Chapter 7

13 2 0
                                    

Cassy POV

Gabi na pala ha-ha hindi ko man lang namalayan dahil sa kakalakad ko.

Hindi ko alam kung anong lugar na ito basta nasa gilid ako ng kalsada.

Lahat ng malakaran ko kaninang mga tao pinagtitinginan ako at tsaka pinagtatawanan.

Kaya ba ako nabuhay dito sa mundong ito para pagtawanan, laitin, at pahiyain? GANITO BANG BUHAY TALAGA ANG BINIGAY MO SAAKIN HA?

umupo ako dito sa gilid ng kalsada tinitignan ang mga batang pulubi na palakad lakad habang humihingi ng pera pambili ng pagkain, buti pa sila kahit papaano may mga tao paring tumutulong sakanila, SANA NAGING PULUBI NARIN AKO.

"ate pahingi pong pera pambili po namin ng makakain, sige na po ate" sabi ng batang pulubing lalaki na may hawak ng sangol.

Kinuha ko naman ang 10 piso na nasa bulsa ko saka binigay sa kanya.

Sana ganito rin kabilis sulusyonan ang problema ko, hihingi ka lang ng tulong sa ibang tao tapos na ang problema.

Maaring maalis agad ang balita o ang video na yun pero hindi maaalis ang kahihiyan saakin, hanggang pagtanda ko daladala ko yung kahihiyan na yun.

**kkrriinngg* *kkrriinngg*

"Hello po?"

"Asan ka bang bata ka kanina pa ako nagttxt sayo hindi mo ba narereceive?"

"A-ate" hindi ko na naman mapigilan ang mga luhang to.

"Cassy asan ka ba kanina ka pa hinahanap ni nanay, cassy nasa ospital kami ni kuya ngayon sinugod namin si nanay dito dahil umuubo siya ng dugo, cassy pumunta ka na dito hinahanap ka niya"

"A-ate pa-papunta na ako" sabi ko sabay tayo at para ng jeep papuntang san felipe hospital.

Ano ba talagang ginawa ko bat ganito ang binibigay mo saakin? Masama ba ako? Ang gusto ko lang naman ay maging maayos ang pamilya ko, masama bang maghangad ng sariling kaligayahan?

"Ku-kuya pwede po pakibilisan"

"Naku ineng traffic ngayon kasi inaayos pa nila ang kalsada kaya pasensya na"

Nay hintayin mo ako.

5

10

15

20

25

30minutes

"Bayad po" sabi ko sabay abot ng 5pesos at sabay takbo sa hospital.

Dumeretsyo na ako OR nagbabasakaling nandoon sila ate, at tama nga ako nandoon si ate kausap ng doktor samantalang si kuya nakaupo sa gilid at nakayuko.

Bigla ko nalang nakita si ate na umiyak ng mas malakas pagkapasok ng doktor sa loob ng OR.

Hindi ko maigalaw ang paa ko natatakot akong masamang balita na naman ang matangap ko.

Kitang kita ko kung paano humagulgol si ate samantalang palihim namang umiiyak si kuya.

Kahit ayaw ng puso at katawan kung lumapit kay ate ay kusang naglalakad ang paa ko papunta sakanya.

Nang makalapit ako kay ate ay agad ko itong niyakap, yumakap din ito saakin.

"Ca-cassy si na-nanay pa-patay na" sabi ni ate habang umiiyak.

Parang isang bomba ang mga salitang binitawan ni ate saakin, parang nalaglag ang puso ko ng marinig yun, kusa nalang akong mapaiyak ng malakas pero ramdam kung mas hinigpitan ni ate ang pagkakayakap niya saakin.

"AHHHHHHHHHHH" Niyakap ko din si ate ng sumigaw ito.

Akala ko sumigaw si ate dahil hindi na niya kayang umiyak ng tahimik pero mali pala ako bigla ko nalang nakitang may lumalabas na dugo sa hita niya.

"KUYAA TUMAWAG KA NG DOKTOR" Sabi ko kay kuya at agad naman itong tumakbo paalis.

"A-Ate kaya mo yan"

"Ahhhhhhhh, ca-cassy"

"ATEEE"

Bigla nalang siyang nahimatay tapos bigla namang datingan ng mga nurse at binuhat na si ate.

Ako naman nakaupo parin sa sahig habang nakayuko at umiiyak.

BAKIT BA NANGYAYARI ITO?

"Puntahan mo na si nanay sa morgue, kausapin mo siya hinintay ka niya mula ng dumating siya dito sa hospital hangang sa mawalan siya ng hininga ikaw ang hinahanap niya. Ako ng bahala sa ate mo" sabi ni kuya.

Tumayo naman ako ang naglakad na papunta kay nanay habang nakayuko.

Habang naglalakad ako may mga nurse o pamilya ng mga pasyente na tumitingin saakin sabay impit nila ng tawa.

Naalala ko na naman ang video na yun.

Pati ba naman dito sa hospital umabot pa iyon?

MORGUE

Pag-apak ko palang sa palang sa pintuan nilalamig na ako.

Madilim, walang katao-tao pwera lang sa mga patay.

Agad kung hinanap kung nasaan si nanay, kahit natatakot ako isinantabi ko muna ito.

Hindi nagtagal nakita ko rin si nanay, nasa hilid siya hindi pa natakpan ng puting kumot ang mukha niya kaya kitang kita ko pa ito.

Agad naman akong lumapit sakanya at tsaka niyakap.

"Nay sabi mo diba magbabago ka pa, bat mo naman ako iniwan?"

Yakap yakap ko parin siya at minsan hinahalikan ang nuo niya.

"Nay hindi mo na makikita ang apo mo kay ate, bat ka naman kasi umalis? Hindi ka man lang nagpaalam saakin"

"Salamat nay sa lahat, kahit na puro sakit sa ulo ginagawa mo noon naiintindihan ko naman, sa sobrang pagmamahal mo kay tatay hindi mo kinayanan ang pagalis niya kaya sa alak mo nalang ginugol ang oras mo, tama po ba?"

Umupo ako sa semento pero hawak hawak ko parin ang kamay ni nanay.

"Nay sana masaya kung nasan ka ngayon"

"Nay puntahan mo kaya si tatay tsaka mo pektusan para matauhan"

"Nay bantayan mo kami ha? Si ate po pala dinugo kanina habang umiiyak, sana walang mangyaring masama sa baby niya, bantayan mo po siya ha nanay"

----

Yay haha pasensya po pala ngayon lang nagUD

Salamat sa pagbabasa.

SIGURO hangang chapter 10 lang ang abot nito.

Siguro lang po ah haha

world is PERFECT but it's NOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon