Kabanata 4

60 4 2
                                    

Nakatitig si Nico sa kanyang kisame habang nakahiga sa kama, mag aalas dosè na ng Umaga pero hindi pa rin sya makatulog although sanay naman sya sa puyatan pero usually kapag wala naman syang iniisip na trabaho gusto nyang magpahinga ng matagal.

"Rose, Rosana" wala sa sariling umimik at hindi nya namamalayang kanina pa pala sya Naka ngiti.

"Alicia Rosana Villafuente" buo nyang binaggit ang pangalan ni Rose ng may kinang sa kanyang mga mata. Kaya pala hindi sya makatulog ay kanina nya pa iniisip si Rose.

Kanina pa sya nakauwi dahil maghapon syang andoon sa Mansion ng mga Villafuente, madali nyang nakasundo ang pamilya ni Rose lalo na ang Lola ni Rose na si Senyora Anastasia bilib na bilib sya rito dahil kahi na matanda na ay Naka postura parin ang ayos na tila dati syang Reyna ng Isang Bansa.

MEANWHILE, hindi rin makatulog si Rose at halos kanina pa sya nagpapa palit palit ng pwesto sa kanyang kama. Ng hindi nya na talaga malaman anong pwesto ang gagawin nya upang makatulog napilitan syang bumangon at tumayo sa hinagaan. Sinuot ang kanyang tsinela at tsaka nag tinapis ang kanyang mahabang cardigan.

She went down to the kitchen para kumuha ng maiinom na kahit gatas or tubig para lang antukin at makatulog. Pagkasara nya ng refrigerator ay muntik nya pang mabitawan ang Fresh milk dahil sa gulat ng makita si

"Nay Marciana??!" Gulat nyang saad at napahawak sa dibdib ng mapanatag.

"Oh? Bakit parang gulat na gulat ka? Mukhang malalim ang iniisip mo kaya ayan naging magugulatin ka" sabi ni Marciana kay Rose at tsaka inilapag ang hawak nitong mga babasaging gamit. Mukhang nag liligpit sya ng mga lumang gamtit sa kusina at may bago nanamang idinating na kung ano anong porselanang gamit si Senyora Anastasia galing Spain.

"Wala po Nay, hindi lang po ako makatulog" sagot ni Rose. Si Nanay Marciana ay ang kanyang yaya simula pagkapanganak sa kanya. Kasing edad lang ito nina Amelia at Simon at parang isang tunay na ina na talaga ang turing ni Rose sa kanya. May Isang anak si Marciana at iyon ang Best Friend ni Rose na si Martha

"Hindi makatulog dahil?" Tanong ni Marciana na tila may gustong malaman

"Nay?" Paglilinaw ni Rose

"Syempre kapag hindi makatulog ibig sabihin may Dahilan, eh ano ang dahilan mo bakit hindi ka makatulog?"

"Wala po Nay siguro sadyang hindi lang po ako inaantok maya maya makakatulog rin ho ako, kayo po ba? Tama na po yang pag tratrabaho bukas nyo na po gawin iyan sige kayo baka sumakit nanaman yang likod Mo paniguradong Sesermonan kayo Ni Martha dyan"

"Haynako Anak mamaya na ako magpapahinga at marami pang gagawin dito sa kusina at tsaka nandito nga pala si Martha bukas mag uulat sya sa Abuela mo tungkol sa darating na anihan" sabi ni Marciana at biglang napangiti si Rose

"Talaga po? Bakit hindi po nagsabi sa akin si Martha? Ang sabi nya sa susunod na linggo pa daw po ang pulong nila kasama ang ibang Leader ng magsasaka?"

"Hija hindi kapa ba sanay sa Kaibigan mong iyon? Palagi kang sinosorpresa, at tsaka hindi ba nagsabi sayo si Bruce na bukas nalang ang pulong dahil maraming hindi makakadalo sa isang linggo"

Napangiti ulit si Rose at tumango "Sabagay po tama po kayo masyadong masorpresang tao si Martha, at tsaka salamat Nay pinaalam mo sa akin ang tungkol sa meeting, siguro nakalimutan lang sabihin sa akin ni Bruce"

"Ay sya sige na anak matulog kana baka mabinat ka kagagaling mo lang sa sakit nagpupuyat kana naman, at marami pa akong kailangang tapusin. Umakyat kana sa iyong silid at mag pahinga kana dalhin mo na iyang gatas doon ay sya sige na" hanggang ngayon ay alagang alaga parin nya si Rose kahit pa noong nag asawa si Rose ay hindi parin nabago ang pagmamahal nya dito.

Fall Out of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon