Kabanata 18

29 3 2
                                    

Umuwi ako ng bahay and dumeretso agad sa kwarto, wala pa namang isang oras ang meeting dahil hindi pa tapos ay lumayas agad ako, akala ko hindi pa gising ang asawa ko, pero pag bungad sakin ay wala na sya dito sa kwarto namin and napansin kong hindi nya rin ginalaw ang breakfast na inihanda ko sa kanya.

Hinugot ko ang phone sa bulsa ko and tinawagan ko sya, tapos narinig ko ang pag ring ng phone nya naka patong sa make up table nya. Nasa baba lang siguro sya.... nag bihis muna ako ng damit kasi wala naman akong ibang lakad, so nagpalit na ako ng pambahay para mas komportable ako. Pagtapos kong mag bihis bumaba agad ako ang hinanap ko si Rose, hindi kasi ako sanay na hindi sya sumasalubong sa akin galing trabaho e, palagi nya akong tinatanong kung kamusta and lagi nya akong pinag kwekwento sa mga nangyari sa work. Ngayon alam kong may tampo sya sa akin kasi hindi ako nag sabi sa kanya and nalaman nyang may tinatago ako sa kanya, and I wanted to apologize for lying on her pero hindi ko parin sasabihin ang tunay na dahilan, gusto ko lang maging okay kami kasi hindi ko kayang hindi nya ako pinapansin.

Nasalubong ko sa sala si Manang Ayda kaya tinanong ko kung nakita ba nya si Ma'am Rose nya.

"Nako Sir nagka salisi ho kayo, kaaalis lang ho kasama nila Ma'am Athena at Martha" sagot nito....

I see, I guess hayaan ko muna syang makasama mga friends nya at sa kanila mag open ng problema, I know Rose very well, nasaktan nga sya sa pag lilihim ko sa kanya and gusto nyang libangin sarili nya kasama mga kaibigan nya. Mamaya ko nalang sya kakausapin at hihingi ng Sorry pag uwi nya. I hope she feel better na pag uwi nya at sana rin pansinin nya ako.

•END OF NICO'S POV•

"Baka naman about sa work lang talaga, huwag ka nga nag iisip ng ganyan Rose, di naman mukhang ganon si Nico diba?" Sabi ni Athena, tama nga ang sabi ni Nico, kila Martha at Athena sya mag oopen ng problema.

"Ay hindi, daaay! Feel ko talaga may matinding sikreto yang asawa mo nako Rose, yang mga artista na yan talaga magaganda ang image sa tv pero sa personal ang dami dami palang lihim" ariba naman ni Martha na animo'y nag rarap na basta talaga chismis asahan mong walang kakaligtaan.

"Ay dahan dahan naman artista ako ooy!" Tila nahawa na sa accent ni Martha si Athena. Napatakip nalang ng bibig si Martha at natawa

"Ay oo nga pala, ambot nakalimutan ko ba, pasensyahan mo na" sabi ni Martha

"Eh basta, hindi pwedeng magkamali ang instict nating mga babae, pag ano yung unang pumasok sa isip natin, yun na yon! Gets nyo ba?" Saad ulit ni Martha, parang sila yung may problema kung ma stress e.

"To be honest Rose, sa tagal na naming kaibigan ni Andres si Nico, never pa naman namin yang nakitang ibang babae nung mag asawa pa sila ni Heidi, even before mga kabataan namin never naming nakitang iba iba ang dine-date nyan, career, family lang ang number one focus nyan, and alam namin ngayon na may asawa na sya number one kana sa priority nya, and I think hindi nya naman gagawin yung iniisip natin kasi we all know na alam nya ang feeling ng niloloko diba? So I guess sana nag sasabi sya ng totoo na work lang talaga yon" paliwanag ni Athena.

"Ay talaga, kapag nalaman kong mali tayo ng hinala? Ako pa mismo mag sosorry sa kanya, pero kapag tama tayo ng hinala? Aba malakas sumuntok itong kaliwang kamay ko, huwag nya lang masubok subukan at masasampolan sya nito" matapang namang saad ni Martha na handang makisabak sa gyera para kay Rose.

"Ano ka ba, huwag mo nang dagdagan itong iniisip ni Rose, huwag na nating dagdagan baka sumabog na ang utak nito sa stress" sabi ni Athena kay Martha, napatingin si Martha kay Rose na kanina pa tulala at malalim ang iniisip na kahit sa usapan nila ay walang imik.

Fall Out of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon