Chapter 15: His Nightmare

7.8K 308 151
                                    

A/N: Medyo madugo 'tong chapter na 'to dahil may patayang magaganap. Echos hahaha. Madugo dahil literal na dinugo ako habang dinadraft ko ang Chapter na 'to. Hahaha.

So Im calling the attention of the following:

Gramarian.

English Teacher.

English Student Major.

Fans ni William Shakespeare.

Mahilig magbasa ng English Novels or any Literatures.

at mga Bashers ko na din XD.

Please. I need your cooperation. Kung merong di kaaya ayang basahin, I inline comment niyo ang maling grammar ko hahaha! Or di kaya iPM niyo ako. Parang awa niyo na hahaha. Much appreciated kapag minessage niyo na lang ako. Hehe. Yun lang.

Saka yung plot hole. Okie? Kindly tell me kung may butas na ang story para maagapan at maiedit ko agad.

Yown lang, sana magustuhan niyo ang chapter na 'to. Maghanda na din ng tissue.

Enjoy Reading! :)

LYNDON's POV

Isang Linggo ang nag daan. Unti unti na talaga akong nakapag adjust sa Lestinosa Academy. So far, medyo naging maayos naman ang buhay ko ng slight at sana magimprove ng konti ang slight na yun. Wala ng kaanuhang pinag gagagawa ang Athena sakin. Hindi ko alam kung anong nangyari pero ayoko mag assume or ma feel safe baka sa mga oras na 'to nag babalak na sila ng kung ano man.

Although, hindi pa din ako nawawalan ng mga nambubully sakin lalong lalo na si Jefferson at mga kaibigan niya na hindi ata nawawalan ng araw na lagi akong pinapahiya, or kung ano anong sinasabi na ewan. Normal na sakin ang mga tulad ni Jefferson kaya kaya ko naman silang tagalan. Ang di ko lang talaga matake kung buong section mo na ang pinagtutulungan ka.

It's already lunch and guess what kung saan ako kumakain. Dito sa canteen ng Lestinosa na mala buffet ang setup at talagang mga chef ang nagluluto at ginto din ang niluluto. Ang mamahal ba naman kase ng mga pagkain. Biruin mo ah. Kanin dito, 100 pesos. At isang takal lang yun. Jusko. Dalawa o tatlong kilo na ng bigas mabibili mo dun eh. Ginto din ata ang bawat butil ng bigas na sinasaing eh. So kung alam niyo na presyo ng kanin, wag niyo ng alamin yung sa ulam. Dahil I swear, ginto din yung baboy, baka, manok, at gulay na niluluto nila dito.

Pero syempre, hindi ako mayaman para bumili dito. Nandito lang ako para makiupo at para makain ko ang baon kong lunch. Sunny side-up na itlog lang naman ang ulam ko. Wala naman sinabi na para lang sa mga customer ng canteen ang pwede gumamit ng upuan dito saka isang linggo ko na 'to ginagawa, wala namang sumisita sakin.

Maliban lang talaga sa mga nambubully sakin na minsan dinadalaw nila ako dito para laitin ang binabaon ko. Pero wala na lang akong pake at hindi nagsasalita para wala ng gulo. Lumalayo lang din naman sila pag naramdaman nila na hindi ko naman sila kinakausap.

Minsan kasabay ko si Ianne dito pag napipilit ko siya pero madalas hindi kase sabi niya, bawal daw ang employado lang na kumain dito. Ngayon, wala siya. Absent ata siya kase di ko pa siya nakikita ngayong araw dito sa school.

Si Brent naman, minsan din nakakasabay ko siya dito. Masaya lang ako kase we're good friends na. Nakwento niya sakin na okay naman na si JD sa states. Sa nakikita ko, masaya naman na siya though minsan nakikita ko pa din siya na malungkot or parang maraming iniisip. Sabi nga ni JD sakin, dapat masanay nako kay Brent since na bipolar nga talaga madalas.

Minsan din, hindi nakukumpleto ang pag pasok ni Brent sa school. I mean, minsan naghahalf day siya or minsan sa hapon na lang siya pumapasok tulad ngayon, wala siya nung morning class. Ewan ko lang kung papasok siya mamaya. Mukhang may inaasikaso siya na ewan. Di ko na natatanong kase nahihiya naman ako na tanungin.

My Pervert Bully (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon