Chapter 31: HAKDOG

4.1K 176 138
                                    

A/N: Sorry for late update. Sana mag enjoy kayo. Happy reading. :)

LYNDON's POV

"[Ikaw talagang bata ka, hindi ko na maintindihan kung anong nangyayari sayo. Pinag alala mo kami ng sobra sobra.]"

"[S-sorry talaga Ma.]"

"[Hay nako. Puro ka na lang sorry. Kamuntikan pa kami magreport sa pulis.]"

"[Ayos naman po ako Ma. Wag na po kayo mag alala. Di lang po talaga ako nakauwi kase po...]"

Hindi ko alam kung magsasabi ako ng totoo.

"[Kase ano?]"

Napatingin naman ako kay Pierce na patuloy na nagdadrive bago ko sinagot si Mama.

"[Uhm... Madami lang po talaga kami ginawa kaya inumaga na po kami.]" Napapikit na lang ako sa pagsisinungaling ko.

"[Eh bakit hindi ka man lang nakitext ha? Di mo man lang naalala na may naghahantay sayo at nagaalala sayo dito.]"

"[Pasensya na po talaga Ma.]" nasabi ko na lang.

"[Hay nako Lyndon. Maguusap talaga tayo paguwi mo mamaya. Oh sige na bye.]"

Magbabye pa lang ako nang ibaba na ni mama yung phone.

Napabuntong hininga na lang ako bago ko ibinalik kay Pierce yung cellphone niya.

"Salamat sa pagpapahiram." nasabi ko na lang. Sa totoo lang nalulungkot ako kase galit sakin si Mama. Alam ko namang mali talaga yung ginawa ko. Pinag alala ko sila ng todo todo.

"Bakit hindi ka nagsabi ng totoo?" tanong nito sakin nang hindi ako nililingon.

"Ano sasabihin ko? Sasabihin ko na nag alaga ako ng may sakit?"

"Sinabi ko bang bantayan mo ko?"

Napatahimik naman ako sa tanong niya. Oo nga, choice ko din naman 'to.

"Kase naman pinapauwi na nga kita kagabi, hindi ka pa talaga umuwi." Dagdag pa niya.

"Ayaw kita iwan kase kasalanan ko kung bakit nagkasakit ka-"

"-Ayaw mo ako iwan kase namiss mo ko masyado. Yun lang yun." Agad na pagdugtong niya sa sinabi ko na agad kong ikinalingon sa kanya.

Hay nako.

Suko na talaga ako sa lalakeng eto.

Napailing at natahimik na lang ako sa buong byahe namin papuntang school. Mabuti na din yun para kahit papano magkaroon ng kapayapaan sa isip ko.

Nakarating na kami ng school at nag park na si Pierce.

9:00 AM na din. Late na kami para sa morning class.

Nag alis na ako ng seat belt ko at ganun din si Pierce.

Bago ako bumaba, napansin ko na ang daming babaeng student ang nakapalibot ngayon sa kotse ni Pierce. Ibang klase din talaga 'tong kasama ko.

"Ang dami mong admirer. Hinihintay pagdating mo." Sabi ko sa kanya

"Just don't mind them."

Okay?

"Sige, bababa na ako. Hahabol ako sa klase natin. Maraming salamat sa pagsabay sakin." sabi ko sa kanya.

Bababa na sana ako nung hawakan niya kamay ko na ikinabigla ko.

"B-bakit?"

"Hindi kita sinabay papasok dito sa school para pumunta ka sa klase. Hindi mo ko driver."

My Pervert Bully (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon