang balikat niya, hinila pa nito ang buhok niya at inutusan siyang tumayo at lumaban. Maya-maya may isang babae ang sumingit, pinatayo nito ang 4th year saka humarap sa 3rd year student na galit na galit.
"Tama na nga, kita mong nakadapa na yung pinsan ko hinahampas mo pa rin, pasikat!" Anang nakisaling babae, pinsan niya pala yung 4th year.
Napabuntong-hininga ako saka umalis papuntang cafeteria, hindi sumunod sa'kin ang lima kaya mas binilisan ko pa ang hakbang ko. Ayoko ng sinusundan ako saan man ako magpunta, para silang buntot ko na hindi mahiwalay saan man ako magpunta.
Hindi ko namalayang may nabunggo na pala akong tao sa bilis kong magkalad, natapunan ang uniform niya ng iniinom niyang kape, narinig ko pang napamura siya.
Nagulat ako at hindi agad nakagalaw sa kinatatayuan ko, tiningnan ko ang uniform niyang natapunan saka humingi ng tawad.
Napabuntong-hininga lang ito at tiningnan ako saka umiling at naglakad palayo. I felt sorry for him, I didn't mean that to happened. Hindi ako literal na nag-iingat.
Pumasok ako sa cafeteria at nag-order bago bumalik sa table ko. Nagsimula nang dumami ang mga estudyante kaya tapos na siguro yung nag-aaway kanina. Nakita kong papalapit ang lima sa cafeteria, gusto kong magtago at magpanggap na nasa CR ako kaso baka maagawan ako ng pwesto rito.
Napabuntong-hininga ako nang lumapit sila sa table ko at umupo, si Acer ang nag-order habang si Chloe ay daldal ng daldal, kinukwento sa 'kin ang nangyare kanina sa nag-rambulan at tinanong kong bakit ako nawala na parang bula sa tabi nila.
"Shh, it's okay just calm down and drink this" narinig kong sabi ng babaeng nakisingit kanina sa rambulan nang makabalik kami sa classroom galing cafeteria.
Pinapatahan niya yung babaeng umiiyak at pinaghahampas kanina, hindi nga ako nagkamali na kaklase namin sila. Pinalilibutan sila ng mga kaklase namin, yung iba nag-aalala at yung iba nandun lang para makichismis.
"Sab, are you listening?" napabalik ang atensyon ko kay Samantha ng bigla niya akong yugyugin, kanina pa pala ako nakatingin dun sa dalawang babae.
"Come again?" lutang na sabi ko.
"Urgh, nevermind hmp" nagtatampong aniya.
May lalaking lumapit sa 'min, may dala siyang baseball bat na nakasabit sa balikat niya, nakabukas ang dalawang botones ng uniform niya kaya kita ang dibdib niya. May hikaw pa siya sa kabilang tenga at amoy sigarilyo.
YOU ARE READING
The Vengeance
ActionSabrina De Villa wants a normal life where she can do whatever she wants but Joaquin, her Dad want her to be a Boss on a Mafia he joined before. Her father wants to revenge on the other Mafia group named Red X that's why he use his daughter, but su...