"CASSY"
"PO?"
"BABA KA NA DITO KAKAIN NA, MALALATE KA NA"
"ATE WAIT LANG"
"BILISAN MO, MAMAYA ANJAN NA NAMAN SI NANAY"
agad na akong bumaba.
"Ohh bat hindi ka pa nakabihis?"
"Ate hindi muna ako papasok ngayon."
"Aba himala, ngayon ka lang nag absent ahh, may problema?"
" wala naman po"
"Ohh siya siya tulungan mo nalang ako mamaya magtinda"
"Ate ayaw kung lumabas"
"At bakit? Nagpapaputi ka?"
"Hindi naman po sa ganun"
*biglang bumukas ung pinto*
"Nay! Bat ngayon ka lang umuwi? Saan ka natulog kagabi?"
"Tumahimik ka nga ang ingay ingay mo"
"Cassy kumain ka nalang muna jan"
Tumango nalang ako.
"Nay may binigay si carlo na pera?"
"Oo"
"Asan na? Inutang ko yun para pambayad ng kuryente"
"Binayad ko kay marko"
"NAY BAKIT MO BINAYAD?"
"tumahimik ka nga ang ingay ingay mo para kang manok na putak ng putak jan"
"Nay naman kasi para yun sa kuryente natin ehh baka pag hindi pa ako nakabayad hanggang bukas mapuputulan na tayo, tsaka ung pera ko kasi binayad ko na kay aling pasing para dito sa tatlong buwan na upa ng bahay"
"Aba humanap ka ng paraan para mabayaran yang kuryente na yan"
"16-37" sigaw ng nag wi-witting sa labas.
"16-37 ABAY NANALO AKO"
"TALAGA NAY?"
"OO, CASSY TAWAGIN MO YUN"
agad naman akong tumakbo palabas para tawagin si mang ambo.
"MANG AMBOOOOOOO"
"BAKIT?"
"TINATAWAG KA NI NANAY" agad niya namang pinarada ang motor niya papunta sa harap ng bahay tsaka pumasok.
"Ohh asan na?"
"4000 lang diba?"
"Hoy ambo kahit bobo ako sa math pagdating sa pera matalino ako kaya huwag kang gago jan, amin na 5,000 ko"
"To naman, ohh"
Binigay naman ni mang ambo ung napanalunan ni nanay tsaka umalis."Ohh clarise 1,000 pambayad mo ng kuryente"
"Nay kulang to, tignan mo nga ung mga babayarin ng kuryente doon tatlo un nay, 3,500 lahat"
"Aba't sobra na yan, ohh ito 3,000 ikaw na mag-abono jan"
Sabi ni nanay tsaka umalis.
Tiyak magsusugal na naman yun.
"Ate?"
"Kumain ka na doon, pagkatapos mung kumain nagligpit ka na din" sabi ni ate tsaka umakyat sa taas.
PAGkatapos kung kumain nagligpit na ako tsaka umakyat nadin ta taas.
BINABASA MO ANG
world is PERFECT but it's NOT
FanfictionFamily is the basic social unit. Family represent people living together by ties of marriage, blood and love,thus representing a single households. -- simsimi pati si simsimi na minsan baliw, nonsense kausap may nasasabi pang ganyan. Gigawin ko po i...