Chapter 35: Valentine's Special

1.7K 120 59
                                    

LYNDON's POV

"Uhm, H-hi. Good Morning Everyone."

Shet. Kinakabahan nanaman ako.

"I-I'm Lyndon Moraga. From section Athena and I'm running for Vice G-Governor under HA-"

Napatigil ako bigla dahil sa kaba at dahil hindi ko din masabi ng buo ang pangalang ng partylist namin.

"-HAKDOG Partylist na pinangungunahan ni uhm - "

Napatigil ulit ako at napatingin sa mga kapwa ko kapartido.

Hay. No matter how many times I do this, no matter how many times na mag practice ako, hindi ko pa din magawa 'to ng tama.

"-ni P-Pierce Greyson, our Governor, m-my runningmate. Uhm, I h-hope you vote us straight for this coming student council election and imemake sure namin na hindi lang basta pangako ang mga platforms namin, eto ay aming commitment once na kami ang manalo school year's student governance. Yun lang. T-thank you." Mabilisang sabi ko bago ako tumabi sa gilid para ikalma ang sarili ko.

Kanina pa kase ako nangangatog sa kaba.

Hindi ako sanay ng ganito. Sa klase pa nga lang namin, ayoko na humarap what more pa kung lahat ng section sa school na 'to ay papasukin namin para mangampanya.

Parang hindi ko na kakayanin yung kaba sa tuwing ako na ang magiintroduce.

Pero kahit ganun, pinipilit ko pa din at tinatry ko ang best ko magpakilala.

Napansin ko naman na parang biglang kinilig ang mga kakabaihan nung nasa harapan na pala si Pierce para siya naman ang mag introduce.

"Good Morning, I don't know if I need to introduce myself anymore since kilala naman na ako ng karamihan sa inyo." Pambungad niya.

Sa araw araw na naririnig ko ang boses niya, paulit ulit na nagfaflash back sakin yung sinabi niya sa akin nung gabi na yun...

Hanggang ngayon hindi pa din talaga nag sisink in sa akin lahat...

"But nevertheless, hindi naman ako nagpapakilala bilang kung ano ang pagkakakilala niyo sakin, kundi bilang kung ano ang dapat niyong asahan sa amin bilang partido para sa darating sa student council election."

Magmula nung nangyari yung gabi na yun, nag iba na lahat. Nag iba na kung papano ako gumalaw kapag kasama ko siya sa campaign. Nag iba na din ang pagkakakilala ko sa kanya...

"I'm Pierce Hans Greyson and I'm running for Governor under HAKDOG partylist."

Hangang ngayon hindi ko na siya makausap ng maayos. Ni hindi ko na din siya matignan ng diretsahan.

Sa tatlong araw na lumipas mula nung gabi na nagconfess siya, araw araw ko lagi pinoproblema kung papaano ko siya haharapin.

Kung papano ako hindi maiilang. Kung papano ako hindi maawkward.

Hayy.

Sana may reset button. Parang gusto ko ireset ang buhay ko.

"Uy, Lyndon, papindot daw yung presentation."

Nagising na lang ang diwa ko nung tapikin ako nung Secretary namin.

Nakatingin naman ang lahat sa akin. Shet. Nakakahiya.

"A-ah. S-sorry." nasabi ko na lang sabay pindot nung Presentation doon sa laptop na nakapatong ngayon sa teachers desk.

"So as I was saying-" Ipinagpatuloy ni Pierce ang pagdidiscuss sa harapan ng platform namin. Since wala kaming Campaign Manager, si Pierce na ang gumanap ng role na yun. Siya na ang utak ng campaign namin at siya na din ang nangunguna sa pageexplain ng mga plataporma ng partylist namin.

My Pervert Bully (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon